“Hoy Aira kanina pa tumutunog alarm mo. Jusko nag-alarm ka pa kung di ka din magigising!”
Sigaw ni Tita Dolor na siyang nag-pabalikwas sakin.
Morning shift pala ako ngayon potspa.
Dali-dali akong bumaba to have a quick breakfast. “Tita ba’t di mo ko ginising agad? Alam mo namang mas effective ka kesa sa alarm clock.” Kunwaring naiiritang sabi ko sa tita ko.
“Hay nako Aira ‘wag mo akong artehan at ang aga-aga. Diba ang sabi ko sa’yo---“
“Imbes na mag call center, sa flowershop kana lang. Dati naman gustong-gusto mo dun kasi lagi tayong mag kasama.” I immediately stopped my aunt and instead I continued what she’s saying.
She’s my aunt/2nd mom. She’s the best aunt in the world. Since iwan ako nila mama I’ve been with her.
Sabi nga ng iba baka matulad ako sakaniya, matandang dalaga. I don’t mind it anyway. I sighed and looked at her kasi nag-pout na siya.
“Tita we’re always together. We’re inseparable kaya.” Naka ngiting sabi ko sakaniya.
“Yun na nga. At hoy! 4 years nalang mawawala kana sa kalendaryo. Wala ka bang balak mag-jowa bhie?”
Tignan mo ‘tong matandang 'to makapag-salita, siya nga nilampasan na yung kalendaryo’t lahat di na nagka-boylet.
“Ta alam mo, lovelife mo muna problemahin mo bago lovelife ko. Mag-eexpire na ovaries mo mamsh.”
Binatukan niya naman ako at agad niyang kinuha ang bag niyang nakalagay sa mini table kalapit ng sink kung saan kanina pa siya nag-huhugas ng kamay.
“Hoy babaita pupunta na akong shop madami akong nakabook na deliveries ngayon. I-lock mo yung pinto. Susmaryo at makakalimutin ka pa naman.” Paalala ni Tita sakin.
Pagka alis ni tita ay nag-ayos na ako at wala pang 20 minutes ay tinatahak ko na or should I say namin ng aking anak na si Wingoo ang ma-traffic na parte ng highway papuntang trabaho ko.
I'm wearing a maroon bomber jacket and a baby pink spaghetti strap dress ending jsut above my knees and paired it with black heels.
“Bebi Wingoo chill ka lang ah? H‘wag kang titirik malilate na si momme.” Wala sa sariling sabi ko sa sasakyan ko.
—
“Nako gurl ang aga mo para bukas ah.” Pabirong sabi ng katrabaho/kaibigan kong si George A.K.A. Georgia.I glanced at the wall clock near our cubicle. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang may 5 minutes pa bago malista as late.
Kabado ako ng mga bente mga dzai kasi paniguradong iaawas sa sahod ko yun.
I need money. Nahihiya na kasi ako kay tita. Kung siguro hindi umalis si mama baka natuloy internship ko.
“Punyemas kang bakla ka. San ka galing kagabi?” matinis na tanong ni Georgia kaya naagaw niya ang atensiyon ko at iba pa naming katrabaho.
“Hoy wag mo ‘kong itulad sa’yong makyondi ka. Nag-bayad ako ng loan.” Proud at may halong biro kong sabi sakaniya.
Classmate kami ni George since high school kaya yung closeness namin level 99999. Siya yung pangalawang taong alam kong di ako iiwan, as of now I guess.
Unlike me natapos niya yung course niya. Kaso hindi makapasa ng board ayaw na sumubok, kaya ang ending workmates na kami.
“Weh? Baka nginawaan mo nanaman si----“Agad siyang tumigil nang pamilugan ko siya ng mata.
“Pake ko dun? Pake ko kung na-promote pa siya? Pake ko ba kung sa may malapit na station siya na-assign?" Saglit akong nag-pause sa pag-sasalita.
"Pake ko ba kung may dine-date siyang anak ng Mayor? Shiyet babes I don’t give a damn.” Taas noo kong sabi sakaniya.
BINABASA MO ANG
SHACKLED
RomanceMaganda siya HAHAHA. Try reading it. If di mo bet mag-next story ka na muna. Ito'y kwento ng isang babaeng MINSAN tulog sa umaga gising sa gabi. Si Aira na ate girl natin ay isang nursing student turn to call center agent na maharot na pag-lalaruan...