(13) ANG HULING YUGTO

22 6 0
                                    

          Gising na ang diwa ni Nadya subalit takot itong ibukas ang kanyang mga mata.  Nangangamba sa anumang nilalang na nauulol ang bumungad sa kanya.  Pinakikiramdaman niya ang paligid sa pamamagitan ng pakikinig.  Nadidinig niya ang alon nang dagat. nadadama n'ya sa kanyang balat ang init ng sikat nang araw.  Subalit liban sa mga ito, may iba siyang naririnig na wala dati.  Nakaririnig siya ng tunog ng motor nang bangka at mga taong nag-uusap.   Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata.  Nasilaw siya sa sinag nang araw kaya ipinaling nito ang ulo sa kanan,  tumambad sa kanya ang ulo ng pating. Bigla siyang napaupo at nagsisigaw. 

"Miss, kumalma ka, Ligtas ka na,"  isang lalaki ang lumapit kay Nadya.

Hinawakan nito ang kanyang mga braso at payapa siyang kinakausap.  Dito na luminaw ang paningin ni Nadya, nakasakay siya sa isang malaking bangka.  At ang nakita niyang pating ay patay na.  

"Nakita namin kayo na  palutang-lutang  sa gitna nang dagat na walang malay.  Kaya nagkusa na kami na iligtas kayo at isama na dito sa pantalan. Heto na nga at dadaong na tayo."  paliwanag nang lalaki.

"Si liam?! Yung kasama kung bata, asaan siya?!"  tanong ni Nadya.  

"Ayun sa unahan nang bangka. "  sagot nang lalaki. 

 Sa pagturo nito sa bata s'ya namang pagtakbo nito kay Nadya at masaya siyang niyakap nito.  Napaluha si Nadya,  talos niyang malayo na sila sa panganib. Mga ordinaryong tao na ang mga kasama n'ya.  Walang sino mang nauulol.

"Ano bang nangyari sa inyo?  Saan kayo nangaling? "  tanong nang lalaki kay Nadya.

 Subalit hindi na muling nagsalita ang dalaga habang yakap-yakap ang bata.  May tumawag sa lalaking kumakausap kina Nadya.   

"Sige, dito muna kayo.  Mamaya sasamahan ko kayo sa bayan para maghanap tayo nang taong maaaring tumulong sa inyo."    pagpapaalam nang lalaki. 

Tumango lamang si Nadya sa kanya.   Sinundan niya ng tingin ang lalaki habang papalayo ito sa kanila.  Nakita nitong may binuhat na banyera na puno ng mga isda.  Napansin ni Nadya ang klase ng isdang mga nasa banyera sa bangka,   mapupula rin ang mga mata nito.  Napatayo si Nadya at sinundan niya ang lalaking may buhat nang banyera.  Sa kanyang likuran, sinusundan siya ni Liam.  Sa pag-alis nila nang bangka,  patuloy niyang sinusundan ang lalaki  at sa kanyang paglalakad, paunti-unti n'ya ring napapansin na maraming mga banyera na may lamang mga isda na halintulad sa mga isdang patay na lumulutang sa pinagmulan nilang isla   Bumungad sa kanya ang malaking palengke kung saan dito binabagsak ng mga mangingisda ang kanilang mga huli.   Sa pagligid ng mga mata ni Nadya, kahit saang sulok nang palengke, nakikita niya ang isdang kanyang nakikilala na  tinitinda at nabibili.  Nakita niya rin ang malalaking truck na may dalang mga banyerang isda na paluwas ng Maynila.  Sa gitna nang palengke,  muli n'yang niyakap si Liam, talos niyang hindi pa natatapos ang lagim na kanilang tinatakasan, bagkus,  papasok pa lamang sila sa nagsisimulang mas malawak na landas ng kasamaan...ang paghahari ng mga ulol sa buong kalupaan. 



                                                                                    WAKAS.


RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon