(5) MGA PANGIL AT KUKO NG SALOT

23 5 0
                                    

            Malakas na hinahampas nina Nadya ang pinto nang Simbahan.  Hindi nila mabuksan ito dahil sa pagkakandado mula sa loob.   Nagsisigaw ang dalawa, nakikiusap  na may magbukas nang pinto.  Lumingon si Misha sa kanyang likuran,  Nakita n'yang papalapit na ang mga taong ulol.  kahit pinagbabaril ni Mitch ang mga ito, iilan lang dito ang napapabagsak niya.  
                       
"C'mon! Someone please open the door! Let us in!"  paghingi ng saklolo ni Misha.
 "Father Arlando, Saklolo!!!' sigaw ni Nadya.
 "Tao po! Tao po! Tao po!"  Patuloy ang pag-iyak ni Liam. 
 " Bilisan nyo! Malapit na sila!!!" Sigaw ni Mitch habang paatras siya ng paatras at napasandal na mismo sa may pinto.    Napasandal na silang lahat sa pinto. Nakaharap na sila sa paparating na mababangis na taong ulol! 

"Oh God, help us!"  pabulong na nasabi ni Misha sa nakikita niyang papalapit na panganib.    Napapikit na lamang sila  sa napipinto nilang katapusan. Subalit biglang napatigil ang mga taong ulol.  May nagpatunog nang kampana sa Simbahan . Nakita ni Nadya ang pagkatuliro ng mga ulol na takip-takip ang kanilang tainga.  Bigla silang natumba papasok sa loob nang simbahan ng may nagbukas ng mga pinto. Kaagad naman sinara ito ng mga tao sa loob. Ilang pamilya rin ang dito nagtungo ng nagsimula ang kaguluhan.  Bakas sa mga mukha nito ang takot.  Ilan sa kanila ay walang humpay sa pagdarasal.  Lumapit ang Pari kay Nadya at inalalayan s'yang makatayo mula sa pagkabagsak nito sa sahig. 
                     
"Wala na kayong dapat ipag-alala, naririto na kayo sa bahay ng Diyos, Ligtas na kayo."  pahayag ni Father Arlando. 
"Father, secured po ba ang Simbahang ito?" tanong ni Mitch.
 "Ang bawat lagusan dito ay tinitiyak ko sayong nakakandado at hindi nila kakayaning buksan.   Halina kayo't magpahinga,  may kaunti kaming pagkain na maari nating pagsaluhan." sagot ng Pari. 

Sa pagsunod nila Nadya kay  Father Arlando, napansin niyang nakatindig lamang si Misha sa kanyang kinatatayuan.  Pinasunod niya si Liam sa Pari, saka nilapitan niya ang dalaga. 
                   
"Misha, ligtas na tayo rito. You don't need to worry."  pagpapakalma ni Nadya sa dalaga. 

Biglang napahagulgol  si Misha,  ngayon lamang siya dinatnan ng realisasyon ng nagaganap sa kanila. Nanlambot ang mga tuhod nito at napasalampak sa sahig. Napansin ni Nadya na nakatingin sa kanila ang mga tao kaya't tinabihan nito si Misha sa pagkakaupo sa sahig. 
                   
" Jazel s gone. I'm worried that all of my friends are dead too.  I'm worried that we can never leave this island....and I'm so worried about Teejay." Ito ang nasambit ni Misha habang naiyak.  
                   
"Misha, may awa ang Diyos. Huwag kang mawawalan nang pag-asa, makikita rin natin sila."  sagot ni Nadya. 

Napayakap si Misha sa kanya. Subalit kahit sya ay nanghihina na rin ang loob. Pagkatapos ng mga trahedyang dumating, heto naman ang sumunod,  Lahat ng kakilala niya sa isla ay wala na. At maaring sa katapusan ay maging isa sila sa biktima ng mga halimaw na nasa labas.  Pakiramdam niya ay pinarurusahan sila nang Diyos.  Kahit man lang maliit na senyales na pag-asa, wala siyang nakikita.  Dito na tumulo ang kanyang mga luha habang yakap-yakap si Misha.


