(9) SA PILING NG MGA ULUPONG

14 6 0
                                    

                          Putok na ang araw ng narating nila ang tuktok nang bundok. Inakyat nila ito ng walang kumikibo, dulot ng pagdadalamhati nila sa nawalang kaibigan.  
                           
"Pwede ba tayong magpahinga muna?  Pagod na pagod  na ang bata." hinihingal na sinabi ni Nadya sa mga  kasama.   
"She's right, we all don't have any sleep and we are all thirsty to go on."  pagsang-ayon ni Misha na sumalampak na nang upo sa may nakatumbang  puno nang niyog.  
 "Oo nga, sa sobrang uhaw ko, wala ng lumalabas na pawis sa katawan ko."  pagbahagi ni Martha.
"Sige na, sumilong na lang  kayo sa mga lilim ng mga halaman,  umalis kayo sa init nang araw."  suwestyon ni Teejay.   

Lumapit si Gener sa punong inuupuan ni Misha.  Kumuha ito nang isang buko na bunga nito.  Iniligid niya ang kanyang mata sa paligid hanggang sa may nakitang matalas na malaking bato.  Dito n'ya pinalo ng pinalo ang buko hanggang sa lumabas ang katas nito. Tuwang-tuwa ang lahat sa ginawa nang matanda.  Inihagis niya ang bukong hawak sa bata at muling kumuha nang buko sa nakatumbang puno.  Ginaya na siya ni Jason at Teejay upang mabilis na makainom ang mga kasama. 

 Sa pagkapawi nang uhaw, namahinga na ang lahat, ang iba'y nakatulog pa sa labis na pagod.   Sa saglit na pagkakaidlip ni Teejay, sa kanyang paggising, nataranta siya na wala sa kanyang tabi si Misha.  Sa kanyang paghahanap, nakita niya itong nakatayo malapit sa talampas nang bundok.  Nakatanaw sa malayo sa kainitan nang araw.  Pinuntahan niya si Misha at  nakita niya itong lumuluha.
                           
 "Mish, are you okay?" tanong nya sa katipan.
 "We're all gonna die here, right?  tanong ni Misha.

Natahimik si Teejay sa tanong nang katipan.  Niyakap niya si Misha mula sa likuran nito. 
                             
"I Promised you. I won't let that happen."  sagot ni Teejay.
"I don't think we can,  the way the nature's course taking us. It's like we are meant to die here."  paliwanag ni Misha. 
 "Don't think that way,  gagawin ko ang lahat para maligtas kayo. Kahit ang kapalit pa ay ang buhay ko.  Ako ang nagdala sa inyong lahat dito, nararapat lamang na ako din ang magdala sa inyo palabas sa islang ito. "  sagot ni Teejay.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa kasintahan at hinalikan ito sa labi.    Sa tuktok nang bundok, tanaw nila ang buong kalupaan nang isla,  Kaya't  sa abot-tanaw ni Teejay, naaninagan niya ang  malaking grupo ng mga taong ulol  na umaakyat nang bundok patungo sa kanila.  Nagmumula ang mga ito sa iba't-ibang direksyon.  Kaagad na inaya ni Teejay si Misha na gisingin ang mga kasama. 
                               
"Gumising na kayo!  parating na sila!   Sigaw ni Teejay. Itinuro n'ya rin kung saan n'ya nakita ang mga taong ulol na tinatahak ang kanilang landas.   
             
 "Sa bilis nilang yan, kaya nila tayong abutan within two hours. "  pakiwari ni Jason.   
"Kaya nga halina kayo, umalis na tayo rito! sigaw ni Mitch.   

 
Takbo at lakad ang ginawa nila pababa sa kabilang bahagi nang bundok.  Nagmamadaling tinatahak  pababa ang matarik na landas.   Maya-maya pa ay dumilim ang kalangitan,  kumulog at kumidlat. Ilang saglit lang ay bumuhos na ang malakas na ulan.  Naging madulas ang kanilang nilalakaran,  ilang beses din  silang nadulas sa putik sa pagmamadali sa takot na maabutan ng mga taong  ulol.  Ilang beses din pinagpasahan nila Jason at Teejay ang pagbubuhat kay Liam upang hindi ito mahirapan sa pagbaba.    Sa pagpasa ni Jason pabalik kay Teejay sa bata,  Dumulas ang paa nito at mabilis na sumadsad pababa nang bundok.  Napansin niya sa direksyon na kanyang dinudulasan,  patungo siya sa isang talampas.  Kaagad na humatak nang anomang sanga o halaman na  mahahawakan niya habang mabilis siyang nalalaglag.  Mabuti na lang at may nahatak siyang isang baging na nagsagip nang buhay n'ya.  Nakabitin siya sa gilid nang talampas , nahihirapan pa siya sa agos nang putik na bumubuhos sa kanya kaya't nahihirapan siyang makakita.  Gamit ang kanyang paa, itinukod nya ito sa gilid nang talampas at unti-unting umakyat gamit ang baging.    Sa kanyang pag-angat, sinalubong siya nina Teejay at tinulungan na makaalis sa pagkabitin sa lubid. 
                                     
"Muntik ka na,Dude."  sabi  niTeejay habang tinatapik ang kaibigang lalaki sa balikat.   
"Oo nga, buti na lang may baging akong  nahatak. "   sagot niJason,
                                     
"Anong nangyari dito? Saan naggaling to?!   Wala ito dito dati?!"  pagtataka ni Gener ng nakita ang malaking talampas sa gilid nang bundok. 
" Likha siguro nang lindol yan.  Sa sobrang lakas, nahati ang bundok."   paliwanag ni Nadya. 
"Wala ba tayong ibang pwedeng daanan?"  tanong ni Mitch.
"Wala eh,  ang tanging naiisip ko eh makipagsapalaran bumalik ng bayan." sagot ni Gener.             " Ano, suicide misson?!  Kaya tayo dito nagbaka sakali eh!"   inis na sambit ni Mitch.  Lumapit ito kay Jason na nakadungaw sa lalim nang talampas.  
                                     
 "  Kailangan nating bumaba at umakyat sa kabilang parte nang talampas na 'to"  suwestyon ni Jason.  
                                       
"At paano naman natin gagawin yan?"  tanong ni Martha.

"Gamit  ang baging, humanap pa tayo nang iba pa na pwedeng idugtong dito upang umabot sa baba.   Pagnakababa na tayo, ako ang aakyat sa kabilang gilid para makahanap ng  pagtatalian nang lubid  para makaakyat naman kayo."  paliwanag ni Jason.
                                       
"Wala na ba talagang ibang paraan? Mahina ako sa akyatan."  pahayag ni Martha.  
"Madali lang yan, para ka lang naglalakad ng patagilid habang hinahatak mo ang sarili mo."  paliwanag ni Nadya.  
"Wala na kong maisip na paraan. Ilang saglit na lang,  maaabutan na tayo ng mga ulol!   If you have an idea in mind, now is the time to share it. "   wika ni Jason habang naghahatak nang iba pang baging.  
                                       
"Saglit lang..."  may napansin si Mitch sa ilalim nang talampas.  Lumapit naman ang lahat at sinilip din ang nakikita nito,  "May parang  mga gumagalaw sa ibaba."  
Tinitigan nilang mabuti ang tinutukoy ni Mitch, hanggang sa naaningan ng lahat kung ano ito sa kabila ng malakas nang ulan.  
                                       
"Holy shit! Snakes!!!" sigaw ni Misha.
"Ang dami nila."  pagbahagi ni Liam.
"HIndi lang basta ahas, mga ulupong. Mga makamandag na ahas."  paliwanag ni Gener.  "Mukhang ginawa nilang pugad ang lugar na ito. "
" Nakakamatay ba ang venom ng mga yan? " tanong ni Martha.
"Nakamamatay, period. " sagot ni Mitch.  

Lalong nag-aalala ang lahat sa kundisyung hinaharap.  Napapagitnaan sila nang mga puwersa nang kamatayan.  Sa di kalayuan sa kanilang likuran, ang mga agresibo at mabibilis na mga taong ulol at sa kanilang tatawiran ay ang mga makamandag na ahas.  
                                         
"Paano na tayo  ngayon?"  tanong ni Nadya habang hagkan-hagkan ang bata.
"Kailangan lang nating mamili kung ano ang kaya nating harapin. Ang mga ulol kung babalik tayo sa bayan o ang mga ahas na yan kung tatawid tayo."  sagot ni Jason. 
"Parang pinamimli mo lang kami kung anong gusto naming paraan mamatay."  wika n Mitch.
"We can't stay here, we need to find a way."  sabi ni Misha. 
 
Natahimik ang lahat.  Sumusuko sa dikta nang nagaganap.  Ramdam na anuman ang piliin nila o kahit wala silang gawin,  kamatayan pa rin ang kanilang dadanasin.   Inilibot ni Teejay ang mata sa paligid,  May nakita siyang nakatumba na mga puno nang saging.   Nilapitan niya ito,  gamit ang kanyang   kamay.  Tumabas siya ng kasing laki ng kanyang binti sa parte nang katawan ng puno nang saging. Labing dalawang beses nya ito inulit.
                                             
"What are you doing?" tanong ni Misha sa katipan.  Nginitian lamang siya nito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.  Pinagpatong-patong niya ang tagtatatlong tabas ng katawan ng puno nang saging saka lumapit kay Misha at ibinalot ang mga ito sa binti nang kasintahan.  Tinalian nya ito ng tali na hinatak nya sa mga baging sa paligid.  
                                               
"  Para saan yang ginawa mo?" Tanong ni Martha.

"Ituloy natin yun plano ni Jason.  Ang inaalala natin ang pagtuklaw ng mga ahas.  So... sa pamamagitan nito,  hindi babaon ang mga pangil nila sa binti natin. Mas makapal mas ligtas. "  paliwanag ni Teejay.  
                                                 
"Sigurado ka d'yan?" paninigurado ni Mitch.
"Hindi, pero may mas tyansa tayo sa mga ahas na yan kesa  harapin ang  mga taong ulol kung babalik tayo."  sagot ni Teejay.  "Okay sa inyo?"  

Tinignan niya ang lahat at naghihintay ng mga sagot nito. 
                                                 
"I'm game." sagot ni Misha.
"Wala naman tayong choice eh." sagot ni Mitch. 
"Pa...paano kung sabay-sabay nila tayong tuklawin?  Sa dami ng mga ahas na yan, sigurado isa dyan makakadali sa'tin."  pag-aalala ni Martha.
"She's right, Thom. They are sensitive  in sounds and vibrations."  pagsang-ayon ni Misha kay Martha.

"Kaya kailangan nating makababa na ngayon habang naulan.  Gagamitin  nating camoflauge ang ingay nang ulan.  And we just need to move slowly and be cautious."  paliwanag ni Teejay.
                                                   
"I'm sold.  c'mon guys let's do this.  Wala na rin tayong oras. Any moment now, aabutan na tayo ng mga ulol."  pag-aaya ni Jason. 

Napatango na lamang ang mga kababaihan kahit may takot at pagdududa sila sa gagawin.   
                                                   
"Paano po ako?" tanong nang batang si Liam. 
"Huwag kang mag-alala. akong bahala sa iyo. "  sagot ni Gener sa kanya.   

RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon