"Everybody deserves a second chance."
Seth's POV
Wednesday morning.
Naisipan kong maglinis ng kotse ko sa may tapat ng bahay, ang laking harang kase ng kotse ni Dad sa may garage kaya hindi na ko makagalaw dun. Bago naman ako maglinis eh tinawagan ko na muna yung spoiled brat kong kapatid. Kahapon may pumunta kasi ditong isang lalaki, mukhang galing sa isang sikat at makapangyarihang pamilya din.
Kaya hindi na nagtaka si Dad nung nagpakilala itong boyfriend ni Chantel.
Pero ako parang hindi naniniwala dun, eh simula nung magbreak sila ni Inigo eh hindi na nagentertain ng iba pang manligaw yun. Kaya paano siya magkakaboypren ng di ko alam?
Hmm, bahala nga sila. Basta ko lilinisan ko na muna tong kotse ko.
Me narinig naman akong mga boses dun sa bahay ni Big Bird, nakangiti pa ko ng lumingon dun dahil gusto kong batiin si Bret. Pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Inigo is running after Chantel na palabas ng gate ng bahay niya.
WTH is this?
"Chantel?!"
"Chantel!"
Nagkatinginan kaming tatlo, nabitawan ko naman yung hawak kong hose at tiningnan ko ng masama si Inigo at ang kapatid kong sinungaling.
"Oh nose." Sabe ni Chantel.
"What is the meaning of this? Hm?"
。。。。。。。。。
Hindi matahimik si Chantel sa upuan habang tinitingnan ko sila ni Bret or Inigo dun sa sofa. Hindi ko gusto yung nakita ko, bute nga at ako lang ang nakakita eh, at bute nalang nag gym si Dad kaya wala pa siya ngayon. Kelangan ko munang kausapin tong dalawang to.
"Dun kaba natulog?" Napatikom si Chantel, samantalang hindi naman tumitingin sakin yung isa. Alam niya kase na ex ako ng pinsan niya at may galit to sakin. Pero ngayon may karapatan na din akong magalit sa kanya. Bakit niya kinunsinte tong kalokohan ng kapatid ko?
"Seth, wag kang magalala dahil wala namang nangyare, sa ibang kwarto ako natulog." Explain ni Inigo.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko."
Nagkibit balikat siya at nag roll eyes.
Bumalik naman ako sa kapatid kong magaling.
"Uulitin ko, dun kaba natulog?"
"Yes Kuya, " she's fidgeting while looking at me.
"Sa tingin mo maganda ba yung ginawa mo as a Buencamino and also as a woman?"
"N-no Kuya."
"Paano pag nalaman to ni Dad? Magwawala na naman yun. You're a girl for god's sake Chan! Nakakahiya pag me nakakita sa inyo dun." Napayuko naman siya. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na gamuntikan ng yakapin ni Inigo ang kapatid ko.
Sila na naman ba ulit?
Hindi pwede.
"Seth, biglang umulan kahapon nasa may tapat na siya ng bahay ko kaya dun ko na siya pinasilong pero nakatulog na siya kaya ngayon lang siya nakauwi. Okay? At kaya siya hindi nakauwi kahapon eh dahil takot siya sa Dad mo."
Tinitingnan ko ng mabuti si Inigo habang nagsasalita siya, nakikita ko yung concern niya sa kapatid ko. Pero hindi na ko makakapayag na saktan niya ulit si Chantel, malaki ang pinagbago ng personality ng kapatid ko dahil sa kanya noon.
BINABASA MO ANG
The Ex Next Door #Wattys2015
Teen FictionOnce upon a time my isang napakagandang dyosa, oo. Dyosa at siya si Chantel, sikat at maimpluwensyang babae sa university nila. Kaso may problema, bitter siya. Galit siya sa ex niyang si Inigo na naging boyfriend niya yung grade 7. Pano kung kaagaw...