SHACKLED 4

1.8K 64 3
                                    

---
'Wag kang maniwala d'yan,
Di ka niya mahal talaga.
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sakaniya.

Iiwan ka lang niyan, mag-ingat ka.
Dagdag ka lamang sa milyon milyong babae niyaaaaa. 🎶🎶

6:20 a.m. na at kasalukuyan akong nakasakay sa jeep papasok sa school.
Biglang tumigil ang jeep at sunod-sunod na nag-pasukan ang mga pasahero. Halos lahat at mga katulad kong estudyanteng papasok na sa school. May mga nakita rin akong ibang schoolmates ko.

Kulang nalang ng isa at sa tabi ko pa. Nasa bandang dulo kasi ako. May nagmamadaling kuya na pumasok sa jeep. Nasabit tuloy yung earphone ko sa bag niya. Napatingin ako and I was so stunned when I saw who's the guy. Actually hindi ko siya kilala, pero it seems like he's studying at my school base na rin sa logo ng uniform niya, criminology ata yung ganung uniform sa pagkakatanda ko.

Ang bango niya, he smells like a baby fresh from the bath.

"Akin ka nalang." I accidentally utter those words. I'm actually singing the music I was listening but it just slipped off my tongue. He smiled then said, "Excuse me miss?" Dun ako natauhan kaya sinuot ko ulit ang earphone ko at sumabay kunwari sa kanta kasabay ng pag-iwas ko ng tingin kay kuyang crim.

Akin ka nalang, akin ka nalang.
Iingatan ko ang puso mo.
Akin ka nalang, akin ka nalang.
Wala nang hihigit pa sa'yo. 🎶🎶

Naramdaman kong nakatitig siya kaya nag-tulog tulugan ako dahil malayo pa naman. Naaw-awkward'an ako sa tingin niya. Para akong malulusaw, there's even a hint of amusement in his shy smile. Na-conscious tuloy ako sa pag-mumukha ko. Di naman ako makadilat because I can still feel his stare. Diba it's bad to stare? Nahihiya naman ako sakaniya. Titigan ko din kaya siya?

Biglang pumreno ang jeep kaya napamulat ako. May bata kasing biglang tumawid sa daan. Sinigawan pa ng driver ang bata bago pinaandar ulit ang sasakyan. Tinignan ko si kuyang crim at hindi na siya nakatitig sakin, sayang naman char. He's now reading his notes.

Napaiwas ako ng tingin nang bigla nalang siyang tumingin sakin. Tapos sumigaw ng para. Pag tingin ko sa labas ay nasa tapat na pala kami ng school. Hinihintay kong bumaba siya pero parang ganun din siya sakin, kaya bumaba nalang ako.

Pag kababa ko sa jeep ay bumaba na din siya. Sinalubong siya ng mga kaibigan niyang crim din na parang kanina pa nag-hihintay. Tumingin siya ulit sakin ng makitang nakatingin ako sakanila, pero dahil sa hiya ay tumalikod na ako't nag-lakad papuntang classroom.
----
Iilang mga classmates ko palang ang nasa classroom nang dumating ako. Yung iba nag-babasa, yung iba naman ang aga-aga nagchichismisan. Pinanindigan talaga nila yung section namin na, BSN 3C Marites. Tinawag pako ng isa sa mga nagchichismisan, at dahil nacurious ako lumapit ako. Andami kasi nilang nag-kukumpulan e.

"Alam niyo ba? Yung muse ng BSN 3A Maria, nabuntis daw nung bagong prof." Naghihisterical pang kwento nang kaklase kong si Stacy na laging nangunguna sa chismis pero last sa ranking.

Nakikinig naman akong mabuti dahil kalaban namin ang section na 'yon sa lahat-lahat na ata, mapa speech choir, cheer dance, quiz bees.

Eh pano napaka competitive tapos pag natalo, sasabihin luto. Makiki-agree naman yung isa pang section, hay nako.

"Ang malala pa guys, si ate girl ayaw panindigan ni ser. Paano niya daw nasabi na sakaniya yon, e di daw siya sure kung siya lang ang kinakasama ni ate gurl."sa sinabing 'yun ni Stacy ay naawa ako kay Shanon, yung binabanggit nilang muse.

Bakit kaya may mga lalaking umuurong ang balls pag pananagutan at responsibilities na ang pinag-uusapan, pero pag nag-yayabang at lumalandi daig pa bola ng basketball.

Hay, buti nalang hindi namin teacher yung prof na yun.

Ayoko pa naman sa lahat yung bigla ka nalang iiwan sa ere whenever everything goes wrong. Yung iba isisisi pa kung bakit nangyari sakanila yon, when in fact both of them did it.

Hindi na natuloy ang pagkukwentuhan namin dahil sumigaw na ang isa kong classmate ng, "ANDYAN NA SI MA'AM, MAY DALANG GARAPON NG PASTILLAS!"

Nang bumukas ang pinto ay inakala naming si ma'am na 'yon, pero si George na humahangos lang pala.

Kasunod niya ay ang prof namin, at ang dami niyang dalang garapon.
Paniguradong nakipag-unahan si Georde kay prof makapasok para di masarhan ng pinto.

Naaalala ko pa non, ang aga pa as in 7:00 a.m. ang pasok namin pero 6:54 a.m. ay nasa room na siya. Andami naming hindi nakapasok dahil nilock niya talaga ang pinto.

Umupo na si George sa tabi ko at pawis na pawis pa. "Ang lagkit mo be, san ka galing?" sabi ko at inabot ang handkerchief ko sakaniya.

"Kinausap ako ng dean ng department natin, diba hindi ko inenrollan yung subject na P.E. kasi ayoko yung prof? Itetake ko daw yon. Hay hassle." sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

"Ayan, buti nalang lumipat na yon, kundi nakagraduate na kami ikaw nag-PP.E. padin" nang-aasar kong sabi.

Tumahimik na kami ng mag-simulang mag-discuss si ma'am.

Ilang ulit niya rin kaming inalok na bumili ng pastillas para daw may plus points sa next quiz, at dahil nga matindi ang pangangailangan namin ay halos maubos ang dala niya. Pag nagpaquiz pa naman yun palaging one hundred items.

Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na namalayan ang oras.

Last subject na for today at nag-eexplain nalang yung instructor about our expo which is next week. After non ay dinismiss niya din kami.

Kanina pa ay nakikita ko na sa exit door si Benedict.

Maliban kay George ay siya ang lagi kong kasama. Since high school kasama na namin siya kahit iba lagi ang section niya. Ngayon namang college ay iba ang course niya criminology siya, dahil yun daw ang gusto ng papa niya na ngayon ay isang General.

Nakaisip ako ng idea para asarin siya.

Dumaan ako sa entrance door at kunwari ay hindi ko siya nakita. Nakita ko ang pagkagulat niya, natatawa ako sa reaksyon niya kaya naisipan kong mas asarin pa siya.

Humarap ako sakaniya at naglakad papunta sa direksyon niya. Nakita kong ngumiti siya at kumaway pero hindi ko siya pinansin at pumasok ulit sa classroom. He's now wearing his adorable confuse face.

Natawa ako sa reaksyon niya kaya lumapit nako. "Anong trip mo?" sabi niya sabay pitik sa noo ko.

Pagkapitik niya ay bigla kong naalala si George, nasan nanaman nagsususuot yun?

Habang nililibot ko ang paningin ko ay dumapo ang paningin ko sa lalaking kasama ni Ben. "It's you!" Sabay naming sabi habang nakaturo sa isa't isa.

Tinignan naman kami ni Ben then he asked if we know each other. "Sa jeep." sabay ulit naming sabi. "Kaninang umaga." natawa kami ng sabay nanaman kami. "Money for us." Sabay ulit naming sabi kaya natawa nanaman kami.

"Huy ano yan? Ka-O.P. ah." Sabi naman ni Ben pero natawa din siya. "Ahh Aira si Travis Albuena nga pala blockmate ko. Travis si Aira, kaibigan ko." Pagpapakilala samin ni Ben kaya nag shake hands kami.

"Hello Aira." "Hello Travis." we said in unison. Travis pala ha. I smiled then he smiled back.

SHACKLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon