Warzone

5.9K 121 7
                                    

Naniniwala ba kayo na may Dyosa? As in diwata or mga mala Maria Makiling?

Maniwala kayo dahil isa akong napakagandang diwata, oh, wag ka ng umangal magmumukha ka lang pangit niyan. Ha-ha! Diba?!

Tulad nitong pinipilahan ko ngayon na cashier, kairita lang ah! Hindi naman sa spoiled brat ako or what, pero minsan lang ako mag suplada, lalo na sa mga tanga. Hindi umuusad yung pila dahil lagi siyang mali. Geez~ ang serep pumatay!

"Miss? Pwede ba pakibilisan? Sobrang bagal mo na talaga? Parang mas mabilis pa ata yung pagtulo ng pawis ko kesa sa pagtatransact mo." Reklamo ko. Tingin naman siya.

"Ano magrereact ka? Tsk." Kala ko may sasabihin pa siya eh.

Tama bang paghintayin niya ang isang Chantel Buencamino? Ang nag iisang babaeng anak ng Gary Buencamino na nag mamay ari ng Camino Malls? Tsaka bakit nga ba ko naghihintay dito? Huh?

Namen.... malelate na rin ako sa family dinner! Para san pa tong binili kong mga mamahaling dress kung di rin pala ko makakattend? I'm so irritated na! Ugh!

Binitawan ko na lahat ng hawak ko at napalingon sakin lahat ng mga nakapila.

"Sorry but hindi na kayang magtiis ng ganda ko na pumila dito? Hm? Kaya kayo nalang mag tiis dyan, Berting! Come on! Ayoko na dito." Agad namang tumakbo palapit sakin si Berting, my best bodyguard slash driver.

May family dinner na magaganap dahil ikakasal na ang kuya kong si Seth sa Sunday, ewan ko nga kung ano bang nagustuhan niya dun sa mukhang daga na si Matilda eh, mukha namang muchacha.

Is it about the money?

Haha! JumaJohn Lloyd lang ang peg lols.

"Ma'am mukhang may bagong lipat sa pulang bahay ah. " sabe ni Berting nung saktong naghihintay na kami na mabuksan yung gate, napalingon naman ako sa bahay ni Big Bird, uhm oo bahay ni Big Bird ang tawag ko dun, bakit ba? Anyways, may malaki ngang moving truck dun annnnnnnnnnnnd as if I care, bahay parin namin ang pinaka malaki sa subdivision na to. Hmp!

Pagbabang pagbaba ko nagulat ako sa isang batang babae na patakbo sa gawi ko, nagtantrums naman agad ako dahil malapit na niya kong mabangga.

"Gosh! Mag ingat ka nga! Ano kaba?!" Sigaw ko dun sa bata, mamaya nabangga niya nga talaga ko at nailaglag ko tong gucci kong purse, mas mahal pa to sa kanya no!

Nabigla naman ako nung mataray akong nilingon nung bata, aba! Supladita ah! Ako lang ang pwedeng mag suplada sa bahay na ito.

"Paharang harang ka kase." Sabay irap.

Napanganga nalang ako at narinig ko nalang ang tawa ni Kuya Seth sa likuran ko. WTH?!! May nakakatawa ba? Tinarayan lang naman ako nitong maliit na kuto na to!

"Excuse me Kuya Seth? May nakakatawa ba?" Lalo lang niyang nilakasan ang tawa niya.

"Oo! Kase kuhang kuha ni Jane ang katarayan mo."

"Jane or whatsover, la kong keber, sino ba yan? Kaano ano ba natin yan? "

Lumapit naman si Jane kay Kuya at niyakap niya ito, don't tell me anak nila ni Matilda yan? Oh no! Di ako makakapayag!

"K-kuya, nagkaanak--omo!" Napa hawak nalang ako na noo ko na pinitik ni Kuya. Aray nemen! Hindi ba niya alam kung magkano ang ginagastos ko sa derma para lang mapanatiling maganda ang skin ko?

"Kapatid to ni Matilda, na eexcite lang siya dahil yung kuya nila na si Bret ay lilipat dyan sa tapat."

"Sa bahay ni Big Bird?! Omo! Magiging kapitbahay na natin sila Matils? Eww! As if! "

The Ex Next Door #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon