(7) ANG HUWAD NA KATOTOHANAN

15 6 0
                                    


        Nagmamasid si Mitch sa paligid,  tinitiyak na walang anomang nilalang ang makakalapit sa kanila.  Namahinga sila sa pagitan ng dalawang puno nang mangga.  Ang batang si Liam ay himbing nakatulog sa pagkakasandal kay Misha na nakaupo sa tabi nang puno.  Nagulat ang lahat sa biglang may bumagsak na mga sanga sa lupa.  Si Nadya ay naghahanda na magsiga nang apoy. 
                     
"Tigilan mo yang ginagawa mo.  Gusto mo bang ipaalam kung nasaan tayo?" paalala ni Mitch kay Nadya.
"Masyado kasing madilim at malamok,  hindi nga tayo mamamatay sa mga taong ulol, sa denge naman."  paliwanang ni Nadya.
"Any sign of Teejay? I hope he's okay."  tanong ni Misha.
"Pinayagan mo kasing umalis eh,  nag wo-worry ka ngayon diyan!"   asar na sagot ni Mitch.   

Napatigil sila sa pag-uusap ng may narinig silang  mga kumakalukos sa halamanan.  Ginising ni Misha si Liam at tumayo,  itinago sa kanyang likuran ang bata sa paghahanda kung anomang panganib ang parating.  Itinutok ni Mitch ang baril kung saan nagmumula ang mga kaluskos.  Kinuha ni Nadya ang pinaka mahabang sanga sa nakapulutong na mga kahoy na kanyang inipon at inabot kay Misha upang my hawakan itong sandata.  Muli kumuha siya ng kahoy para naman sa kanya.  Natatakot man sila subalit handang lumaban. 
                         
" Sa oras na lumabas mula sa mga halaman ang mga ulol, Misha, itakas mo ang bata."  utos ni Mitch habang nakatitig kay Misha.  Tumango ang dalaga sa narinig.   
Maya-maya pa'y may mga imahen na lumabas sa dilim,  si Teejay kasama ang ama at ang mga kaibigan.   Kaagad na binitawan ni Misha ang hawak na sanga at mabilis na tumakbo  papunta sa katipan at niyakap ito.  Nang nakita n'ya si Martha,  umagos ang luha nito sa galak. Saka niya niyakap ang dalaga at ang ibang pang kaibigan.  Inilapit ni Teejay si Gener kay Misha.
                         
"Mish, pinakikilala ko sa iyo ang Tatay ko. "   tumayo sa likod ng kayang kasintahan si  Teejay upang makita ang reaksyon nang Ama kay Misha.
                         
"It's nice to meet you, po."  pagbati ng dalaga kay Gener.
"Sa wakas nagkita na tayo."   sagot ni Gener.

Mula sa kinatatayuan ni Mitch, nanlaki ang mga mata nito ng nakilala niya ang lalaking pinapakilala ni Teejay kay Misha.    Pinakilala rin ni Teejay ang iba pang kasama nang kasintahan.
                          
"Heto si Nadya, at yun naman si Mi...."    bago pa matapos magsalita si Teejay. kaagad na lumapit si Mitch kay Liam at tinutukan nang baril ang bata sa ulo.  
"Oh my God!  Mitch! What are you doing?!" gulat na tanong ni Misha. 
"Putang-ina mo! Sabi ko na, dito ka lang matatagpuan eh.  Pinahirapan mo pa kami!"  sambit ni Gener kay  Mitch.

Kitang-kita ng lahat ang  galit nang Matanda sa kapatid ni Romeo.
                         
"Huwag kang lalapit, Tanda!" pagbababala ni Mitch habang  dinidiin n'ya pa lalo ang pagkadikit ng baril nya sa ulo ng bata.
"Bakit? Magpapakatanga ka? Iyan ang dahilan kaya mo kami trinaydor! Gamahan kayong magkapatid!'  sigaw ni Gener.
" Anong bang nangyayari?" tanong si Jason.
"Basta traydor daw yung babae, akala ko nang hohostage lang."  sagot ni Jasper.
"Mitch, kalma lang tayo, kung anoman ang problema n'yo,  madadaan natin sa maayos na usapan yan." panghihimasok ni Teejay sa usapan.
"Walang maayos na usapan na mangyayari dito,  syempre kakampi ka kay tanda. Tatay mo yan eh" sagot ni Mitch.
"Ate Nadya,....tulungan mo ko." pagtawag ni Liam habang naiyak.
"Kami, Mitch. magiging patas kami sayo.  Pakiusap, 'wag mong sasaktan ang bata."

Ibinaba ni Nadya ang mga kahoy na hawak upang ipakita kay Mitch na handa siyang makinig.
                         
"All, this time, you've been lying to all of us."  pahayag n Misha.
"Mayroon katotohan sa sinabi ko sa inyo." sagot ni Mitch.
"Alin? Sinabi mo ba sa kanila na manloloko kayong magkapatid! Ginamit n'yo lang kami!" sigaw ni Gener.

"Mang Gener, hindi po. Niligtas nga po nila ang bata." paliwanag ni Nadya.
"Niligtas saan? Eh sila ngang magkapatid ang nagplano ng pagkidnap sa batang yan.  Humingi sila ng tulong sa bawat magsasaka sa magkakalapit na isla.  Kapalit ng mga punlang makukuha at sa ransom na ibabayad nang magulang nyan!  Pero anong ginawa nyo?!  Trinaydor nyo kami. Ilang araw ang sinayang namin na hanapin kayo, kapalit namatay ang mag-ina ko.   Kulang pa ang buhay mo kabayaran ng nawala sa akin." nagngingitngit sa galit ang matanda.  
                         
"Tay, huminahon ka." Humarang sa harap ng kanyang ama si Teejay upang awatin itong makalapit kay Mitch.

"Wala kang alam, Thom.  Gutom ang unang pandemyang kumalat sa mga isla dito, bago pa dumating yang pagka ulol ng mga tao.  Walang sinumang tumutulong sa amin. Kaya't minabuti namin kumapit sa patalim.  Pag-asa ang inilatag sa amin ng magkapatid na yan, pero sila din ang kumitil sa kakaunting tyansa na sumagana ulit ang mga mamayan sa mga isla dito.   Wala kayong pinag-iba sa mga kinasusuklaman  niyong mga pinuno sa syudad. Mga sakim!!!" hinanakit ni Gener. 
                           
"Ang galing mong magbalatkayo.  Nauto mo kaming lahat."  galit na reaksyon ni Nadya. 

"Hmp! Hindi ba't kayo ang mga nakapag-aral? Hindi ba tinuro sa inyo na ang tamang pagsisinungalin ay dapat malapit sa katotohanan." sagot ni Mitch. 

"Tama na, please. Tumigil na kayo." Kung anoman ang nangyari kahapon o nang isang linggo pa, pwede ba kalimutan na natin! Pare-pareho nasa panganib ang buhay natin. Ang pagtuunan natin ng pansin ay kung paano tayo makakaalis sa pesteng islang ito! Kapag ligtas na tayo, saka kayo magpatayan! Hindi ko kayo aawatin." naiinis na sinabi ni Martha.
                           
" Tay, please.... para sakin. Huminahon ka na." pakiusap ni Teejay  sa ama. 
                           
"Ahhhh! Putang-ina!"  sigaw ni Gener habang tumatalikod ito sa anak,  Huminga ito ng malalim at huminahon. 

"Please Mitch,  kailangan ka namin para makaalis sa islang ito."  nagmamakaawa na si Nadya. 
 
" Ang kailangan nyo ang natitirang bala sa baril ko, hindi ako." sagot ni Mitch.

Napatingin siya sa batang walang tigil sa pag-iyak,  ilang sandali pa ay binitawan niya si Liam at binaba ang baril.  Tumakbo ang bata kay Nadya at yumakap ito. 
                           
 "Salamat."  ang tanging salita na nasabi ni Nadya kay Mitch.   

Nagkatitigan na lamang sina Gener at Mitch, talos nila pareho na muli silang maghaharap sa anomang sandali.

                          


RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon