(10) ABOT-TANAW ANG KAGILIRAN

14 4 0
                                    


        Mula sa isang burol malapit sa paanan nang bundok, natatanaw na nila  ang karagatan.  Hapung-hapo sa layo ng nilakbay.   Nagpasya ang grupo na doon muna magpahinga. Kanya-kanya silang humanap ng mauupuan. Lahat ay tahimik, nababakas sa kanilang mukha ang pagkalumo sa nangyayari.  Binasag ni Martha ang katahimikan, sa pag-aalala sa kaibigan.

"Kung nandito si Jordan, sigurado laging naka selfie na naman 'yun.  Nagpapaiko-ikot  na yun sa mga damo at hihiling pa nang jump shot." 
 
'Si Jasper , sigurado aasarin ka nun sa itsura mo kanina, balut na balut  ka ng katawan nang saging." dagdag sa kuwento ni Jason.
"Yung Mokong na yun! Ako na lang lagi nakikita."  sagot ni Martha.
"Paano nga may gusto sa'yo." rebilasyon ni Jason.
"Hindi nga?!  Tang-inang yun, sana sinabi n'ya kaagad, kung naging kami, tiyak sa langit ang punta niya."

"Paano nga kasi akala namin lesbian ka,  mas lalaki ka pa kasi gumalaw kesa sa'min." pang-aasar ni Jason kay Martha.
"Brusko lang gumalaw, lesbian na agad .   Hindi ba pwedeng tomboyish lang.  Sayang  siya, first boyfriend ko sana siya.  Sayang talaga....."   

 Ang saglit na kasiyahan ay muling  binalot sila nang katahimikan,  dama ang panghihinayang na wala sa tabi nila ang kaibigang pinag-uusapan.  

"Pero walang tatalo sa love team of the year. "  muling inaalala ni Martha ang  mga kaibigan.  
"Sino? Si Jaycee at Jazel?  Mukha naman hindi papasa si Jaycee kay Jazel."  sagot ni Jason,
"Eh paano nga, sayo palong-palo yung isa, kaya tuloy nagka love triangle." dinuro ni Martha na may pang-aasar si Jason.
"Kasalanan  ko ba na kung pinanganak akong pinagpala. "  nakangiting depensa nang binata.
"Asus!!!  bilib na bilib ka naman sa sarili mo"  wika ni Martha.  

"Oo nga, wala naman siyang magagawa kung pinanganak siyang hot rob.  Crush nga kita eh."  sumali sa usapan ni Nadya na may kaunting kilig na nakatingin kay Jason.
"Malandi ka rin pala. ate."  biro ni Liam sa kanyang katabi.  Tinakpan ni Nadya ang bibig nito.
"Hayaan mo Nadya, pagdating natin sa syudad,  datenight tayo..."  sagot ni Jason kay Nadya na may pang-aakit na tingin.

"I will never forget Teejay."  biglang nagsalita si Misha.   

Natahimik ang lahat at pinaling ang tingin kay Misha. 

 "Even when his life is in danger,  his concern is to save someone life...our lives."    

Bumalik ang lungkot ng lahat. Inalala ang sakripisyo ng ginawa ng Teejay para sa kanila. 

"Kahit nang bata pa siya, matulungin na yan sa iba at lagi niyang inuuna ang pangangailangan ng bunsong kapatid n'ya.  Kaya hindi ako nagtaka na pagiging doktor ang kinuha niyang kurso."  kwento ni Gener. 

"Paano ba nangyari 'to?  Ano bang nangyari sa islang ito?"  tanong ni Mitch sa grupo. 

"Kabuntot 'to nang delubyo. Pagkatapos nang lindol, nang tsunami,  hetong sakit na nagpapa-ulol sa lahat ng tao at hayop dito ang sumunod."  paliwanag ni Nadya.

"Pag-iniisip ko ang mga nangyari, nagsimula ito sa lumutang na patay na isda sa dagat.   Lahat nang pasyente sa klinika ay pareho ng sintomas sa mga taong ulol.  Kakaiba lamang sila dahil nagiging agresibo sila, asal hayop.  At lahat ng 'yan ay nagmula kay Janius.  Kinagat nang asong ulol si Janius kaya siya naulol.  At malaki ang tyansa na kinain nang asong yun ang mga isda dahil naaala ko yung mga uwak na humabol sa amin sa tabing dagat. Pareho sila nang aso sa  mga sintomas nito sa katawan. " 

Pinagpatsi-patsi ni Jason ang mga pangyayari upang malaman ang pinagmulan  ng pagkaulol ng mga tao at hayop.

