(3) PAGSIBOL NG LAGIM

40 5 0
                                    

                                   Sa kabilang dulo ng isla, sa may malagong bakawan. Matatagpuan ang mga malalaking bato na nasa gilid ng maliit na talon. Dito makikita ang liwanag nang apoy na nanggagaling sa pagitan nang mga malalaking bato, na animoy nagtatago sa kamunduhan. Pilit na binabawasan ng dalawang lalaki ang mga baga nito upang hindi ito lumaki.

"Bawasan n'yo pa, baka may makakita sa atin," pag-uutos ni Mitch. 

Napapakunot noo ang dalawang lalaki sa pag-utos sa kanila nang dalaga. Masyadong bata ito para utos-utusan sila ng ganun. Subalit kailangan nilang sumunod. Nababatang kapatid ito ng kanilang amo.   Sa gilid ng malaking bato, maaaninag ang isang batang lalaki, nasa walong taong gulang ito, nakasuot ng kanyang school uniform at madumi na ito sa putik at basang-basa pa. Tinititigan siya ni Jazel habang natutulog. Napansin niya na ang suot nitong uniporme ay galing sa isang kilalang Paaralan sa Maynila.  Hindi na lamang siya naimik dahil nangangamba  siya kung ano ang gawin sa kanya ng mga taong nagdala sa kanila rito ni Misha at Nadya.  Mas pinangangambahan niya ang gumalaw na hindi naaayon sa kagustuhan ng mga ito lalo't hindi nito binibitawan ang mga mahahabang armas na hawak.   Kahit ang nag-iisang babae sa kanila ay may bitbit na Ak-47 sa edad nito, liban pa sa mga baril na nakasukbit sa pantalon .  Hinala ni Jazel na hindi nalalayo ang edad nang babae sa kanila ni Misha. Pero mas kapansin-pansin sa kanya ang ganda  nito, may magandang hubog nang katawan at humahanga siya sa magandang kulot ng buhok nang dalaga.

"Jazel, kailangan namin ng tulong mo. pigilan mong gumalaw ang paa niya."  Tinawag ni Nadya si Jazel para lumapit sa kanila.  Dito nakita ni Jazel ang pinsala ng nakatusok na malaking kahoy sa binti ng pinuno ng grupo.  Tuwing nagagalaw ni Misha ang kahoy.  walang tigil sa pagwawala si Romeo habang nakahiga sa lupa. Hirap ang tatlong babae na pigilan siya. 
"You must not move, it can get worst if you do." paliwanag ni Misha.
"Putang-ina mo! Sobrang sakit Huwag mo kasing galawin!" Sigaw ni Romeo. 
"We need to take out this wood, so we can stop the bleeding, or else  you will loose alot of blood and die." muling paliwanag ng dalaga.  "
 "Kuya, pilitin mong 'wag gumalaw, tiisin mo na lang."  swestyon ng bunso niyang kapatid.  
 "Mitch? Tama ba? Mitch ang pangalan mo? Tulungan mo na rin kaming mapigilan siya."   Nahihirapan si Nadya sa pagpigil sa paggalaw ng binti ni Romeo. Patuloy itong nagpipiglas dahil sa sakit.  Sumenyas si Mitch sa dalawang lalaki para matulungan ang tatlong dalaga sa pag-asikaso sa kanyang kapatid.

 "Okay, here we go."  pagbibigay senyales ni Misha. Tinignan niya lahat ng nakapalibot kay Romeo at biglang hinatak ang kahoy sa hita nang Pinuno.
 "AAAAhhhhhhhhhhhhh!!!! sigaw ni Romeo.

              Isang oras ang lumipas, naisara na ni Misha ang malaking sugat ng kapatid ni Mitch. Nakaupo sa tabi ng kanyang kapatid ang dalaga, lumapit si Nadya sa kanya. 
"Hindi pa siya na aalis sa panganib. Panandalian na lunas lamang ang binigay namin sa kapatid mo. Kailangan natin siyang dalhin sa Clinic ng tuluyan syang mapagaling doon." pagpapaliwang ni Nadya.
"Hindi ba talaga marunong magtagalog yang kasama mo?  Nauubos na baong english ko sa baul, baka pagkinausap ako ulit n'yan duguin na ako."  Tinuro ni Mitch si Misha na naglilinis ng kanyang kamay sa may talon kasama si Jazel. habang bantay ng isa sa mga lalaki. 
 "Nakakaintindi ng tagalog si Misha, hirap lang siya magsalita nito. Halos mag-iisang taon pa lang kasi siya rito sa bansa natin." paliwanag ni Nadya. Umupo ito sa tabi ni Mitch at inayos ang pagkakalapat nang kumot ni Romeo. 
"Kailangan natin siyang dalhin sa Klinika sa baryo, nandoon ang mga kasama namin na tutulong sa'tin para sa kapatid mo. Kung inaalala mo naman kung may huhuli sa inyo pagdating natin dun, huwag kang mag-alala wala nang alagad ng batas sa baryo. Lahat ay nasawi ng tsunami." pagkukumbinsi muli ni Nadya. 
Napatingin ng masama si Mitch sa kanya.  "Bakit? sino ba kami sa inaakala mo? Hindi kami mga Rebelde o Bandido! Huwag mo kaming husgahan dahil lamang may dala kaming mga armas." mataray na sagot ng dalaga. 
Kinahiya ni Nadya ang nabanggit. "Pasensya ka na., wala naman akong ina-assume.  Ang akin lang ay ang mapabuti ang kapatid mo."

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon