Last chapter recap.
"We need to talk Chantel."
"About what?"
"About us."
。。。。。。
Chantel's P.O.V
Nataranta ako bigla nung makita kong ang sama ng tingin samin ni Shaii, ayokong mapagbintangan na isang sulutera no! Tong gandang to hindi mahilig mang agaw ng boyfriend! Bumalik naman ang tingin ko kay Inigo na parang may sinasabi ang mga mata.
"May galit kapa ba sakin huh?" Tanong niya.
May galit nga ba? Hindi ako galit sa kanya, uyam meron siguro, ayoko kase sa lahat eh yung mga taong manloloko. Tulad ng ginawa niya, tama bang ligawan niya ko para madistract niya ang studies ko? Alam kong naive pa ko noon pero di na ngayon! Marunong na kong mag handle ng mga bagay na hindi madali. Tsaka never naman akong nakaramdam ng galit towards sa kanya!
"Inigo, hindi ako nagalit okay? Kaya bitawan mo na ko!" Nagpumilit na kong makaalis sa kanya. Nung tuluyan na nga kong nakawala agad akong nagmadaling naglakad para makaalis na dun. Pinagtitinginan na kase kame eh.
Ayoko ng magkaron pa ko ulit ng issue sa eskwelahan nato!
"Chantel!"
"Shut up!" Diretso parin ako sa paglalakad sa hallway. Halos nababangga ko na rin yung mga nakakasalubong ko pero kelangan ko talaga mag madali!
Kundi....
"Woah! Are you okay miss?" Napilitan nalang akong huminto ng biglang may pumigil sakin.
Napaangat nalang ang tingin ko dun sa lalaki. At hindi ko alam kung anong sasabihin ko, totoo ba tong nakikita ko? Siya ba talaga to?
"A-anong ginagawa mo dito?" Nginitian niya lang ako at nabigla pa ko sa pagyakap na ginawa niya. Pero bumitaw din naman agad siya nung nakalapit na samin si Inigo.
Nilapitan niya ito at halata sa kanyang hindi niya nagustuhan ang taong nasa harapan niya.
"Kamusta na bro?" Bati nito kay Inigo.
"Kevin..."
--------
Martin's P.O.V
Omigosh omigosh omigosh! Nakita ko si Fafa Kevin kanina sa hallway! Akala ko pa nga nung una eh kamukha lang pero hindi! Siya nga talaga! Nako po, bakit naman dito pa napiling mag aral nun? Nandito na nga si Inigo eh, dumagdag pa siya. Hindi na ata keribels ng heart ko ang mga pangyayare dito.
Kevin Dela Vega and Inigo are bestfriends...nung elementary! Pero nagbago ang lahat nung niligawan ni Inigo si Chantel, naging sikat ang ChaNigo loveteam sa Welton at nabalewala ang friendship nilang dalawa. At eto pa simula nun, nagloko na sa pag aaral yung isa at naging bully na siya. Kaya pagka graduate ng elementary eh pumunta siya sa London para dun muna mag aral.
So anong ginagawa niya ngayon dito?
Papunta naman ako ngayon sa classroom ni Shaii, kilala niya rin kase yun. Kelangan namin magtulungan para masolve tong darating na gulo "ulit" sa Welton. Piste kase tong mga gwapong to!
Nakita ko naman siya na papasok palang sa classroom may mga kinausap lang siyang babae sa bandang pintuan tapos naglakad na ulit siya pero pinigilan ko siya.
"Shaii!"
Napalingon siya.
"Martin? Bakit? Me problema ba?" Tabong niya agad. Halata kase sa fezlak ko ngayon na ang haggard ko.
BINABASA MO ANG
The Ex Next Door #Wattys2015
Fiksi RemajaOnce upon a time my isang napakagandang dyosa, oo. Dyosa at siya si Chantel, sikat at maimpluwensyang babae sa university nila. Kaso may problema, bitter siya. Galit siya sa ex niyang si Inigo na naging boyfriend niya yung grade 7. Pano kung kaagaw...