"Paano naman yung mga pogita na lumusob sa atin sa bangka?  Hindi naman  siguro nakagat ng  aso yung mga yun."   tanong ni Martha.
"Yung mga lunba-lumba na sumira at pumatay sa mga kasamahan ko,  wala silang koneksyon  sa asong sinasabi mo. "  dagdag pa ni Mitch. 
" Kami rin, kung anoman ang bumutas sa yateng sinasakyan namin,  wala rin koneksyon  sa mga nauulol dito sa isla. "   pagbahagi ni Gener.
"How about the rats?"  palaisipan  ni Misha.  

"I guess whatever poisoned the dead fishes, yun din ang naging dahilan maging agresibo ang mga hayop sa dagat.  Every animals even humans can be rabid.   And this virus,  kung virus nga ito, is tapping or making all in contact with it  to be rabid.   Sa tao.  baka mas mabagal lang umipekto.  Bumilis lang ng  mismong isang asong ulol ay nagkaroon ng koneksyon tulad ni Janius.  At sa ibang hayop dito sa isla... baka kung anomang bacteria meron sa dagat, mamaring naiwan dito ng nagkaroon ng tsunami.  Well, theory ko lang naman yun,  Hindi naman ako expert. Masusi lang ako sa mga detalye."  paliwanag ni Jason.  

Lahat ay natahimik sa sinabi nang binata, pakiwari nila ay malapit ito sa katotohanan.  

"Sabi ng bangkero ng sinakyan naming bangka papunta rito,  paniwala nila ay may bumukang lupa sa ilalim ng dagat dulot nang lindol.  At dito nanggaling kung anoman ang lason o virus ang gumagawa nito sa lahat na may buhay dito sa isla.   Kaya kung iisipan mo rin, kailangan talaga nating makaalis dito kahit anong mangyari.  Kailangan nating iparating ito sa kinauukulan, bago pa kumalat ito sa karagatan at matulad ang  ibang probinsiya  sa nangyari dito. "   pahiwatig ni Jason.  

"How about the rabid animals in the sea?  The moment they see us, we're dead."  tanong ni Misha.

"I believe they are attracted to movements and sounds. parang mga pating.  So... kailangan lang nating magpadala sa agos ng tubig.  Kung may makikita tayong panglayag ng bangka, mas okay yun."  sagot ni Jason.

"Eh ano pang ginagawa natin dito, hapon na, Ilang kembot na lang nasa tabing-dagat na tayo."  suwestyon ni Martha.
Tumingin ang lahat sa kanilang destinayon.  abot-tanaw nila ito mula sa kanilang kinalulugaran. 

"Ganun nga ba kadali na lamang mula dito? Sa kabila ng mga hirap na dinanas natin papunta rito."  pakiwari ni Nadya.  

May napansin si Gener sa muling pagtitig sa dalampasigan.

"Mga Iho, mga Iha... wala ba kayong napapansin sa  tabing-dagat?"  tanong  nito sa mga kasama.
"What is it?"  reaksyon ni Misha.
"Walang bangka, walang bangka akong nakikita.  Kahit man lang balsa....wala."  sagot ni Gener.

"Shit!"
"Putang-ina!"
"Hindi nga ganun kadali!"
"Ayaw talaga tayo paalisin dito."

Mga reaksyon nila sa sinabi ng matanda.  Nanlumo ang lahat sa  kanilang nalaman.   Malapit na nilang maisakatuparan ang pagtakas sa isla subalit  hindi nila kaya itong tuparin kung wala silang magagamit na sasakyang pangdagat.   

"Guys! Don't loose hope.  Kailangan lang natin makatawid sa ibang isla, ligtas na tayo.  Kailangan lang natin gumawa kahit ng panandaliang balsa o makahanap ng pwede nating sakyan para makatawid."   pagbibigay pag-asa ni Jason.  
                     
Nagkatinginan ang lahat,  talos nilang tama ang sinabi nang binata, kailangan lang nila makatawid sa ibang isla. 
               
"Okay everyone. are you ready? Let's go!"   Pagbibigay hudyat ni jason sa mga kasama. 

Hindi pa sila handang sumuko, kaya pa nilang lumaban.  Gabay ng malayong pagtanaw sa kagiliran.  may pag-asa silang maka-alis sa isla.   




RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon