Chantel's POV.
Unti unti akong naglakad palapit sa pwesto ni Inigo. Bawat hakbang ko ramdam ko ang tibok ng puso ko, lahat ng mga akala kong nawalang pagmamahal ko sa kanya eh hindi pala talaga nawala, nakalimutan ko lang. Nakalimutan kong minahal ko siya at minamahal parin sa ngayon. Sana, hindi kita iniwan noon, sana hindi ako sumuko.
"Chantel?! Paanong--" napatayo siya ng makita ako. Pero niyakap ko siya agad.
"Sorry, sorry. Inigo sorry!" Yung tense niyang braso biglang humagod sa likuran ko. Hindi ko alam na malapit na pala siyang mawala sakin pero parang wala lang. Binalewala ko siya, hindi ko pinapansin mga effort niya. Napakatanga ko.
"May problema ba?!" Tanong niya.
"W-wala." Sagot ko. Naghiwalay na kami inaya niya kong umupo sa swing.
Dapat ko bang sabihin sa kanya na mahal ko parin siya? Ay teka kelangan ko palang itanong kung bakit ang raming maleta sa bahay niya at mga gamit na parang nakaempake.
"Uhm, Inigo, bakit nga pala naka empake na mga gamit mo sa bahay?" Napalingon siya sakin. Tiningnan ko siya at kita kong ayaw niyang sabihin.
"Wala yun, nag ligpit lang ako."
"Talaga?" Ayokong maniwala.
"Oo nga, oh, kala ko ba may date kayo ni Kevin?" Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman yun? Kami lang ni Kevin ang nakakaalam.
"P-paano mo nalamang may date kami?!"
"Tinawagan niya kasi ko kanina, sakin ka niya hinahanap. Eh busy naman ako sa imm- ay sa kakaligpit kaya paano tayo magkakasama? Diba?" Tumawa siya ng bahagya. Pansin kong may tinatago siya sakin pero ayoko nalang busisiin pa dahil ang importante ay ang masabi ko ang nararamdaman ko.
Lumapit ako sa kanya, nabigla pa siya sa pagtayo ko.
"I need to tell you something."
"W-what?"
Eto na, kelangan ko nang sabihin.
Bago kapa mawala ulit sakin.
"I love you Inigo."
Parehas kaming walang nasabi. Dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso ko, samantalang nakatitig lang siya sakin habang nanlalaki ang mga mata. Maniwala ka please, sana di pa nagbabago ang nararamdaman mo para sakin.
"Totoo ba yan Chantel?"
Tumango ako. Sa sobrang hiya ko naitakip ko ang kamay ko sa mukha ko. Geez, seryoso ba to? Isang Chantel Buencamino umaamin ng pag ibig para sa isang Big Bird?
"Hindi ka nagjojoke?!" Umiling ako. Naramdaman ko naman na tumayo narin siya sa swing at unti unti siyang lumalapit sakin. Umurong naman ako.
"Hindi mo babawiin?"
Umiling ulit ako kasabay ng pagurong ko.
"Talaga Chantel?!" Argh naiinis na ko ah! Paulit ulit nalang! Sinabi ko na nga eh!
"Ilang beses mo bang itatanong kung mahal kita?! Sinabi ko na nga diba? Ang kulet ah! Nakakairita!" Narealized kong napaka lapit na pala niya sakin. Lalo kong nakita kung gaano siya kgwapo kaya lalo akong namula. Argh! Nakakainis! Kasalanan niya kaya flustered ako eh!
"Aalis nalang ako kung ayaw mong maniwala! Big bird!" Ayoko na, grabe, nakakairita pala umamin sa isang katulad niya akala ko ba gusto niya ko? Mag eeffort siya para bumalik ako sa kanya? Eh bakit parang joke time lang yung confession ko kanina? Kainis! Kainis! Shit! Nagsimula akong maglakad palayo.
BINABASA MO ANG
The Ex Next Door #Wattys2015
Teen FictionOnce upon a time my isang napakagandang dyosa, oo. Dyosa at siya si Chantel, sikat at maimpluwensyang babae sa university nila. Kaso may problema, bitter siya. Galit siya sa ex niyang si Inigo na naging boyfriend niya yung grade 7. Pano kung kaagaw...