SHACKLED 2

2.1K 92 9
                                    

A/N: Hi Guys sorry natagalan sa pag-update si ate niyong girl. Buhay pa naman ako kahit papano. Please bear with me. I'll try updating atleast twice a week from now on. That's all. Enjoy reading. Love y'all. Stay at home and safe!

------------

Nakauwi din kami pag-katapos kausapin ni tita yung kakilala niya sa Police station. Sa pag-kakaalam ko nagkaron sila ng thingy nun e. HAHAHA. Nag-bayad din kami ng di naman kalaking fine at chaaaraaan nasa bahay na nga po kami.

Kakatapos ko lang maghilamos at nag-suot ako ng hot pink na hoodie at neon green na track pants dahil pakiramdam ko mapapagaan nun yung pakiramdam ko. Nag-lalagay ako ng facial mask ng kumatok si tita. May dala siyang isang maliit na bowl ng mani at naka maroon siyang nighties.

"Piwiiiiit!" pag-sipol ko kunwari sakaniya. Umikot naman siya at binitawan sa mini table ng kwarto ko ang hawak niya. Tumalikod siya sa akin. Inaabangan ko ang susunod niyang gagawin. Napahalakhak ako ng bigla siyang mag-wap dance sa harap ko.

Tumigil din siya at tumabi sa akin. "Tuwang tuwa? Happy pill moko?" sarkastikong sabi ni tita. "Tita alam mo 'wag mo nang uulitin yun." nagbibirong sabi ko sabay takip kunwari ng mata ko na parang nakakita ng naghahalikan sa T.V.

"Tita?" nag-aalangan akong tanungin siya pero sige. Alam kong curiosity kill the cat pero I'll just kill my curiosity instead. "Oh? Ano?" sabi ni tita habang sinisindi ang maliit na flat screen ko. Agad niyang pinlay ang paborito niyang movie, One more chance ang peborit ng tita ko. "Ex mo yung hepe sa Police station no?" pang-aasar ko sakaniya. Nagulat siya doon at inunahan ko na siyang mag-salita. "'H'wag mong sabihing hindi tita. HAHA nakita ko yun dun sa photo album ng mga exes mo." pang-huhuli ko sakaniya.

"Osige osige. Susmaryo kang bata ka. Naka-fling ko lang 'yon. Wala kaming label." umiirap pa siya habang sinasabi yan na parang may naaalala siyang pangyayari sa nakaraan niya. "Pero ghinost ako nampotek, ilang weeks lang nalaman ko jowa na yung anak ng teacher. Tignan mo kinarma, lumaki ang tiyan daig pa si humpty dumpty." dagdag niya na siyang nagpatawa sakin. Si tita kasi liberated kaya ganiyan siya. Parang mag-kaage lang kami. Sa sobrang lakas ng tawa ko nasapawan ko na yung volume ng T.V. namin.

"Tawa ka diyan, ikaw nga andun din ex mo. Ex talaga." sa sinabi ni tita ay napasamid ako at napahinto sa pag-tawa. Naaalala ko palang na ex ko siya nalulungkot at naiinis nako. Though aaminin ko ang gwapo niya padin pero haays. "Charot laaang! Wag damdamin baka bumalik ang feelings." pag-papakalma saakin ni tita. Kunwari ko nalang na di narinig yung sinabi niya at nag-focus nalang sa panonood.

"Tumawag pala ang mommy mo kanina." sabi ni tita na siyang bumasag sa katahimikan. "Po? Ansabi po?" masayang sabi ko sakaniya. "Iiwan daw muna niya si Paulito bukas dito for a week. May business trip daw sila ng papa mo." sabi ni tita habang kumakain ng mani. "Hindi ko naman papa yun e. Tsaka bakit satin pa nila iiwan?" medyo iritang sabi ko.

Ang tinutukoy ni tita na papa ko kuno ay ang asawa ni mama. Nung namatay si papa ilang buwan lang nagka-boyfriend agad siya. Iniwan niya ako kay tita at nagpakasal kay Uncle Ernesto ang katrabaho ng TOTOO kong papa. Hindi kasal sila mama at papa kaya madali lang para kay mama na mag-pakasal sa iba.

Si Paulito naman ang step brother ko. Hindi naman ako galit sakaniya pero hindi kami ganun ka-close. Dalawang beses ko palang nga na-meet yun e. 5 years old na siya at iiwan muna siya saamin so meaning to say, gagawin akong taga-bantay.

"Ano ka ba naman? Naka-leave ka naman ng 1 month diba?" mahinahong sabi ni tita. "Tsaka kapatid mo yun hija." dagdag niya pa. "Tita nag-leave po ako para mag unwind." ipinikit ko pa ang aking mata na parang nasa heaven habang sinasabi ko yun. "Naka-oo nako ano pa magagawa mo?" nang-aasar na sabi ni tita. "Para din makaclose mo na yung bata." nginitian ako ni tita kaya pumayag nako. "Sige po perooo tita wag mo na ulit sasabihin papa ko yun? ocakes?" sabi ko sakaniya.

Pag-kasabi ko nun ay nag-ring ang cellphone ni tita. Napapatingin pa siya sakin habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Kinabahan ako kaya nanood nalang ko ulit. Pagkababa ni tita ng tawag ay binatukan niya ako.

"Kailangan daw ng statement mo bukas sa police station." sabi ni tita habang pinapakita ang nessage ng hepe. Napatakit ako ng bibig ko at naghihisterikong sumigaw ng "Ooooh paking noooo!" Napakunot ang noo ni tita at sinabing "Oh? Anong problema mo?"

"Titaaaa andun siya. Di ba pwedeng call nalang magbigay ng statement?" kinakabahang sabi ko. "Akala ko ba naka-move on kana?" tanong ni tita. "Oo pero titaaaa. Huhuhu."

Biglang may nagtext sakin at ng binasa ko iyon:

Fr.:09xxxxxxxxx

See you tommorow. Make sure to tell us the truth unlike before.

-Albuena

-----
Halos malaglag ang mga eyeballs ko dahil literal na nanlaki ang mata ko pati butas ng ilong ko. Tinignan ako ni tita pero binalik din ang tingin sa T.V.
Apilyedo palang niya affected nako, at hindi dapat ganun. Kaya naman. NIREPLYAN KO. HUHU

To: 09xxxxxxxxx

Sige po chief.

--sent--

Nagulat ako ng makitang nakikibasa si tita sa text message. "Tita naman iiiiih." lumayo ako sakaniya at pinatay na ang T.V. "Tita labas na po. Matutulog nako." Pinagtutulakan ko siya pero di parin naaalis ang mpng asar niyang mga ngiti. "Shigi po chief." panggagaya saakin ni tita.

Isasara ko na sana ang pinto ng nag-salita si tita ng sobrang mapang-asar. "Kala mo others e. Kala mo walang past. Kala mo di nagjugju--" sinara ko na ang pinto bago ko pa marinig ang sasabihin ni tita.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at naipikit ko ang mata ko. Lahat, mula sa simula. Bumabalik at parang gusto akong igapos ng mga alaalang nagbigay ng saya at lungkot saakin.

SHACKLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon