Araw-Araw

10 1 0
                                    

Araw-Araw by: ANDB798

Nakatago't nakikiusap,
Sa aking ina't ama,
Nang aking malasap,
Ang saya't ligaya kasama siya.

"Aking sinta, ako'y nangungulila",
Sambit sa liham mula sa kaniya.
Lumohod man o magmakaawa,
Hindi ko parin makukuha ang kanilang pasya.

Araw-araw ang nalipas,
Humiling man ng bukas,
Pipiliin parin hanggang sa wakas,
Ikaw na gusto dumating man sa itaas.

____
123122-010123

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon