SHACKLED 14

482 26 7
                                    

Faustino Molave? Eto ba 'yung architect na sikat sa kabilang building.

Shet. Shala naman. "Joke time ba 'to?" nakangisi kong tanong.

Nakita ko naman si George na papalapit sa 'min.

"Huh? Hindi ah," sagot niya. Tinignan ko siyang mabuti.

He's tall. Makapal na medyo kulot ang buhok. Makapal ang kilay. Moreno. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Mapungay 'yung mata niya. Ang gwapo. Pero may something. Ramdam ko may something.

"Hoy? Sino ka? May jowa na 'yan." Nagulat ako nung biglang sumingit si George.

Tumabi siya sa 'kin at tinignan si Faustino pataas at pababa. Natawa siya at pinalo-palo pa ang braso ko.

"Type mo tropa ko?" nagulat ako dahil biglang bumilog boses ni George. Yung matarling at ipit na boses niya naging malalim na bilog. Parang. Oh sabi naaa.

Tumango si Faustino at natawa pa lalo si George. "Hoy," sabi niya. Bumalik na sa dati niyang tono 'yung boses niya.

"Naamoy kita. H'wag kami, " sabi niya tapos inamoy niya si Faustino. Hinila ko naman siya dahil parang nailang si Faustino.

"Huh? Anong ibig mong sabihin," bigla namang sabi niya kay George. Naging malikot 'yung mata ni Faustino at ramdam kong tense siya.
Yung boses niya, parang boses ni George kanina nung bigla siyang nag-tunog maskulado.

Sabi na eh. May something. Tinignan ko siyang mabuti. Gwapo talaga siya, pero dahil siguro sa sobrang tagal kong nakasama si George, nadedetect na ng radar ko mga kagaya niya. Ang cool.

Hinila niya kami sa may lumang storage room. Madalang nalang may mga pumupunta don, dahil luma na nga.

Kinabahan ako baka, serial killer pala 'to diba. Char, kakayuchub ko 'to.

Nung nasa may loob na kami ng storage room, nilock niya 'yung pinto tapos lumapit siya kay George at nagulat kami sa ginawa niya.

Sinabunutan niya si George. "Walanghiya ka talaga. Sira na ang plan ko!" sabi niya. Hindi ako sa pananakit niya nagulat, kahit naman ramdam ko na mas nagulat ako sa arte niya mag-salita.

Imagine, conyo siya na may accent at heto pa, mas ipit pa boses niya kesa kay George.

Nabalik ako sa hisyo nung nag-babardagulan na sila. Kaya naman inawat ko sila.

Matagal pa bago ko sila naawat dahil pareho sila palaban.

"Saglit nga. So bakla ka nga?" tanong ko kay Faustino. Tumango naman siya.

"Oh! See!" singit naman ni George. "Then, why did you say you have a crush on me?" tanong ko.

"Well, you see. Hindi pa ko nag-aout and some of my friends are suspicious. They want me to bring a date on our night-out next week. Ikaw unang babaeng nakita ko kanina, kaya ikaw nilapitan ko." Paliwanag niya.

"Bakit alam mo pangalan ko?" tanong ko. "I saw your ID. Duh?" sabi niya naman.

"So, ano? Tutulungan mo ba ko?" tanong niya.

"Hoy, may jowa na yan. Manahimik ka. Tara na bakla." sabi naman ni George.

"I'm sorry." I said. I can't.

I want to help him but it's too dangerous. Paniguradong magagalit din si Travis at hindi papayag 'yun.

Nag-pahila lang ako kay George palabas.

Nagulat ako kasi pag-labas namin nasa may pinto si Travis. Nakasandal siya sa may pader. He's wearing his uniform.

Nanlaki 'yung mata ko at siya naman nakakunot noo niya. May hawak pa siyang bouquet ng roses.

Narinig niya ba 'yung usapan namin? Oshet. Help me, Lord.

Tinignan ko si George at sinenyasan ko siya na tulungan ako.

"Una na ko, sis." sabi niya bigla tapos nag-tatatakbo siya. Tapos lumabas naman si Faustino sa pinto, lalaki na ulit siya.

Sinundan siya ng tingin ni Travis. Nakakunot pa din noo niya.

"Sino 'yon?" tanong niya.

Sino siya? Sino nga ba siya? Ang pangit naman kung sasabihin ko kung sino siya at anong reason bat niya kami dinala dito. Wala naman akong karapatang ibulgar na bakla siya lalo na't ayaw niya pang mag-out.

"Friend ni George."  pag-sisinungaling ko. Shet. Sorry, love.

Tinignan niya kung nasaan si Faustino and he said, "Really?"

"Huh?" kunwari ko siyang hindi narinig. Shuta nagiguilty na ko.

"H'wag na tayong pumasok." Bigla niyang sabi tapos humarap siya sakin with a smile on his face. "Huh?" tanong ko ulit. Did I hear it right? Aabsent kami?

"I trust you." sabi niya tapos niyakap niya ako. "Happy Monthsary. I love you." he said tapos inabot niya sa 'kin 'yung flowers. "I love you too." Sagot ko. I caught him off-guard when I kissed him in his cheek.

"Tara na." I said cause I saw him blushing. Hinila ko siya tapos nung naka-recover na siya sa kiss ko, sinabayan niya na kong mag-lakad and then he put his arms around my shoulder.

"Oy sana all naman, Travis." sabi nung mga kaklase niya na nakasalubong namin palabas ng campus. Kasama nila si Ben na kinawayan kami tapos nang-aasar pa. Simula nung naging kami ni Travis, madalang nalang niya akong kausapin.

"Saan mo itatakas 'yan pare?" tanong ni Ben kay Travis. "Secret pre. Bawal sa pangit." sagot naman niya. "Edi bawal kayo don?" biro niya pabalik.

"G@go!" Natatawang sagot ni Travis bago kami nag-paalam sa kanila.

Nung nakasakay na kami sa sasakya niya, may tinawagan siya at tinanong ko dumating na raw ba. Hindi ko nalang pinansin baka may surprise siya sa 'kin diba? Hehehe.

Habang nasa biyahe ay nakatulog ako, dala na rin siguro ng puyat.

Nagising nalang ako nung pinitik ako sa noo ni Travis. "Aray!" I said tapos hinimas himas ko 'yung part na pinitik niya.

Napatigil naman ako nung bigla niyang kiniss 'yung part na 'yon. Anubayan? Kung ganon naman pala, sige hit me more. Char.

"Sorry." sabi niya tapos nag-pout siya. Ang cuute. Pigilan niyo ko ikikiss ko 'to.

"We're here." Pagkasabi niya non ay tumingin ako sa labas at sa hinala ko ay nasa parking area kami ng isang condominium malapit sa school.

"Bakit tayo andito?" tanong ko habang inaalis ko 'yung seatbelt ko. "We'll celebrate our monthsary in my unit." He casually said. I immediately blush. We haven't been in a place na kami lang. How can he be so calm?

"Don't worry. Hindi pa kita kakainin." he said while laughing. "Hoy!" Pakipot ko. "Biro lang, love." Tumatawa pa din siya nung sinabi niya yon. Shet.

Nauna siyang bumaba tapos pinag-buksan niya ko ng pinto. Sumakay kami sa elevator para daw mabilis, dahil may ipapakita daw siya sa 'kin.

Nung nasa may tapat na kami ng pinto ng unit niya, sinadya niyang ipakita 'yung passcode ng pinto niya tapos humarap siya sakin. "Wait here. May aayusin lang ako." Sabi niya tapos pumasok na siya sa loob.

Dahil good girl ako ay, nag-stay lang ako sa labas.

After 10 minutes, nagulat ako nung biglang mag-vibrate 'yung cellphone ko. Tumatawag si Travis.

Huh? Bakit kaya? Parang ewan.

SHACKLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon