Election

67 2 2
                                    

Hannah's POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos nung Face-off namin ni Zeion...wala namang masyadong magandang nangyari this past months...

Ngayon nakapila kami dito sa labas ng room para daw sa sitting arrangement...masyadong daw kasi kaming maingay kaya kailagan paglayo-layuin yung mga maiingay...

Syempre inuna na si Anne dahil siya yung pinakamaliit (a.n. Sa LoL si Annie ay Annie [The Dark Child])

Tapos sa dulo si Cassia (a.n. ulit...Si Cassia naman sa LoL ay si Cassiopeia [The Serpent's Embrace])

Katapat ko ngayon si Ezekiel...medyo nasa harapan si Shan at katapat niya ngayon yung kalaro niya,si Nami...ang laro nila Taguan ng Feelings...

Ngayon turn ko na at napunta ako dun sa gitnang row sa dulo ng right side...para maintindihan niyo...

Board

- - - - - - - - - -
- - - |- - - - - -
- - - - - - - - - =

Yung may line na patayo dun ako pinwesto ni Mam...at least mahangin sa pwesto ko...

Kaso nung turn na ng boys...Pinatabi naman sakin ni Mam si Zeion...Tae naman mam,bakit katabi ko pa tong mayabang na to...Si Nami naman dun sa pinakadulo as in...dun sa may equal sign...

"Ok class siguro naman kilala niyo na ang bawat isa at napapansin niyo naman na wala pa tayong classroom officers diba, so mag-eelect muna tayo ng classroom officers..."

Sabay hiyaw ng buong klase...

"Ok quiet!!! Let's start with President of course...Ang ating rule is kung sino yung pinakamataas na boto siya yung president syempre at yung pangalawang may pinakamataas na boto siya naman yung vice president...Ok ba??"

Sumang-ayon naman kami...

"Who would like to volunteer to nominate his/her classmate??" Biglang nagtaas ng kamay si Nami

"I respectfully nominate Adeleine Hannah Rhoda Icon for being the President of this class."

"Ok Hannah is now nominated" Pagtapos na pagtapos ni mam sabihin yun,biglang nagtaas na kamay si Shan...

"I nominate of course the King of LoL Zeion Donovan"

"Yon naman!!"-Mga boys yan

"Ok,may gusto pa bang mag nominate??"-Mam

Antahimik ng klase...First time to mangyari...

"Siguro naman wala na kayong inonominate dahil tahimik na kayo...Ok Hannah at Zeion lapit kayo...mag-speech muna kayo..."

Ay meganon...May campaign chu chu pa...

Wala na kaming nagawa ni Zeion at pumunta na kami sa harap ni Mdm...pero kaming tatlo lang ang nag-uusap

"Alam niyo bagay kayo..."-Mam... Kinilabutan tuloy ako sa sinabi ni mam

"Talaga Mam??" Sabay akbay sakin ni Zeion

"Hoy Zeion sabi ni mam kakausapin kayo hindi tsatsansingan si Hannah"-Ezekiel

"Hoy Zeion bitawan mo na yan sasabog na yung mukha niya sa sobrang pula!!"-Shan

Ano?! Namumula Ako?? Medyo nailang na tuloy ako kaya tinanggal ko na yung kamay niya na naka-akbay sakin...

"So ganun na nga mag-speech kayo...alam niyo naman na siguro yun tapos dahil kayo ang magiging President at Vice President kailangan niyo laging mag kasama dahil sa mga projects na ibibigay ko sa inyo with of course the secretary, Ok??"

Mr.LoL Player vs. Ms. DOTA PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon