SHACKLED 19

338 18 2
                                    

Nagising akong mugto ang mata. I did cry while sleeping last night. May napanaginipan ako pero nakalimutan ko na kung ano.

Pero alam kong malungkot ako sa panaginip ko. Sobrang lungkot.

Nag-unat unat muna ako bago bumangon at ayusin ang hinigaan ko.

Pinuntahan ko si Paulito sa kwarto niya at mahimbing pa rin ang tulog niya.

Pag-baba ko ay nakita ko si Tita Dolor na nag-aayos ng mga bulalak sa vase na nakalagay sa may dinning area.

"Morning, tita." Bati ko. "Morning. Nag-luto na ako ng breakfast. Tulog pa ba si Paulito?" Tanong niya.

"Opo. Maaga pa naman, tita."
Nag-punta ako sa may lababo para mag-hilamos.

"Ikakasal na si Ben?" Biglang tanong ni tito. "Nakita ko 'yung invitation."

"Ahh. Opo. Grabe no? Parang kailan lang nakikikain pa siya dito." Sagot ko naman.

Natawa si tita. "Pupunta ka?" Tanong niya ulit.

Tumango ako at ngitian siya. Pagkatapos ay pinunasan ko ang mukha ko.
Nginitian niya ako pabalik at tumango-tango.

Tumayo na siya at dinampot 'yung mga sanga at tuyong bulaklak.

"Tita, kikitain ko po pala si George tapos kukunin ko si Wingoo. Pwede bang ikaw muna kay Paulito?" Paalam ko kay tita na nag-pupunas na ng kamay.

"Oo naman. Isasama ko nalang siya sa shop." Masayang sabi ni Tita. Mahilig kasi siya sa mga bata kaya tuwang-tuwa nung sinabing mag-sstay siya dito.

Nauna na akong mag-almusal dahil balak kong agahan puntahan 'yung sasakyan ko.

After ko kumain ay naligo na ko at nag-bihis.

Nag-suot ako ng asul na polo croptop at wide-led jeans. Sinuot ko rin 'yung itim kong converse na nabili ko last month. Actually, nabudol lang ako ni George, matchy matchy daw kami. Susuotin niya rin 'yung kaniya ngayon.

Naka-matchy rin kami ng damit, hindi lang croptop 'yung sakaniya. Napag-usapan na namin 'to kagabi actually.

Nag-lagay lang ako ng nude lipstick, powder at mascara para fresh.

"Tita! Alis na po ako." Sigaw ko dahil dumating na 'yung binook kong sasakyan papunta sa sasakyan ko.

Sobrang lapit lang ng talyer sa police station kaya sinadya kong agahan.

Maaga pa kaya walang traffic kaya nakarating kami agad.

Nagulat ako dahil nasa talyer din si Travis. Anong ginagawa niya dito?

Napatingin siya sa direksiyon ko tapos tinaasan ako ng kilay. Seriously? Inagahan ko nga para maiwasan ko siya. Joke time ba 'to?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Tinuro niya 'yung sasakyan niya na kasalukuyang kinakalikot nung mga mekaniko. "I'm a regular here." Mayabang niyang sagot.

Bakit kailangan ngayon pa siya mag-paayos ng sasakyan niya. Awit naman oh.

"I was about to leave." Sabi niya bigla. So, dapat pala medyo nag-palate ako? Hay kainis naman.

"So?" Tanong ko. "You owe me a ride." Sabi niya.

"What?!"
"Kahapon. Remember?" He said.

Oh, right. Pero hindi pa ako uuwi. Kikitain ko pa si George.

Kanina pa nga ako kinukulit ni accla. "May pupuntahan ako." I said. Tapos nilapitan ko 'yung kuya na pinag-iwanan ko kahapon kay Wingoo.

Nagawa naman nila at pwede ko na raw kunin kaya nag-pasalamat ako at nag-bayad.

"Saan  punta mo?" Tanong niya. "Secret." Sagot ko.

"Then just drop me there." He said. Hays ang kulit.

"Oo na. Kulit." I saw him smirked as if he succeed something.

Ako ang nag-drive tapos nasa passenger seat siya.

Sa paboritong café ni George kami mag-kikita at medyo malapit lang rin dito.

Habang nasa biyahe kami ay kanina pa patingin-tingin sa 'kin si Travis.

Sinindi ko 'yung radyo para ma-distract ako pero hindi talaga ako maka-focus.

"Ano ba?" Tanong ko. "What?" Inosente niyang sabi.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Tanon ko. "Wala." Sabi niya tapos pumikit siya.

After 15 minutes ay nakarating din kami. Nakita ko agad si George na paniguradong kanina pa naka-tayo sa harap ng café.

"Dito lang ako." Sabi ko kay Travis. "Kakain kayo dito?" Tanong niya. "Tatambay. Bakit?"

"Nothing. I'll go ahead then. Thanks for the ride. See you at the wedding." Nakangiti niyang sabi.

Hays. Kainis talaga.

Wala na akong nasabi dahil nauna na siyang bumaba. Kitang-kita ko naman ang gulat at di makapaniwalang reaksiyon ni George.

Bumaba na rin ako at pinanood na pumara ng taxi si Travis pagkatapos ay nilapitan ko so George.

"Bakit kasama mo 'yon?" Tanong niya habang papasok kami sa café. Dumiretso kami sa counter at um-order tapos nung nakuha na namin ay pumili kami ng pwesto.

"Eto kasi ..." Kinwento ko lahat ng nangyari kanina at kahapon. Tawa lang naman ambag niya habang nag-kukwento ako.

"Pupunta ka don sa kasal?" Tanong ni George. Tumango ako at sinabing kaya ako nakipag-kita ay para hingin ang opiniyon niya kung anong magandang outfit.

Nga pala, invited din si George sa kasal ni Ben kaya napag-disisyunan naming sabay na kaming pupunta sa beach resort kung saan gaganapin 'yung kasal.

We spent our time picking and buying dresses, accessories, swim suits, and make-ups.

Lunch na nung natapos kami at napag-disisyunan naming sa food court sa SM kami kakain.

Habang nag-lalakad ay natatawa ako dahil sa ganap namin. Dahil matchy matchy kami, konti nalang pag-kakamalan na kaming mag-jowa. Buti nalang makapal ang make-up ni accla.

"Anong say mo naman kay Travis?" Tanong ni George. Naka-order na kami at kasalukuyang kumakain.

"Gwapo." I honestly said. "Pero antipatiko." I added.

Natawa naman si George. "So inaamin mo na na gwapo siya? " Inirapan ko siya sabay tawa.

"May jowa na ba?" Malisyosong tanong ni George.

"Sabi niya wala." Sagot ko. "Tinanong mo?" Gulat na tanong niya. "Hindi no! Siya mismo nag-sabi."

Nag-kwentuhan at tawanan lang kami bago namin mapag-disisyonang umuwi.

Hinatid ko siya sa condo niya. Mag-iinuman pa sana kami kaso naalala ko, nasa bahay pala si Paulito. Dapat good ate ako. Char.

"Oh. Kitakits nalang next week accla. Bye! Labyu." Sabi ko bago umalis.

Medyo malayo-layo 'yung  condo ni George pero buti nalang hindi ma-traffic. Bumili rin ako ng pizza at doughnuts para may pasalubong ako sa kapatid ko.

Pag-uwi ko ay wala pang tao sa bahay. Nasa shop pa siguro sila. Sabi naman ni tita na maaga sila uuwi.

After ko i-tabi 'yung mga pinamili ko ay naligo ako ng katawan lang at nag-palit ng damit pambahay.

Matutulog muna ako.
Bigla namang umilaw 'yung cellphone ko at tinignan kung bakit.

Tss. A message from Travis.

---------
Fr: 👿
Nakauwi kana?
➥Bakit? Ano nanaman?
Wala. See you next week.
➥K.
---------

Haaaay. Iniisip ko palang na tatlong araw ko siyang makakasama sa iisang lugar kinikilabutan na ako.

I'll need patience. Kailangan kong mag-ipon ng pasensya para next week.

Good luck to me.

SHACKLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon