"Hay, naku! Wala ba talagang signal dito? Kahit man lang isang bar. Kailangan kong ma update ano ang latest post ng baby ko."
Halos mangalay na sa katataas ng cellphone niya si Jordan. Sa kabila nang maraming abala sa paligid sa pag-aasikaso ng mga pasyente, nauubos ang oras niya sa pagkalikot ng telepono. "Gamitin mo na lang yang cellphone mo sa pag dodocument ng mga nagnyayari dito para sa archive natin. total yang cellphone lang din naman lagi mong hawak." naka ismid na reaksyon ni Martha sa kaibigan habang ginagamot ang mga sugat ng isang matandang mangingisda. "Hay naku, Frend. Nanghihina na ako, kailangan kong ma energized. I need to see even a glimpse of his picture, sapat na. Lalakas na ko." paliwanag ni Jordan habang nag-iinarteng nanghihina at pahiga-higa sa kama nang pasyente. Tumigil si Martha sa kanyang ginagawa, at umikot sa kama para lapitan ang nakahigang kaibigan. Tinapat nito ang kanyang pwetan kay Jordan at inututan ito.
"Ay! Putangina!! Kadiri ka Martha! Pwe!! Sumisiksik sa ilong ko." Napatayo si Jordan at pilit na hinahawi ang kanyang kamay sa harap ng kanyang mukha.
"O ayan, energized kana, I-document mo na ang mga happenings dito." pag-uutos ni Martha habang pabalik ito sa kanyang pasyente.
"Ano ba yan. Frend! Amoy panis na maasim na sinigang. Kailan ka kumain nang sinigang eh dinuguan ang huli nating kinain." reaksyon ni Jordan.
"Asim nang sikmura ko yan dahil sa gutom. So you better start taking pictures bago pa magdilim ang paningin ko." reaksyon nang dalaga sa kaibigan.
Lumapit si Jordan sa pasyente ni Martha at tinabihan nya ito saka itunutok ang cellphone sa kanilang dalawa. " Manong... smile!" Ngumiti naman ang magsasaka na kitang-kita ang dadalawang ngipin nito sa harap.
"Sabi ko, mag document ka hindi mag selfie, bakla!" reaksyon ni Martha.
Biglang may nagbaba ng kahon ng mga gamot sa kama sa harap ni Martha. "Dude, si Jazel, nasaan?" Pawis na pawis at init na init si Jaycee habang nagbubukas ng kahon at naglabas ng mga gamot. Kanina ko pa siya hindi nakikita."
"Kasama ni Misha, sinamahan yung si Nadya. Sila yung mga nagbahay-bahay sa mga hindi makapunta rito." sagot ni Martha.
"Mag didililm na ha, anong oras sila babalik?" muling tanong nang binata.
"Ikaw naman. ilang oras pa lang nawawala sa paningin mo si Jazel, cool ka lang." komento ni Jordan, lumapit ito kay Jaycee at ipinatong ang kanyang ulo sa kanang balikat nang binata. "Okay, smile Jaycee." ngumiti naman ito.
"Yung mga pasyente kaya kunan mo. Hindi ito skarsyon noh! Hindi tayo nagbabakasyon dito" reaksyon ni Martha na naiinis na sa kaibigan. "Jaycee, kung talagang nag-aalala ka, sundan mo na lang sila." Nakatitig lamang sina Martha at Jordan kay Jaycee habang nag-iisip ito.
"Mabuti pa nga, magpapaalam lang ako kay Teejay." kaagad na umalis ang binata.
"Ang sweet naman, talagang nag-aalala sya." sabi ni Martha.
"OO nga, nag-aalala nga. Nag-aalala na may makilalang lalaki si Jazel, madadagdagan pa kompetisyon nya. Kay Jason nga lang, talunan na sya." sagot ni Jordan.Sa paglabas ni Jaycee nang Klinika, biglang may bumangga sa kanyang kanang tagiliran.
'Hoy! Kanina ka pa namin hinahanap, we need an extra hand sa mga pasyente rito." si Jason ang bumangga sa kanya habang bitbit ang mga kailangang gamot ni Jasper.
"Halika na!" pag-aaya niya kay Jaycee.
"Wait Dude!, hinahanap ko si Teejay, may kailangan akong puntahan." paliwanang ni Jaycee. Bigla syang may narinig na nagsalita sa di kalayuan.
" Saan ka naman pupunta rito sa isla? ano magpapaikot-ikot ka lang? Huwag ka ng umalis, ang haba pa ng pila rito oh! Mamaya ka na lang umalis, samahan ka pa namin , hanap tayo ng bar." iritable si Jasper na nagsasalita habang tinatahi ang sugat nang bata sa may noo nito na walang tigil sa pag-iyak.
"Anong bar? Saan ka makakakita ng bar dito? Saka bawal kang uminom, nanggagamot ka." tanong ni Jason.
"Bar.....hahanap tayo ng bar... bar...rio fiesta, malay mo baka may branch pa sila dito." sagot ni Jasper.
"Balak kong tulungan sina Misha sa house to house nila." nakakunot na ang noo ni Jaycee sa pagkairita sa kakaiyak ng bata.
"Hindi mo pa aminin na kaya ka pupunta dun, nandun kasi si Jazel," pang-aasar ni Jasper. "Alam mo Dude, hangga't hindi ka kasing gwapo itong si Jason. hindi ka papansinin nun."
"Sorry bro, pinanganak na kong ganito, it's a curse." pagsang-ayon ni Jason kay Jasper. Patuloy pa rin sa pag=iyak ang batang lalaki. Tuwing ilalapit ni Jasper ang karayom, lalong ngumangalngal ito ng malakas.
"I believe hindi shallow si Jazel, kailangan n'ya lang makasama ako palagi para mas makilala niya ko." paliwanang ni Jaycee.
Pinapanood na ni Jason at Jasper ang hindi matapos-tapos na pagtahi sa sugat ng bata ni Jasper. Pareho na silang nakakunot ang noo at nakangiwi ang bibig sa pagkairita sa malakas nang iyak nang bata.
"Paano mangyayari yun, eh laging nakabuntot yang prinsesa mo sa ugok na to. Naka focus lang ang atensyon kay Adonis, Kulang na lang, maging personal na yaya ang love of your life mo." muling pang-aasar ni Jasper sa kaibigan.
"Again, I'm sorry, bro. Inborn ang pagiging irresistable ko eh. " komento ni Jason.
"Hindi naman palagi, tulad ngayon. Nandito ka at kasama naman n'ya si Misha, Pagkakataon ko na." paggiit ni Jaycee.
"No can do. boy. We need you here. pagsalungat ni Jasper. "Nakikita mo naman kung gaano karaming Pasyente, mawawala ka pa. Lalo kaming gagabihin matapos niyan."
Hindi na nakasagot si Jaycee, nakatitig na lamang ito sa batang inaasikaso ni Jasper ng bigla itong may naalala.
"Binigyan mo ba sya nang anesthesia bago mo tinahi sugat nya? tanong ni Jaycee.
Napatigil si Jasper na parang statwa sa narinig sa kaibigan.

BINABASA MO ANG
RABIS
TerrorIsinama ni Teejay ang mga kaibigan sa isang isla na tinamaan ng malakas na lindol at tsunami. Ang sadya nila ay tumulong sa mga nasaktan at naapektuhan nang trahedya. Subalit higt pa rito ang kanilang nadatnan. Isang misteryosong sakit ang kumak...