Ipauubaya nalang ba to sa hangin? - Tadhana
Chantel's POV
I think, I'm in heaven right now, puro white at angels lang ang mga nakikita ko, parang wala rin akong nararamdaman na kahit anong bad vibes, basta nakaka relax dito, pero nasaan ako? Bakit parang ako lang mag isa yung nandito? Wala ba talaga kong ibang taong kasama dito? Pero hindi naman ako nakakaramdam ng kahit na anong takot. Basta parang masaya na nakakapagtaka.
Naglakad nalang muna ko sa may nakita kong diretsong daan. Nakaabot na ata ako sa gitna, teka, wala na ata akong kasama dito. Shemay, san naman ako napunta?
"Chantel?"
Napalingon ako sa tumawag sakin, ikinagulat ko naman ang itsura niya, dahil ako siya. Pero younger version siya. Parang nagkakaron na ko ng idea kung nasan ako ah.
"Chantel..." Sabe ko, nginitian ko siya. Pero she didn't smile back.
"Ikaw ba talaga ang future ako?" Tumango naman ako.
"Yup. Why?"
"Bakit hindi ako masaya? Bakit parang me kulang ako?" Tanong niya na ikinatahimik ko, siguro nakikiTa niya sakin yung isang malaking pagbabago na wala sa kanya noon.
"Nasaktan ka kasi, sobra. Kaya ganito ako ngayon. Sorry ah? Hindi ko kinayang maghintay at magtiis." Tinitingnan niya lang ako habang nagsisimula na siyang umiyak. Inames! Bakit umiiyak to? Parang nagdrama lang ako ng onti eh. Tinapa.
"Iniwan niya ko, niloko, pinaglaruan. Nasaktan ako kasi mahal ko siya diba?" Nagulat naman ako, hindi ako handa sa tinanong niya. Ang alam ko kasi hindi ko minahal si Inigo. Kaya anong pinagsasabi nito?
May tatanong pa sana ko, kaso bigla nalang siyang nawala. Badtrip. Kabute lang ang peg?
"Chantel...." Oops may tumatawag sakin. San galing yun?
"Chantel! Wake up!"
'Wake up!'
'Wake up!'
'I love you Chantel...i love you.'
I gasped. Ramdam ko rin yung pawis at sakit sa katawan ko. Oh shemz nasa hospital ako, ibig sabihin hindi kinaya ng ganda ko yung ilog? Ugh. Ano na kaya chura ko nito? Tsaka sino ba yung tawag ng tawag sakin sa panaginip ko? Basag trip yun. Pfft.
Hindi ko man maidilat ng matino yung mga pretty eyes ko eh kita ko kung sino yung mga nasa kwarto na nakatingin at nakangiti sakin.
Lumapit si Kuya habang teary eyes. Sus! Drama!
"Chantel...i thought you'll leave me na. Kala ko mawawala na yung lil sis ko." Sinimangutan ko naman siya. Ugh! I hate dramas you know? Tss. Inirapan ko lang siya.
Ano nga bang nangyare sakin? Sobrang sakit ng ulo ko...ah! Nung paaangat na sana ko sa tabi ng ilog eh may malaking troso na humampas sa ulo ko! Thats it! OH MY GOOOOD! Kamusta naman ang fez ko nito? Nooooh!!!!!
"Mmnph...mm." Putek! Bakit hindi ko maintindihan yung sinasabi ko? Haha. Para kong pipi. Oh nose! Baka napipi na ko! Ay wait. Ano kaya kung itroll ko tong sila Kuya?
Act like i have an amnesia.
"S-s-s-sino k-k-kayo?" Tanong ko. Napatayo naman si Dad at Mom sabay tinginan. Napatitig din ang kuya ko sakin. Pfft gusto ko ng tumawa kasi yung unang reaction palang nila is the best na. Haha.
"Oh my god. What happened to our chantel? No..." Mangiyak iyak na agad si Mommy. Pero mukhang di convinced si Kuya, kahit kelan talaga matalino to eh. Di mabiro. Haha.
BINABASA MO ANG
The Ex Next Door #Wattys2015
Teen FictionOnce upon a time my isang napakagandang dyosa, oo. Dyosa at siya si Chantel, sikat at maimpluwensyang babae sa university nila. Kaso may problema, bitter siya. Galit siya sa ex niyang si Inigo na naging boyfriend niya yung grade 7. Pano kung kaagaw...