Chantel's POV. Monday Morning. Ewan ko, pero parang tamad na tamad akong pumasok. Mag eeight am class na pero eto ko naka pajamas pa at nakahiga sa kama. Nakatulala sa ceiling kong pink habang nagkukuyakoy ng paa. Tinatamad talaga ko pumasok. Grabe, si Inigo kaya pumasok na?! Pati pag silip sa bintana niya kinatatamaran ko. Psh.
*beep beep*
For sure, si Martina tong nagtext sakin, malamang nasa school na to at hinahanap ako. Binasa ko yung text niya, well, sabi niya lang pumasok na daw ako dahil me exams. Eh, pwede ko pa naman itake yun next week. Para kasing me gravity na humihila sakin pahiga eh, para bang ayaw niya kong paalisin ng bahay.
Maya maya lang ring na ang sumunod. Sinagot ko nalang to ng walang tingin sa caller ID.
"Hello."
"Chantel, si Inigo to."
Napabangon ako sabay tingin sa screen ng cellphone ko at inilagay ko to ulit sa tenga ko.
"Um bakit?!"
"May gagawin kaba ngayong araw?! "
This is unusual, never pa kong inaya ni Inigo lumabas. Anong meron?!
"Ano kasi eh, medyo tinatamad kasi ko lumabas ng bahay ngayon."
"A-anong klaseng tamad?!"
May types ba ng katamaran?!
"Tamad na?!!!!"
"Na...uhm. Nevermind." I heard awkwardness in his voice. Yung red alert ba yung iniisip niya?! Ano ba to si Inigo?!
"Menstruation. Is that what you mean?!" He paused for a moment, then tumawa siya. "Sorry, ang weird mo lang kasi ngayong araw na to. " sabi niya. Ako pa talaga ah?!
"Ikaw kaya tong weird, ang tagal na nating magkakilala pero never mo kong inaya lumabas, so anong meron at nagaaya ka ngayon?!"
"Wala lang."
"Wala lang?! Seriously?! That's the best answer you got?!"
"Kelangan bang me rason para ayain kang lumabas?!"
"Hindi naman sa ganun, pero ugh. Talagang tinatamad ako eh. "
"Tinatamad ka din bang lumabas ng kwarto mo?!" Ano daw?!
"Hah?!"
"You heard me." Lalabas ng kwarto ko...don't tell me. Agad akong bumaba ng kama at tumakbo papunta sa pintuan ko, pagbukas ko nun hindi mukha ni Inigo ang nakita ko, isang malaking stuffed toy na halos kalahati ko na ata sa laki. Then, he appeared, smiling. Pucha ang gwapo niya talaga.
"Sinungaling." Sabay hampas ko sa dibdib niya ng iPhone ko.
He whinced. "Hindi naman ako nagsinungaling ah."
"Eh di mo sinabi na kanina kapa pala nandito."
"Well, di parin pag sisinungaling yun dahil di kana man nagtanong."
"Ewan ko sayo."
"So, Minnie Mouse pala ah?!" Minnie Mouse?! Minnie-- oh my god! Nakalimutan kong naka pang tulog pa ko! Ugh! Nakita niya siguro yung panty ko na Minnie Mouse sa nipis ng suot ko! "PERVERTTT!!!" I slammed the door in his face.
Agad akong pumunta sa walk in closet ko at nagpalit ng mas matinong damit. Bwisit na Inigo to. Bwisit! Nawala na tuloy yung kilig na nadama ko kanina napalitan ng inis. Argh!Bumalik ako sa pintuan, pagbukas ko tanging yung teddy bear nalang ang nandun, di ko napansin na may isang bouquet din ng red roses sa tabi nito. Tinabi ko na muna yun para hanapin yung baliw na manyakis na nagdala ng mga nakakakilig na bagay na yun. Patakbo kong binaba yung staircase at at sumilip ako sa sala, wala siya dun, sumilip din ako sa terrace, wala din siya dun. Last resort ko ay ang gate kung san makikita ko agad ang bahay niya, o nga noh, nakalimutan ko. Magkapitbahay lang pala kami.
BINABASA MO ANG
The Ex Next Door #Wattys2015
Ficção AdolescenteOnce upon a time my isang napakagandang dyosa, oo. Dyosa at siya si Chantel, sikat at maimpluwensyang babae sa university nila. Kaso may problema, bitter siya. Galit siya sa ex niyang si Inigo na naging boyfriend niya yung grade 7. Pano kung kaagaw...