High School
ETHAN POV
[Dre! Punta ka daw dito sa abandonadog bahay, dun sa likod ng Luciano] Sabi ni Andrei.
Agad kong pinaandar ang motor ko dahil baka kung anong gulo na naman ang pinasok ng tatlo, may sementeryo dito bago pa makapunta dun sa sinasabi ni Andrei, pinaandar ko nalang hanggang sa makarating ako.
May mga naririnig akong sigawan sa loob pero hindi ko alam kung anong dahilan, naipasa kay Lance ang pagiging leader ng Miana dahil namatay 'yung dating leader kaya siya nalang ang pumalit at desisyon din ng mga ibang tauhan nung dati.
Pagkapasok ko nakita ko si Lance na naupo at nakangisi habang pinapanood ang mga lalaking pinapalo ng malalim at matatabang kahoy, nangyari saamin 'yan kaya kami nakapasok, pinilit kong hindi natumba dati para mabantayan ko lang itong Lance na ito.
"Dre tagal mo! Kanina pa kami nanonood dito" bungad sakin ni Jake.
"May ginawa pa ako—"
"Puro ka nalang kasi assignment" pagpuputol sakin ni Lance.
"Malapit na exam natin ng first grading tapos ganito lang pinaggagawa niyo" sermon ko.
"Eh ano naman paki mo!" Sigaw niya at dun lang natigil ang lahat sa mga ginagawa nila. "Saka amin ang Valdez high kaya kung babagsak ako wala silang magagawa kundi patataasin nila grado ko!" Sigaw padin niya at unti unting lumapit sakin.
"Tch" natatawang singhal ko. "Naging leader ka lang pero hindi ka malakas, naging leader ka lang dahil Ikaw lang ang pumalit sa patay na leader nila" turo ko sa mga kasamahan natin.
"Ano sabi mo!" Sigaw niya at sinapak ako.
Napaupo ako sa lakas ng sapak niya, nang sasapakin pa niya ang sinipa ko ang tyan niya para doon siya mapahiga, tumayo ako at ganun din siya, umamba siyang sasapakin pa ulit ako pero umilag ako, may mga ingay na mukhang nagpapahiwatig na magaway na talaga kami.
"Kay Ethan ako!"
"Basta kay Lance ako!"
"1k sakin basta kay Lance ako!"
"5k sakin kay Ethan! Malakas 'yan!"
"Go Ethan!"
"Wooooohhh Lance patumbahin mo nayan!"
Sigawan nila at tuluyan na nga kaming nagaway, sasapakin niya ako pero umilag ako, umikot ang katawan ko habang hawak ang pulsuhan niya at ng nasa likod na niya ako doon ko siya sinipa sa likuran, agad naman siyang tinulungan ai Jake para mailayo at si Andrei ang nakahawak sakin para tumigil ako sa pagataki.
"Ako parin ang leader mo kaya huwag kang magmayabang" dinig kong sabi habang nagpupunas ng labi na may sariling dugo.
"Kung ganyan lang naman mga pinaggagawa mo, masisira tayo" pagbabanta ko at kinuha ko nalang ang jacket ko saka umalis.
Napahinto lang ako ng bigla itong nagsalita.
"Edi sige! Magkasira kung magkakasira pakialam ko! Mahinang nilalang!" Sigaw niya.
Nang marinig ko ang sinabi niya tuluyan na akong naglakad palabas ng lungga na ito, paandarin ko na sana ang motor ko pero bigla kong narinig boses ni Jake at Andrei.
"Hoy Dre! Iiwan mo kami dito!" Sigaw ni Andrei at hingal itong huminto sa harap ko.
Iniangat ko ang takip ng helmet ko saka sila tinignan. "Diba mas gusto niyo dun sa ugok nayun"
"Hoy hindi ah! Kaya lang naman kami naging parti ng Miana dahil sayo" agad na sabi ni Jake.
Pumunta sila sa mga motor nila at umalis na kami, pumunta kami ng bahay nila Jake dahil gagamutin daw muna namin nga sugat namin, pero pagdating namin sa bahay nila Jake nakita naming nakaupo si Katelyn kasama ang Mommy ni Jake.
YOU ARE READING
Stuck With Each Other (Oneirataxia Series #2)
RomanceSWEO: Camille Yvone Alcantara Ethan Tyler Villanueva Camille Alcantara, the woman who is pure beauty and kaartehan sa katawan, but when it's time of sadness she's there to help you, future by her two dreams, first is modeling and last being a lawyer...