(12) MAPANGAHAS NA AGOS

15 5 0
                                    

               Ilang oras din na nakabitin sa parehong gilid ng Balsa sina Martha at Nadya habang nakasakay sa ibabaw nito ang bata.  Hindi sila lumalangoy at hindi nila sinasagwan ang balsa, siinusunod nila ang sinabi ni Jason na dapat tahimik lamang sila habang nasa dagat upang hindi sila mapansin nang anomang nauulol na hayop sa ilalim nang dagat.  Nagpapalutang lamang sila  at hinahayaan na sumunod lamang kung saan sila dalhin nang agos nito.  Panalangin nila ay madala sila nito sa pinaka malapit na isla kung saan sila maliligtas. 

Sa ilang oras na nagdaan malapIt ng magdapit-hapon, walang gumagambala sa kanila na anomang nilalang mula sa ilalim nang dagat.  Halos makatulog ang dalawang babae habang nakahawak sa gilid nang balsa. Ginigising lamang sila ni Liam sa takot na makabitaw ang mga ito tuwing nakakaidlip.  Hanggang sa huling pagkakataon na muling nakatulog sina Martha at Nadya,  ginising sila nang bata dahil sa nakita nito.

"Ate Nadya, ate Martha! Gising na po!  Tignan n'yo oh!"   inalog nang inalog ni Liam ang mga ulo ng dalawang dalaga habang nakasampay ito sa gilid ng balsa.  Sa pagdilat ng mga mata ni Martha, napasigaw ito sa saya sa nakita. 

  "Shhhhh! 'Wag kang maingay, baka may makarinig sayo."  babala ni  Nadya sa dalaga. 

 Labis ang kagalakan ni Martha dahil malapit na sila sa isang maliit na isla. 

"Nasa ilalim naman nang dagat ang mga yan, hindi nila ako maririnig. "  pangangatwiran ni Martha. 

Naputol ang kasiyahan ni Martha ng napansin niyang sa ibang direksyon sila hinahatid nang  nang alon,   Kaagad itong nagpapapadyak upang maitulak ang balsa papunta sa   malapit na  lupa.  Mabilis siyang sinaway ni Nadya.

"Huwag mong gawin yan,  di ba, kailangan nating maging tahimik.  Kung hindi,  magagambala natin kung ano mang mga ulol na hayop sa dagat."  pagpapaalala ni Nadya.

"Anong gusto momg gawin ko?! Imbis na mapalapit tayo sa  islang yan,  dinadala yata tayo nang agos sa gitna nang dagat.   paliwanag ni Martha.  " Saka ang lapit-lapit na natin,  Kaunting kembot na lang, nandun na tayo oh.  Kaya kesa talakan mo ko, tulungan mo na lang ako bago pa tayo lalong mapalayo sa islang yan."   pangangatwiran ni Martha

Takot man si Nadya sa magiging epekto kung siya  ay sumunod sa gustong gawin ni Martha,  subalit kailangan nilang dumaong sa lupa, lalo't pagod na sila at inaalala niya rin ang kalagayan ni Liam  kung sakaling anurin sila sa gitna nang karagatan.   Kaya't kahit may pagdududa, pinagaspas nito ang kanyang mga paa at tinulungan si Martha dalhin ang balsa sa malapit na isla.  

"Kaunti na lang, kaunting-kaunti na lang... "  kumento ni Martha  habang tutok na tutok itong nakatingin sa patutunguhan at nilalabanan ang mga alon na sumasalubong sa kanila.  Hindi man lang niya napansin  na may tinuturo si Liam sa ilalim nang dagat.   Biglang may humatak  pailalim kay Martha,  

"Martha! Martha! Asaan ka na?!" bago pa man sumisid si Nadya upang saklolohan ang dalaga, bigla itong muling umahon at isinampay ang mga braso sa balsa.   

"Akyat sa balsa ..akyat..."   ito ang huling salita ni Martha ng muli itong umilalim sa tubig.  

Dito na inilubog ni Nadya ang kanyang ulo sa tubig upang malaman kung  nasaan na si  Martha.  Nagulat siya ng nakita ang anim na malalaking pating sa ilalim ng kanilang balsa.  Kahit nahihirapan, pinilit niyang makasampa sa balsa upang makaiwas sa mga halimaw sa dagat.  Muling umangat si Martha mula sa tubig at nagpupumilit na sumampa sa balsa.  Mabilis siyang tinulungan ni Nadya, hinawakan nya ang dalawang kamay nito at hinatak paakyat nang balsa. Ngunit nabitawan ni Nadya ito ng nakita nyang pag-ahon ng katawan ni Martha sa tubig ay kalahati na lamang ito. Nakaluwa na ang mga bituka nito at ang mga lamang-loob.

"Malapit na tayo... kaya natin 'to... malapit na...." heto ang huling mga salita na narinig ni Nadya kay Martha bago tuluyang pumanaw.  Napayakap si Liam kay Nadya sa takot at sa nakitang kinahatnan ni  Martha.

"Shhhhh.... kailangan hindi tayo maingay, kailangan hindi tayo magalaw... " bulong ni Nadya kay Liam.  

Hindi maalis ni Nadya ang tingin sa kalahating katawan ni Martha,  nangangamba na ganun din ang kahahatnan nila nang bata.  Walang sapat silang proteksyon, anumang oras, kayang itaob o wasakin ng mga pating ang kanilang sinasakyan.
 Isang malaking alon ang humampas sa balsa,  naitaboy nito ang kalahating katawan ni Martha sa tubig,  nakita pa ni Nadya ng  pinagkaguluhan ng mga pating ito.  Lalong binalot  ng takot si Nadya at si Liam.  Tinatakpan niya ang bibig nang bata upang hindi makagawa nang ingay.   Tinanaw niya ang isla na sana ay magsasalba sa kanilang kaligtasan, palayo na ng palayo ito sa abot ng kanyang pagtanaw.  Nakita n'ya pa ang mga taong tagaroon na tumakbo papunta sa baybayin,  Lahat din sila ay mga ulol na.  Mapa sa dagat o mapa sa isla, kamatayan din ang hatid nito sa kanila.  Lalong nakaramdam si  Nadya ng pagkawala na nang pag-asa.  Sumusuko na siya.  Tanging magagawa na lamang niya ay  ihanda ang sarili sa parating na katapusan.  

"Ipikit mo na lamang ang iyong mga mata."   ito na lamang ang huling habilin niya sa batang si Liam.  Tuluyan na silang inanod  palayo sa isla at patuloy silang pinalilibutan ng mga pating sa ilalim ng tubig. 



RABISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon