"Okay lang ba kung medyo gagabihin tayo?" tanong niya nung nakaalis na kami sa cafe.
"Okay lang naman. Nag-paalam din naman ako kay tita," sabi ko. Pero gaano ba kagabi? May curfew kasi ako. Char.
"Don't worry. Hindi naman tayo aabutin ng madaling araw, 6:00 p.m. kasi mag-sisimula 'yung film showing, " sabi niya.
"Okay lang. Wala din naman akong kasama sa bahay," sabi ko nalang.
"Do you mind if we'll stop in a super market?" bigla niya namang tanong.
"Bakit? May bibilhin kaba? " tanong ko dahil ang random.
"Let's buy foods for later. Snacks o gusto mo ba mag-dinner?" tanong niya.
"Keri lang naman if snacks nalang. Busog pa din ako e," sabi ko naman.
Bigla naman ay naipit kami sa traffic. Do'n ko lang napansin na medyo matagal din kaming nag-stay sa cafe.
4:30 p.m. na kaya siguro traffic.
Bigla naman ay napansin kong nakatitig sa 'kin si Travis.
Na-conscious ako kaya tinanong ko siya kung may something ba sa mukha ko.
"Wala," he said with a subtle laugh. "I was just trying to familiarize your face," he said.
"Huh? Bakit naman? Don't tell me, crush mo 'ko no? " I said as a joke dahil kinakabahan ako.
'Yung titig niya hindi pang manyak, sis. 'Yung titig niya parang ang gentle. It's like he's looking at something unfamiliar but precious.
There's a glimpse of confusion and amusement in his eyes.
"Paano mo nalaman?" nasamid ako sa sinabi niya kaya inabutan niya ko ng tumbler galing sa back seat niya.
Now he's laughing. Hindi 'yung nakaka-offend na tawa, parang ewan ang gwapo din ng tawa niya.
"You know why I'm staring? It's just because I'm jealous of people who get to see you everyday," he said. And as if it's a cue, lumuwag na ang trapiko kaya nag-start na siya mag-maneho ulit.
Lumuwag 'yung traffic pero 'yung dibdib ko sumikip. Nag-jujumping jacks na ata puso ko sa kilig.
I faked a laugh, dahil baka nag-jojoke lang siya. Ano bang malay ko if ganito siya sa iba, diba?
"Uyy, alam mo tigilan mo 'yang kakaganiyan mo," sabi ko.
"Why corny ba?" he said. Hindi corny, siguro kung iba mag-sasabi corny pero kapag siya hindi naman.
"Hindi, baka ma-inlove na ko sa'yo niyan," I said I don't know but I found my self pouting. Gusto kong suntukin sarili ko. Pa-etuc amp.
He stiffled a laugh and said, "Don't be cute. Bahala ka mas magiging crush kita."
Kaloka. Gusto kong kiligin ng malala. Para akong nasa palabas. Nananaginip ata ako.
"Pinag-titripan niyo ba 'ko nila George?" tanong ko dahil nag-dududa ako.
"No, he has nothing to do with this," he said and now he's smiling.
Normal ba na, habang patagal ng patagal, pagwapo rin ng pagwapo?
"Sus, don't tell me si Ben ang ka-sabwat mo?" I said.
"Lalong hindi," he said with a small smile.
Banatan ko rin ata 'to eh. Hindi naman pwedeng ako lang kinikilig dito.
"Okay. Yan pala gusto mo ah?" I said.
After a while, we arrived in the supermarket.
Humahanap ako ng timing para banatan siya. Pero kanina pako hindi makaisip ng banat.
BINABASA MO ANG
SHACKLED
RomanceMaganda siya HAHAHA. Try reading it. If di mo bet mag-next story ka na muna. Ito'y kwento ng isang babaeng MINSAN tulog sa umaga gising sa gabi. Si Aira na ate girl natin ay isang nursing student turn to call center agent na maharot na pag-lalaruan...