Zed's POV
At dahil nga first day of classes ngayon,kailangan kong pumasok or else papagalitan ako ng magdamag sa bahay ng nanay ko...
Pagdating ko sa room namin (alam ko na agad kung saan yung room ko,summer pa lang alam ko na),nakita ko agad yung kalaban ko pagdating sa LoL,si Kyle to,laging talo to...Hindi ko na lang siya pinansin...
Umikot na lang ako dito sa campus hanggang sa may nakita akong babaeng nag-iikot din dito sa campus...maganda siya ah...pero hindi pa rin ako kuntento kung ano ang nasa panlabas na anyo,kung ano ang nasa loob ang mahalaga...ayoko na ulit masaktan...
Hanggang sa nag-flag ceremony na at bumalik na sa room, syempre as usual mag-isa ko lang sa likod...
Tumingin ako sandali sa pintuan at nakita ko yung babae na nag-iikot kanina...kaklase ko pala siya...What a Coincidence!!
Itong room pala namin ang room na nakahiwalay ang opposite gender,ako lang ang nagsimula nun...
Etong mga kapwa ko lalaki anlakas ng trip...binato ba naman ng papel yung magandang este yung babae...teka hindi hindi, kung ano nga ang nasa loob ang mahalaga diba hindi yung panlabas na kaanyuan...
"Headshot!!"
Napa-ngisi na lang ako sa ginawa nila...pagtapos na pagtapos gawin yun ng kaklase ko,saktong pumasok na yung Adviser naming Baldemort (Panot)...
Wala namang nangyaring maganda sa klase,pagtapos na pagtapos ng subject bago ang break time,dumeretso na ako sa cafeteria para makahanap ng pagtri-tripan...
Ayon,may babae dun na ansarap ng inom ng juice, lalapitan ko na sana siya,kaso itong pinsan ko pinipigilan na naman ako...
"Wag kang gagawa dito ng makapag-papahiya sa kung sino dito sa campus,kung ayaw mong pabalikin ko siya dito"
"Bakit kaya mo siyang pabalikin dito??"
"Sino nga ba ulit ako??"
"Wala akong pake kung gaano kayo kayaman"
Hindi ko na siya pinansin,pumunta na lang ako dun sa babaeng pagtri-tripan ko ngayong araw...
"Hoy dude sandali lang,sandali lang"
"Tsss,sunod nalang kayo"
Umiinom na nang orange juice yung babae...
"Akin na lang to ah..."
"Hoy,akin yan!!"
"Edi sayo" sabay tapon ko sa kanya ng juice "Saksak mo sa baga mo" aalis na sana ako kaso itong babaeng to lumaban pa...
"Ano lalaban ka??!!"
Aalis na sana talaga ako kaso may babae na naming sumigaw para tawagin ako..
"HOY LALAKE!!"Aba yung transferee namin ah...
"Baket??!!"
"Mag-sorry ka.."
"Paano kung ayaw ko?? May magagawa ka ba???"
"Oo eto" Sabay tapon niya ng juice sa mukha ko...
"Ooooohhhhh!!!!" Sabi nung 4 kong kasama...
"Kung hindi ka mag-sosorry...isusunod ko to sa pagmumukha mo..." Sabay taas niya ng spaghetti...May maibubuga pala to pagdating sa labanan
"Ano na mag-sosorry ka???"
Syempre hindi ko ginawa yun,nag walk-out na lang ako at umuwi...hindi na ako pumasok ng susunod na klase...
"BADTRIP!!! FOR THE FIRST TIME NA NATALO AKO!!!! SHIT SIYA!!!"
HINDI PA TAYO TAPOS BABAENG TRANSFEREE....
==**==**==**==**==**==**==**==**==**==**==**==**==**==
That's all for today guys... Mag UD ako bukas until monday siguro... kung may tanong kayo,just comment here...about sa mga characters,maglalagay po ako ng special chapter about sa kanila at kung saan ko kinuha yung mga names nila...And guys please spread my first story...Thank you
BINABASA MO ANG
Mr.LoL Player vs. Ms. DOTA Player
Teen FictionSi Adeleine Hannah Rhose Icon ang pinaka magaling mag DOTA sa Springfield University...Siya yung babaeng masungit at hindi maganda magsalita pero magalang lagi sa mga nakakatanda... Paano kung lumipat siya sa Crystal Academy at makilala ang masungit...