(11) ABOT-KAMAY NA KALIGTASAN

14 6 0
                                    


          Tahimik sa paligid, walang anomang imahen nang anumang nilalang ang makikita sa lugar.  Nananatiling tahimik ang grupo ni Jason,  nag-iingat na maaaring may mga ulol sa paligid.    Pagdating sa tabing-dagat, kaagad silang naghanap ng mga bagay na pwede nilang gamiting balsa.   Sa di kalayuan, natanaw ni Mitch ang tanim na kawayan na malapit  sa paanan nang bundok.  Itinuro niya ito kina Jason,  mabilis naman nilang pinuntahan ito at magkakatulong na binunot ito sa lupa.   Sa bawat  isang nabubunot nila,  dinadala nila ito sa tabing-dagat kung nasaan si Gener na gumagawa ng mga pangtali mula sa mga dahon ng puno nang niyog.   Wala silang anomang pamputol nang kawayan kaya't inilatag nila ito sa ayos nang isang balsa na may mga dahon at  maliliit na sanga.   Sa bawat pagbunot  nila ng kawayan,  nagkakandasugat ang mga kamay nila.  Hindi nila namamalayan na tumutulo na ito sa lupa.  

          Sa hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan,   sa may  baybayin.  May mga taong ulol na patuloy na naghahanap ng kanilang mabibiktima.  May kakaiba sa mga taong ulol na  ito.  Wala na rin silang  buhok sa katawan. Sa pagkakataong iyun,   maliban sa grupo nila Jason, wala ka nang matatagpuang  ordinaryong nilalang  sa isla.   Napatigil ang mga ulol sa pag-ihip ng hangin. Taglay nito ang pamilyar na amoy para sa mga ito.   Kaagad nilang  natanto kung saan nagmumula ang nakapapanabik na halimuyak na bitbit nang hangin.   Ang amoy ng sariwang dugo.    Mabilis na kumaripas ang mga ito papunta sa kinaroroonan nina Jason.   Isang nakikilalang mukha ang nangunguna sa pulutong ng  mga ulol na pasugod sa taong natitirang buhay sa isla.  Si Janius.

 "Pwede na ba yan?"  Tanong ni Martha  kina Gener at Jason na nagbubuo nang balsa. 
"Naku, pipitong piraso palang itong naitali natin sa isa't-isa.  baka dalawang tao lang ang kayang maisakay nito."   sagot ni Gener.
"Saka masyado pang manipis yan para matawag mong balsa.  Kailangan pa natin dagdagan."  paliwanag ni Gener.  
"C'mon girls,  they need more."  pag-aaya ni Misha na napatayo sa pagkasalampak sa buhanginan sa pagod.   

Sumunod naman  kaagad sina Nadya,  Martha at Mitch.

"Mas mabilis na matapos yan, mas bibilis din ang pag-alis natin dito."  kumento ni Martha. 

Sa narinig ni Misha kay Martha, napatingin ito kay Nadya at tinignan din siya nito.  Naalala niya ang desisyon nitong manatili sa isla.   Sa pagpapahiwatig ng tingin nito sa kanya, mukhang hindi pa nagbabago ang desisyon nito.  

"Ate Nadya,  sama  ako, tutulong na rin ako."  

Humabol si Liam  sa mga dalaga.  Nasagi nito si MItch ng papalapit kay Nadya. Nakita ni Mitch na mabilis umiwas si Liam sa kanya.  Talos niyang may takot pa rin sa kanya  ang bata.   Napatigil si Mitch ng nakitang hindi kumikilos si Misha at may tinitigan sa kanyang harapan.   Tinawag ni Martha  ang kaibigan subalit hindi ito sumagot.   Kapansin-pansin  kahit nakatalikod ito sa kanila,  ang pagtaas-baba ng mga balikat nito, tanda ng paghinga ng mabilis. Nilapitan nila  si Misha,  dito nila nakita ang dahilan kung bakit hindi gumagalaw ang dalaga.  May mga asong ulol sa gitna ng kanilang daraanan.   Walong aso na mga wala nang balahibo sa katawan,  dumurugo ang mga mapupulang mata,  Nababalot ang katawan  ng mga itim na ugat at walang tigil na naglalaway.   Isa sa kanila ay may sanga nang kahoy na nakasaksak sa lkatawan nito.  Nanlilisik ang mga mata  habang nakatitig  kina Misha. 

"Oh my God! Oh my God!  Anong gagawin natin?"  Nanginig ang buong katawan ni Martha sa takot."
"Do'nt move.... "  bulong ni Misha.
"I think we need to.... if we stay here,  para tayong buffet sa mga yan."   sagot ni Martha.  
"Dahan-dahan tayong umatras."  suwestyon ni Mitch.   

Ganun nga ang ginawa nila,  dahan-dahan yumapak  patalikod upang makalayo sa mga ulol na aso.   Subalit nagsimulang maglabas nang pangil ang mga aso.  At sa muli nilang pag-usad ng paatras,  nagsimula namang umungol ang mga ito.  Muli sa  isang yapak sa kanilang likuran, nagsimula ng sumugod ang mga aso.

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon