A/N: The last chapter of The Ex Next Door, magbabye na ko ng bongga. Nagpapasalamat talaga ako na naging successful tong story na to. Alam ko malayo pa mararating nito, at tsaka sa mga solid Jadine fans dyan salamat! Nang dahil sa inyo lalo akong nainspire na gumawa ng mga story. Nung natapos ko noon yung unang version ng He's The One Who Got Away kala ko tatamarin na ko magsulat. Pero ayung sinipag pa kong ayusin at dun naman ako magfofocus ngayon.
May new story din akong Unexpectedly Yours at This Yakuza Guy. Sana suportahan niyo rin yun. Pretty Please!
Yun lang, so di pa pala talaga to babye kasi kung babasahin niyo pa yung iba kong story mababasa niyo pa yung mga lazy author's note ko. Hahahaha.
Byiiiiieeee!
Chantel's POV.
Napablink ako ng mga 10 times sa narinig ko, nung marealized ko kung anong kalandian yung sinabi niya tinakpan ko agad yung bibig niya. Nanlaki yung mga mata niya. Bute nalang wala kaming kasama dito sa lamesa. Busy na sila sa pakikipagmingle sa mga kamag anak nila. Tinanggal ko rin yung kamay ko.
"Anong pinagsasasabi mo ha?" Sabe ko.
"Nagjojoke lang naman ako, as if namang magkagusto ako sa girlfriend ng pinsan ko. HIndi ako sulutero." Natawa naman ako.
"Defensive much ka ah."
"Ikaw naman assumera. Hahaha." Gamuntikan ko na siyang batukan. Kumag na lalaki to, feeler.
"So, you've met my narcissistic cousin JIro." Napalayo ako kay JIro nung marinig ko ang boses ni Inigo. Nakabalik na pala siya, akala ko makikipagusap nalang siya sa mga kamag anak niya magdamag.
"Bro....i was messing with your girlfriend. Siya pala yung lagi kong nakikita sa wallet mo nung nasa Cambridge pa tayo. " Sabi ni Jiro nung nakaupo na si Inigo sa tabi ko. Napalingon naman ako sa boyfriend ko, kung nasa wallet niya pa ko nung nasa Cambridge siya ibig sabihin, hindi niya talaga ko nakalimutan ever since elementary days? Oh my god. Hindi ko alam kung matatawa ako or kikiligin.
"Uyy gandang ganda na siya sa sarili niya ngayon. Hahahaha!" HIndi ko na napigilan yung sarili ko, tumayo na ko para kurutin sa braso si Jiro.
Tawa lang naman ng tawa ang walanghiya, samantalang si Inigo pinapanuod lang kami na parang nanunuod lang ng tv. Hindi ba siya nagseselos?
"Jiro, okay lang ba kung iikot mo muna si Chantel sa hotel niyo?" Napanganga ako. Shet yung kinukurot kurot ko may ari pala nitong lugar na tinatapakan ko.
"Suuure." Tumayo si Jiro at hinila niya ko palabas ng venue. Hindi man lang ako nakapagsalita kay Inigo dahil paghila sakin ni Jiro umalis narin siya at umupo naman siya sa lamesa ng Dad niya.
Bakit iniwan na naman ako nung lalaki na yun?
Nawalan na tuloy ako ng gana parang ayaw ko nang tapusin tong party gusto ko ng umuwi. Nagpahila nalang ako kay Jiro.
"Chantel, bakit ka napahinto?" Tanong niya. Pagtingin ko sa paligid ko nasa may daan na kami palabas ng venue.
BINABASA MO ANG
The Ex Next Door #Wattys2015
JugendliteraturOnce upon a time my isang napakagandang dyosa, oo. Dyosa at siya si Chantel, sikat at maimpluwensyang babae sa university nila. Kaso may problema, bitter siya. Galit siya sa ex niyang si Inigo na naging boyfriend niya yung grade 7. Pano kung kaagaw...