10:30 na at aalis ako. Inutusan ako ni tita na sunduin si Paulito kaya naman eto ako ngayon on the way sa bahay ng mama ko. "Wingoo sa tingin mo makakasundo ko yung batang 'yun?" pag-tatanong ko sa kotse ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga bata. Trauma? HAHAHA hay ewan.
Wala pang 30 minutes ay nakarating nako sa subdivision na tinitirhan nila. Habang papalapit ako sa bahay nila bigla akong inaatake ng anxiety ko. Parang gusto ko nang umuwi at suwayin si tita pero ayokong ma-disappoint siya.
After a couple of seconds debating if tutuloy bako o hindi, I found myself standing at their front gate. I'm a bit hesitant if I'll click the doorbell or should I just shout that I'm here. Bago ko mapagdisisyonang mag-doorbell ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a tattered pants and an oversized mustard shirt and paired it with a white sneakers.
Pagkadoorbell ako ay nagmamadalung binuksan ni mama ang gate na parang miss na miss ako. Nagulat nalang ako ng niyakap niya ko. Kung siguro wala kami sa ganitong sitwasyon ay matutuwa ako pero alam kong ganito siya kasi may pabor siyang hihingiin.
"Ang tagal mong hindi dumalaw anak." nakangiting sabi ni mama. Sandali ko siyang pinag-masdan at napansi kong tumatanda na si mama. Mas matanda si tita kay mama pero sa edad na 40 ni mama ay di ko maipag-kakailang may asim pa siya. "Busy po ako sa trabaho." pagkasabi ko nun ay lumabas na si Paul (Paulito) at may dala siyang malaking backpack.
Parang nawala yung inis ko nung makita ko siya. Nahihiya siyang nag-tago sa likod ni mama. Mag-kamukhang mag-kamukha talaga kami. Mas matangos nga lang ang ilong niya't hidni kasing putla ko. Humarap si mama kay Paul at pinantayang ang tangkad nito.
"Paul mag-pakabait ka ha? You're a good boy naman diba?" tanong ni mama at tumango naman si Paul at nahihiyang lumapit sa akin. "Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo Aira." sinserong sabi ni mama. Napapaisip tuloy ako kung ganiyan din siya ka sincere nung iniwan niya ako kay tita. "Opo. mag-iingat po kayo mama." pinipilit kong wag umiyak kaya humarap na ako kay Paulito at kinuha ang mabigat at malaki niyang backpack. "Let's go?" sabi ko sabay abot ng kamay ko sakaniya. Nahihiya man ay inabot niya ang kamay ko. "Tara na po ate." nakangiti niyang sambit at parang excited na sumama sakin. Ewan pero ang sarap pakinggan nung tinawag niya akong ate.
Sa kotse ay tahimik lang siyang nakaupo at paminsan minsan ay sinusulyapan ako. Tinignan ko siya at nahuli kong nakatingin siya sakin. Napangiti pa ako ng mag-iwas siya ng tingin. Nakasuot siya ng jumper shorts, pulang polo shirt at pula ring rubber shoes.
"Are you hungry?" tanong ko sakaniya. "No po." nahihiyang tugon niya pero tumigil pa din ako sa isang 7/11. In-unbuckle ko ang seatbelt niya at sinabing bibili kami ng foods dahil gutom ako which is totoo naman.
Binilhan ko siya ng malaking Chuckie. Ayaw niya daw ng iba kaya yun lang ang binili niya. Ako naman ay kumuha ng siopao at malaking delight. Pagkalabas namin sa convenient store ay nag-ring ang cellphone ko. Nag-assume pa akong si chief Albuena yun pero nang mabasa ko ang caller I.D. ay nakahinga ako ng malalim.
[Hoy babaita ka. May balak ka pa bang magpakita sa station?] tanong saakin ni tita. "11:00 pa naman yun tita." pagkasabi ko nun ay napatingin ako sa orasan ko at nakitang 10:50 na. May sinasabi pa si tita pero binaba ko na ang tawag at nagmamadaling nagpunta sa kotse ko. Dun ko lang naalalang naiwan ko si Paulito kaya bumaba ako ulit. Marahan ko siyang hinila at pinasakay sa kotse. Nagtataka naman siya sa pag-mamadali ko pero hindi na siya nagtanong pa.
"Teka. Ba't bako natataranta? E ano kung late ako?" mahinang tanong ko sa sarili ko. "Ate slow down po." paalala ng kapatid ko habang umiinom siya ng inumin niya. Binagalan ko na ang pagpapatakbo sa kotse ko. "Late naman na ako, ba't pako magmamadali?" pag-papakalma ko sa sarili ko pero aminin ko man o hindi kinakabahan talaga ako.
——
11:20 na nang makarating kami sa police station. Sinama ko na si Paulito dahil mas malilate ako kung iuuwi ko pa siya sa bahay namin ni tita.
Pagkapasok namin sa Station ay sinabihan akong pumasok sa office malapit sa c.r. Halata naman kung kanino yun. Di mabubuhay ng di nagC-C.R. yun oras oras. Ayaw magpaiwan ni Paulito kaya sinama ko na siya. "Ma'am hindi po pwedeng may kasama." pag-babawal nung singkit na pulis. Binasa ko ang nameplate niya at nakalagay dun ay HERMOSA. "Mr. Hermosa gusto mo bang mag-wala siya dito? Iyakin pa nman 'to." pag-babanta ko sakaniya. Nakuha naman ni Paulito ang sinabi ko kaya umarte siyang umiiyak. As in umiyak siya mga sis. Alam niyo yung batang inuubo-ubo pa pag-umiiyak ganun. "Oo na. Sige isama mo na. Jusmi." pumayag siya kaya nagmamadali kaming pumasok sa office.
Hindi nako nag-knock at pumasok nalang agad.
"Ms. Rosete, nawala na ata manners mo. Tsaka ano ba naman yan, you haven't change at all. 11:30 na oh." iritadong sabi niya. "Sorry Travis, I mean Mr. Albuena. May inasikaso kasi ako." kabadong sagot ko. May point naman siya dapat kumatok muna ako. Napatingin si Travis kay Paul at napangisi. "No doubt." sarkastikong sabi niya. Hindi ko yun pinansin. Umupo kami sa upuan sa harap ng desk niya.
"Just a few factual statements are enough. My time is precious." sabi jiya ng hindi tumitingin sakin. "Sinama akong mag-club ng kaibigan ko. Pag katapos--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumabat siya. "Kaibigan lang sure ka?" sarkastiko niyang sabi. Hinyaan ko na yun at tinuloy ang sasabihin ko. "Nag-C.R. lang ako tapos pag-kalabas ko--" "C.R. lang ba talaga ang ginawa mo dun?" sa sinabi niyang yun ay nag-pintig ang tenga ko.
"Sumusobra kana ah! Kanina kapa Travis!" galit kong sabi. Inismiran niya lang ako. "Nasa club ka ganun ang suot mo what do you think people will say?" sarkastikong sagot niya. "Remeber? Before. We. In the comfort room? Ano bang malay kong ganun din sa iba?" Pagkasabi niya non ay nasampal ko siya.
"Ikaw din you haven't change." naiiyak kong sabi sakaniya. Hinawakan ako sa kamay ni Paulito. Nagtataka kung anong nangyayari. Pinat ko ang ulo niya. Hinila ako ni Paul at binulungan. "Ate? Do you know him?" mahinang tanong niya. Nakatitig ako sa mata ni Travis nang banggitin ko ang mga salitang, "Of course yes. I used to know him."
BINABASA MO ANG
SHACKLED
RomanceMaganda siya HAHAHA. Try reading it. If di mo bet mag-next story ka na muna. Ito'y kwento ng isang babaeng MINSAN tulog sa umaga gising sa gabi. Si Aira na ate girl natin ay isang nursing student turn to call center agent na maharot na pag-lalaruan...