(4) BAYAN NANG MGA ULOL

50 6 0
                                    

                                         Sumisilip na ang haring araw mula sa kagiliran,  panatag ang dagat sa dalampasigan, Tahimik sa buong kapaligiran. Walang bakas nang nilalang sa kalsada o kahit saang lugar nang kabayanan.  Subalit sa pusod ng bayan,  may mga bagong mga labi sa gitna ng kalsada, mga pira-piraso ng katawan na nakakalat kung saan-saan. Napalitan ng kulay pula ang mga berdeng halaman.  Mga karagdagang bangkay  na hindi sanhi ng trahedya o delubyo, kundi ng pag-aasal halimaw ng tao, ang bayang ito ay pinaghaharian na ng mga taong ulol. 

 "Tahimik sa labas, wala na kong makita ni isa sa kanila, Baka lumayo na sila, baka sa ibang lugar na sila naghahanap ng makakain?" obserbasyon ni Jasper habang nsumisip sa pagitan ng kurtinang itinakip nila sa salamin na pinto.   
"Bakit hindi ka lumabas para malaman natin kung talagang wala na sila?" pagbbiro na sagot ni Martha.   
 "Ang pag-asa natin ay kung may dumating na tulong. " wika ni Jaycee.
"Tulong? Baka bago pa makababa nang bangka ang mga yun, sinalubong na sila ng mga halimaw o zombie,,, kung ano man sila. "  sagot ni Jason. 

 Nakasalampak sa sahig ang mga magkakaibigan  at pinga-uusapan ang kalutasan sa kanilang sitwasyon. 

 "Dapat makaisip tayo ng paraan makapunta nang tabing-dagat, makasakay sa mga latsa at makaalis dito. O di kaya maka akyat nang bundok, tahakin ang landas papunta sa kabilang dulo nang bundok at doon maghanap ng paraan makatawid nang dagat."  paliwang ni Teejay.

 "That's a good plan, but how can we do it?" tanong ni Jason. 
         
 Nagtinginan lamang ang makakaibigan, naghihintay ng magbibigay nang solusyon sa tanong ni Jason.


              Hindi kalayuan sa bayan, sa may tulay,  tawiran sa ibabaw nang isang sapa.  Makikita ang grupo nina Mitch na naglalakad papunta sa bayan.  Sa kagitnaan nang tulay, makikita si Romeo habang may bitbit na armas, nakasakay ito sa likuran ng isang lalaki habang inaalalayan siya ng isa pa n'yang tauhan sa tabi nito. Nakasunod sa kanila sina Jazel at si Nadya na nakaalalay sa batang lalaki. Si MIsha at Mitch ang panghuli sa kanilang bilang.  Upang may nakabantay kung may panganib sa kanilang likuran.  Sa kanilang paglalakad, nakikita ni Misha na pasulyap-sulyap si Mitch sa kanya. Dama ang hindi pagiging komportable sa isa't-isa. 

 "You want some water?" pag-aalok ni Misha sa dalaga, upang mabasag ang katahimikan sa kanilang dalawa, Umiling laman si Mitch sa kanya. 
"If you won't mnd me asking, are you still studying?" tanong ni Misha sa dalaga.  
"Pag-aaral? Sa kumukulong tiyan, walang silbi ang pag-aral.  Mas iniintindi namin kung saan kukuha ng makakain sa araw-araw kesa bigyang pansin ang mag-aral." sagot ni Mitch. 
Saglit na tumahimik si Misha. 
"But did you not ever wonder, what big possibilities you and your brother can achieve if you finish studying?" muling tanong ni Misha.
"Sa itsura mong yan, sa tingin ko hindi mo pa nararanasan ang kumalam ang sikmura mo, ang may mamatay sa gutom sa paligid mo. O may magpatayan dahil lamang sa kakamput na butil nang bigas. Kaya malabo mo akong maiintindihan"  sagot ni Mitch.   
"All I'm sayin', whatever you and your brother is fighting for. You'll have a better chances in life if  you have a degree." muling paliwanag ni Misha.
"Sa tingin mo hindi mahalaga sa akin ang mag-aral? Sa tingin mo hindi ko pinangarap makatapos? Hindi mo ko maiintindihan kung hindi ka namumuhay ng katulad ng buhay ko!" galit na reaksyon ni Mitch.  So please, tumahimik ka na lang, pwede?!"
"Sorry..."  napayuko na lamang si Misha habang patuloy nanaglalakad. Kapansin-pansin na binilisan ni Mitch ang paglalalakd upang makalayo sa kausap.

 "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Nadya sa kasamang batang lalaki.   "Nagugutom na po." sago naman nito.
 "Huwag kang mag-alala, sigurado akong may pagkain sa Klinika.  Ano palang pangalan mo?" patuloy na kinakausap nang dalaga para hindi gaanong maramdaman nito ang gutom.    "William po,  pero Liam ang tawag sakin ni Mama at Papa.  Kailan ko po kaya makikita sina Mama?" tanong ng bata.    
"Don't worry, pagkahatid natin kay Romeo sa Clinic,  dadalhin ka na nina Mitch sa Parents mo. Maya-maya lang makikita mo na sila." paliwanag ni Nadya. 
" Ate,  nakuha na po ba nila yung ransom?" tanong ni Liam.
" Ha?  Hindi, hindi sila ang mga bad guys. Sila nga ang nagligtas sayo sa mga bad guys di ba?" sa pagsagot na iyun ni Nadya, tumahimik lamang si Liam.
"Bilisan naman sana nitong nasa harap natin, wiwing-wiwi na ko. "  bulong ni Jazel kay Nadya.  "Ako nga, ebs na ebs na kagabi pa. pinipigilan ko lang. " pagbabahagi ni Nadya.
 "Ikaw pala nagpapasabog kagabi. ilang araw mo bang inimpok yan? Akala ko pa naman, yang bata. " reaksyon ni Jazel na may pagtatakip nang isang daliri sa kanyang ilong. 
"Ikaw na ang masiraan nang banyo dahil sa lindol. At hindi ako sanay mag poopoo sa damuhan.  Maselan ang pwet ko." paliwanag ni Nadya.   

Napahagikgik si Jazel sa narinig.  Naibaba n'ya ang mga gamit na dala at napatigil dahil sa pilit na pagpigil sa pagtawa, Kahit si Nadya ay nahawa na rin sa paghagikgik nang kaibigan.

"Anong tinitigil n'yo dyan?! Ang bagal n'yo na ngang maglakad tumigil pa kayo. Bilisan nyo na, malapit na tayo.  Napalingon sila kay Romeo sa pagsigaw nito. Kitang-kita na hirap na hirap na ang lalaking sinasakyan nya. 
"Kami pa talaga ang mabagal ha, ututan kita dyan eh."  bulong ni Nadya kay Jazel. Muling nagtawanan ang dalawa.

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon