Nami's POV
Andito kami ngayon naka-upo sa harap ng math department at hinihintay si mam dahil may mahalaga siyang sasabihin about sa Duo na kakanta sa Team Building...Pero hanggang ngayon wala pa rin ang aming Madam...
Mga ilang minuto na rin ang nakalipas at nakita namin si Mam ba may kasamang batang lalaki na siguro nasa 3 years old palang... pero it doesn't matter,basta ang kailangan naming malaman ngayon ay bakit kami pinatawag ni Mam...
"Mam,bakit niyo po kami pinatawag??" naunahan na ako ni Hannah...
"Yung about sa singing duo sa team building...hindi lang pala dapat singing duo yun...dapat yung dalawang kakanta may individual performance din...since wala pa kayo sigurong napipili sa kakanta...ako nalang pipili...siguro mamaya ko na rin sasabihin sa klase yung tungkol sa team building...Ok you may go now.."
"Uhmm... Mam may napili na po sa duo..."-syempre uunahan ko na si mam sa pagpili...
"Sino Nami??"
"Si Hannah po at si Kuya"-please mam pumayag ka...chance ko na to mam...
" Kami??!!"-sabay yan ah!!
"Bakit may problema ba??"-ano?! ano?! ano?!
" Wala naman"
"Sige Nami... ikaw na bahala sa kanila ah.."- Yehey!!!
"Sige po mam...Thank You Mam Very Much!!"
"Hahaha...sige na baka ma-late na kayo sa susunod niyong klase..."
"Bye Mam!!"
Habang naglalakad kami...hindi na nakaka-gulat na maraming naka-tingin kay kuya...meron pang babae na nagsasabing...
"Ay bhe... ang gwapo talaga ni Zeion!! Kyahh!!"
"Zeion pansinin mo naman ako!! Lahat ibibigay ko sayo!!"
Ilan lang yan sa mga narinig ko pero ito ang matinde...
"Humanda yung girl mamayang uwian..."- aba si ate...maharot na nga eh,hindi pa nakuntento sa kung anong meron siyang kaharutan...
Nakarating na rin kami sa wakas sa napaka-ganda naming room... and as usual napaka-ingay nila...
Natigil lang yung ingay nila ng dumating si Mam Social Studies...
*fast forward*
Pagkatapos ng Social Studies namin....
"Ok class...hindi muna tayo mag-lelesson ngayon kasi pag-uusapan natin yung tungkol sa sayaw na ginagawa niyo ngayon..."
*moment of silence*
"Yung sayaw kailangan natin yun sa Team Building and Year-End Party sa Poracay,Resort exactly 3 weeks nalang ang natitira satin...Bale 3 days tayo dun..."
"Yes!! Kainan nanaman to!!"
"The More You Swim, The More You'll Become Nigga!!! Hahaha!!!"
Syempre maingay nanaman and buong klase...
"Tahimik!! Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa Pagkain!!"
Eto nanaman po sila kanya-kanyang sabi na ng gustong baunin...
"Siguro naman makakakain kayo ng mabuti niyan...may gusto pa ba kayong idagdag??"
Hinanap agad ng mata ko yung pizza...
"Mam,Pizza!!!"
"S&R!! S&R!!"-sabay sabay na kaming sinasabi yan...
"Ok Ok!!! Kumalma kayo...so settled na siguro to...sabihin nio sa mga nanay niyo na may meeting sila sa Monday about dito...understand??"
"Yes Mam!!"
"May iba pa kayong gagawin sa Team Building...Merong competition sa kantahan at sayawan...yung sa sayaw.yung mga nagpa-practice na ng sayaw...yung sa kanta sina Hannah na at si Zeion...meron ding competition na dapat lahat kayo mag pa-participate...Ok na??"
"Yes Mam"
"Ok pwede na kayong mag-lunch...yung mga kakanta mag-practice na agad kayo mamaya...Hannah at Zed...Ok??"
"Ok po"-Hannah at Kuya
Nung nakalabas na si Mam...
"Nami!!!!!!!"
"Taena Kuya, Hannah andito lang naman ako naka-buntot oh...ano ba yun ha??"
"Dun tayo sa garden mag-usap usap"
"K"
Nauna na silang naglalakad sakin...Pagdating namin sa garden...maraming students ang nakatingin samin...
Siguro hindi napapansin ni kuya na may tao dito na napaka-talim kung tumingin kay Hannah...
Siya yung babaeng minahal ni kuya pero sinaktan niya si kuya dahil nakita ni kuya na may kasamang iba yung babae...
Hindi ko alam yung pangalan niya pero alam ko ang buong pagka-tao niya...pangalan niya lang talaga ang hindi ko inalam...
Mayaman rin sila pero yung yaman nila talong-talo sa yaman namin...kahit mayaman sila...hindi pa rin ako mapalagay kasi kaya niyang pumatay ng tao because she is a mafia, although mafia rin sina Hannah at kami ni kuya...
Hindi pa pala alam ni kuya at ni Hannah na mga mafia sila... Narinig ko kasi yung mama at papa ni Hannah na nag-uusap about sa pagiging mafia nila...
Tapos yung samin ni kuya...sinabi ni mama at papa sakin... yan din yung dahilan kung bakit nag-training kami...
-------
Hannah's POVHabang pinag-uusapan namin yung about sa pagkanta namin ni Zeion...
Medyo kinakabahan ako kasi si Zeion to oh!!
[Ms.A:Ano naman kung si Zeion yan?]
Wala nevermind at sa susunod Ms.A wag ka ng sasabat...
Basta medyo kinakabahan talaga ako pag kasama ko si Zeion...
"Kayo ang pipili ng kakantahin niyo ah!! Yung sa individual lang ang pipili kayo...pero yung sa duo na kayo...ako na ang pipili...nagkakaintindihan ba tayo??"-Nami
"Bakit kami ang pinili mo??"-sabay nanaman naming sabi ni Zeion...
"Maganda yung mga boses niyo eh!! Mag-lunch na ako...Bye!"
Dahil mabilis naka-takbo si Nami...
"Hannah halika na sabay na tayo mag-lunch..."
"Wala akong gana Zeion"
"Bakit? May sakit ka ba??"-sabay hawak niya sa noo ko...anlapit na rin ng mukha niya sakin
Wooh!! Nag wawala yung puso ko!! Napaparami ata ako ngayon ng kape... Eh! ang huli kong pag-inum ng kape,kahapon ah...
"W-w-wala!! wala!! Busog pa kasi ako!! Medyo marami rin kasi yung kinain ko kaninang break....Sige Zeion...punta muna ako siguro sa computer shop maglalaro...Bye!!"
Hindi ko na narinig yung sinabi ni Zeion...
Pagdating ko sa may gate...may mga babaeng biglang humarang sa harapan ko...
"Excuse po.."
Dadaan na sana ako pero bigla nalang ako hinawakan sa braso nung isa sa mga babae...
"Kung ayaw mong masaktan ate...bitawan mo ako..."-mahinahon kong sinabi sakanya...
"Paano mo naman ako sasaktan?? Maliit ka,mang-aagaw ka pa...
INAGAW MO SAMIN SI ZEION--""HOY BABAE,ALAM MO BA YUNG BUONG KWENTO?? HA?! BAGO KA MAGSALITA NG GANYAN ALAMIN MO MUNA YUNG KWENTO!! TABI NGA!!"
Kesa naman saktan ko talaga siya...Umalis nalang ako dun at nagsimula ng mag-lakad papunta sa Warlords...
------
Yay!!! Isang chapter nanaman ang natapos...
Sorry guys kung bitin...
Guys please leave a vote and comment...Thanks
Kung may tanong po kayo...I-comment nio na lang po yung tanong nio...
|Jhoros|
BINABASA MO ANG
Mr.LoL Player vs. Ms. DOTA Player
Teen FictionSi Adeleine Hannah Rhose Icon ang pinaka magaling mag DOTA sa Springfield University...Siya yung babaeng masungit at hindi maganda magsalita pero magalang lagi sa mga nakakatanda... Paano kung lumipat siya sa Crystal Academy at makilala ang masungit...