          Maingat na tinatahak ni Teejay ang pabalik na landas patungo sa Klinika.  Umiiwas ito sa daraanan na talos niyang maaaring may taong ulol siyang makakasalubong.  Maya-maya siyang nagkukubli sa mga sirang bahay  upang makaiwas sa mga ito.  Ilang saglit  pa'y natatanaw  na niya ang Klinika. Patawid na sana siya nang kalsada ng di niya namalayan ang mga nakakalat na mga taong ulol sa kalsada. Kaagad siyang napabalik sa eskinitang pinanggalingan.  Tahimik itong mabilis na naghanap ng ibang madadaanan.  Pagkaliko niya sa isang kanto, tumambad sa kanya ang tatlong aso na kinakain ang isang bangkay. Hindi siya kaagad nakagalaw at huli na rin upang makatakas, dahil nakita na siya ng mga ito.  Talos ni Teejay na ang mga hayop na kaharap ay ulol na rin dahil sa pamumula ng mga mata nito, lagas na ang mga buhok at puno ng mga itim na ugat sa katawan. Wala rin tigil sa pagtulo nang laway nito. Nagsimulang umungol ang mga aso, nilabas ang mga madudugong pangil. Dahan-dahan na umatras si Teejay habang dahan-dahan din na hinahatak niya ang isang kutsilyo na nakasuksok sa kanyang sinturon.  Sadya namang dahan-dahan din siyang sinusundan ng mga asong ulol.  Itinutok nang binata ang kanyang kutsilyo at ang baling sibat sa mga ito. Naghihintay ng pagkakataon na bigla siyang lapain ng mga aso.   Sa kanyang pag-atras, may nadaanan siyang mga damit na nakasampay sa isang kawayan, kaagad niyang kinuha nag maong na pantalon at binalot sa kanang braso. Tiniyak niyang makapal ang pagkakabalot nito sa kanya. Sa kanyang  patuloy na pag-atras nabangga na siya sa malaking puno nang mangga, Dito na siya sinugod nang aso, dinamba siya nito na siya namang sinalag nang binata sa pamamagitan ng brasong nakabalot ng maong na pantalon.  Dasal ni Teejay ay huwag gaanong bumaon ang mga pangil nito.  Habang kagat-kagat ng isang aso ang kanyang braso,  inihagis niya ang asong ito sa puno ng mangga., saka niya sinasak ng tatlong beses sa katawan at ang panghuli ay sa ulo nito.  Kaagad na lumingon sa kanyang likuran si Teejay ng narinig niyang palapit na sa kanya ang dalawang aso.  Tumalon papalayo si Teejay para makaiwas sa mga ito.  Bigla siyang napadapa sa lupa ng naramdaman niyang may humahatak sa isa n'yang paa. Nakita niya ang isa sa aso na kagat-kagat ang sapatos niya.  Kaagad niyang tinadyakan ito at nagmadaling tumayo,  Kinuha nya ang malaking kawayan ng sampayan ng mga damit, sa paglapit ng mga aso, hinambalas niya ang mga ito.  Nilapitan kaagad ni Teejay ang isa sa mga aso at pinalo niya ng pinalo ang ulo nito ng kawayan hanggang sa madurog.  Bgla siyang dinamba ng natitirang aso,  umibabaw ang hayop ng bumagsak sila sa lupa. Kaagad niyang hinarang ang braso niyang balot ng maong na pantalon at  pinanghaharang sa bawat pagkagat nang aso.  Gamt ang isang kamay  hinugot niya ang natitirang patalim na nakaipit sa kanyang sinturon.  Tinadtad niya ng saksak ang tagiliran nang ulo  ng hayop, hindi nya tinigilan ito hangga't may buhay pa ang aso.  Sa pagdapa ng katawan ng aso sa ibabaw niya.  Kumalat ang dugo nito sa kanyang katawan. Kaagad n'yang inalis ang nakapatong na aso at tumayo ito.  Kaagad niyang hinubad ang damit na pang itaas. at kumuha sa mga nalalag na damit sa lupa.   Saglit siyang tumukod sa puno at inalis ang nakabalot na maong na pantalon sa kanyang braso.  Sinugurado niyang wala siyang natamong kagat mula sa mga ulol na aso. Saka ito nagsimulang humanap ng daan pabalik sa Klinika,  

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon