Home

969 51 2
                                    

Chantel's POV.

One word. Grounded. Grounded ako ng isang buwan nang dahil sa kasalang di natuloy, mag wa-1 week naring di umuuwi si Kuya pagkatapos nung kasal na yun. Kaya nababaliw na si Dad sa pagaasikaso nung mga bayarin sa pamilya ni Matilda. Eh paano sayang reception, venue at yung gown na ibinalik. Haha! Gusto ko nalang talagang tumawa ng malakas!

Nagbukas nalang ako ng Macbook at inopen ang aking Facebook na parang mabubulok na ata. Hmm, ilang buwan naba kong di nagbukas?

Unang una sa news feed ko yung pagmumukha ni Martina na kasama yung bago niyang boyfriend na di ko maalala ang pangalan. Ambot. Dapat ko pabang ikastress yun? Nag comment nalang ako sa picture ng 'eto na pards, nilike ko na. Ayaw mo kasi akong tantanan sa messeger eh.' HAHAHAHA! Maloloka to pag nabasa niya yan.

Sumunod naman ay isang video nang pambubugbog kay Vhong Navarro. Hmm, full video daw! Mapanuod nga!

Oops teka, parang---

"KYAAAAAAAAAAH!!!!!!!" Takbo Chantel! Takbo! Napadpad ako sa may bintana nung may biglang lumabas sa video na isang nakakatakot na mukha. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Que horror! Napasandal ako sa may sliding window ng kwarto ko. Nung paglingon ko naman sa labas eh mas nagulat ako sa nakita ko.

Kitang kita ko si Inigo sa kabilang kwarto niya sa bahay ni Big Bird na naka top less habang nagpupunas ng buhok niya. Nagtago naman ako ng kaunti at sumilip ulit. Omaygas! Polgas! Grabe gyud! Bigyan niyo kong kanin! Dyusmiyo! Papatayin ata ako ni Inigo ng dahil sa abs niya. Kagat labi ko pang pinaghahampas yung tabi kong lampshade.

Pagtapos niyang magpunas eh tumalikod siya para mag stretch, nakita ko tuloy yung yummylicious niyang biceps . Tissue! I need tissue! Magdudugo ang aking nose!

*beep beep*

Kinapa ko nalang yung iPhone ko sa may tabi ng lampshade. May nagtext kasing epal. Pagtingin ko naman kung sino eh bigla akong nataranta.

Si Inigo!

'Why not just go here and just strip me down? Kanina kapa nanunuod eh. Baka kung gusto mo lang! *smiley face*'

Naibato ko sa inis yung cellphone ko. Hayup! Alam niya pala yung pambobosong ginagawa ko! Edi sana nagtakip man lang siya ng kurtina diba? Hindi eh! Inakit pa ko! Porque!

Hinawi ko yung kurtina at nakita ko siyang top less parin habang naka pamewang dun sa bintana. Nakatingin siya sakin at naka bhelat pa ang kumag!

Kumuha ako ng sketch pad sa drawer at pentel pen. Sabay sulat dito.

[Gay Buffman!] sabay paskil sa bintana. Nabasa niya to. Maya maya may kinuha siyang iPad at may sinulat din siya dun. Ipinaskil niya din to sa bintana.

[Peeping Tom!]

Aba!

Nagsulat ako ulit.

[Kulot!]

Natawa siya. Hayup, natawa pa. Siya naman yung nagsulat.

[Hindi ako kulot! Wavy lang! Pag eto umistraight who you ka sakin!]

Ang haba naman ng sinabi.

[Kulot ka period!]

[Inggit ka lang! :P] natawa nalang ako. Nagsulat ulit ang aking kamay (malamang alanga nang paa ang magsulat? Tanga tangahan lang?).

[Grounded ⬆️^] napasimangot naman siya.

[Bakit?]

[Hehe dahil ke Kuya Seth.]

The Ex Next Door #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon