(1) NUNAL SA DAGAT

93 6 0
                                    

                Natatanaw na ni Teejay ang islang destinasyon,  mula sa pagkakaupo n'ya sa harapan nang inarkilang bangkang de motor hindi na siya mapakali, minamadali na maabot ang bayan kung saan namamalagi ang kanyang mga magulang.   

                  "Don't worry, I'm sure they're safe."  bulong ni Misha sa nag-aalalang katipan. Sinuklian ni Teejay ng ngiti ang dalaga at sinilip ang mga kasamang mga volunteer sa kanyang likuran. Napansin n'yang hindi sila mga komportable sa byahe dahil sa laki ng mga alon na sinasalubong nang bangka.  

"Manong, pwede bang bagalan ang takbo natin?! Mukhang sa sobrang lula, susuka na mga kasama ko!" sigaw ng binata sa Bangkero sa kabilang dulo ng bangka. 
"Hindi pwede! itataob tayo ng alon pag bumagal tayo!  

                  Hindi sanay sa byahe sa karagatan ang mga kaibigang kasama nila ni Misha. Madalas kapag nagsasagawa sila ng Medical Outreach, hindi sila tumatawid nang dagat.  Mula nang High School, aktibo na ang dalawa sa mga Outreach Organization. Kaya't ng nakapasok sila sa kursong medisina sa kolehiyo, nagtayo ng sariling orginasasyon ang dalawa at ang kinuhang kasapi ay ang kanilang mga kaibigan. 

" Are we close? I can't take it anymore! naisuka ko na yata lahat ng kinain ko mula pa ng isang linggo!' sabi ni Jordan, ang matabang baklang  kaibigan ng dalawa. 
 "Ayaw mo n'yan?! Papayat ka na!" sagot ni Jasper. 

Tinarayan lamang siya ni Jordan.  Katabi niya si Martha, ang tomboyish sa grupo. pilit nitong sinisiksik ang katawan n'ya sa matabang katabi. Umiiwas sa pagkabasa nang alon at sa dulot na lamig nito. Napansin nyang nanginginig ang katawan ni Jasper.  kinuha nya ang atensyon ni Jordan sa pagsagi sa braso nito.

 "Alam mo Frend, inggit ako sayo." sabi ni Martha kay Jordan.
  "Huh? Why?!" tanong ng kausap ni Martha.
"Sa ganitong sitwasyon swak na swak ang katulad mo. Hindi ka giniginaw dahil sa kapal nang taba sa katawan mo at pagtumaob ang bangka, di mo na kailangan ng salbabida, kusa ka ng lulutang nyan" pabirong pagpapaliwanag ni Martha.

"Talaga Frend, hayaan mo pagtumaob ang bangka, ikaw ang gagawin kong stick para sa panlayag sa payat mong yan" inis na sagot ni Jordan. 

Sa tabi ni Jasper nakaupo si Jazel na pilit na tinatakloban ang ulo ng gwapong kaibigan na si Jason, habang sa tapat nila ay pinapanood lamang sila ni Jaycee.

"Beshie, may umbrella ka ba? basang-basa na ko." tinawag ni Jazel ang matalik na kaibigan na si Martha.  

"Sa tingin mo,Bez?  Sa  tingin mo, isisiksik ko ang sarili ko sa maasim na katawan na ito kung meron? Try mo kayang hiramin yung cap ni Manong". sagot ni Martha.  "Grabe ka naman mag-alaga kay Jason,  ang laki-laki nang katawan nyan!
"Madali kasi akong magkasakit." depensa ni Jason.
"friendly lang ako, girl." sagot ni Jazel.

"Bakit kay Jason ka lang friendly? Ayan si Jaycee mas basang-basa at mukhang sakitin , bakit hindi s'ya ang tabingan mo?" pagsingit ni Jasper sa usapan.  
"Ha? Ah eh...kaya nga ako naghahanap ng payong para ibigay sa kanya eh." Palusot ni Jazel. Hindi sya makatingin ng diretso kay Jaycee. Habang si Jaycee napayuko na lamang at itinaas ang t-shirt na suot para masuklob sa kanyang ulo.  Biglang may nag-abot ng Hoodie sa kanila, si Janius, ang bunsong kapatid ni Teejay.  Nasa High school pa lamang ito at labis na malapit sa kanyang  matandang kapatid, Walang gaanong kaibigan si Janius, may pagka introvert.  Kaya lagi itong sinasama ni Teejay sa kanyang mga lakarin upang masanay sa maraming tao. Pero sa pagkakataong ito, kusang si Janius ang pumilit makasama pabalik sa bayan ng kanilang magulang.  Limang taon na ang nagdaan ng kinuha sila ng kanilang tiyahin upang makapag patuloy ng pag-aaral sa Maynila. Ngayon na lang nila muli makikita ng peronal ang kanilang ama't ina  mula nang iniwan nila ito. 

"Huwag na, Nyut! Mas kailangan mo yan. Makakapal na apog ng mga yan!"  Sigaw ni Teejay sa kapatid.  

Muling sinuot ni Janius ang jacket, subalit nang isinusuot na n'ya ang manggas sa kanyang kaliwang braso, nasagi nya ang isa sa mga kahon nang gamot at nalaglag ito sa dagat. Lahat sila'y napatayo at tinanaw ang kahon sa dagat. Dito nila napansin ang iba't-ibang klasing isda na patay na lumulutang  sa tubig.

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon