Salamin

28 2 3
                                    

Salamin by: ANDB798

Nakaharap sa sarili,
Nagtataka bakit ako'y hindi mapili.
Sadya bang ganito nalang?
Sadya bang sa sarili nalang titingin, haharap?

Salamin,
Portal sa ibang dimensyon.
Kaharap kakambal sa isang direksyon,
Na nagbigay liwanag saking imahinasyon.

Imahinasyon na ginawang realidad ng mga tao,
Tao na nagulo,
Nagulo dahil sa malupit na mundo,
Na naging dahilan kung bakit pangarap ko'y naglaho.

Sa harap ng salamin nakikita aking sarili,
Aking sarili na durog at malapit ng maglaho.
Napapasabi kung anong mundo ito,
Na kahit sarili ko'y hindi ko makilala kung sino.

Hay salamin,
Maari mo bang kuhanin aking replica at ipalit dito.
Nakakapagod mga pamumuno sa aking mundo,
Nakakapagod dahil kahit ibang tao'y nasira nito.

Siguro diyan sa ibang dimensyon,
Makikita ko ang halaga ko,
Na kahit mga tao ay mapapasabi ng ano.
Salamin, kuhanin mo na ako.

072122

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon