Familiar stuffETHAN POV
Pagkadating ko sa bahay nahiga nalang ako at napangiti dahil ngayong araw mukhang magiging busy ako, biglankong naalala mga pinagsasabi ng Mommy ni Camille kanina habang kumakain ako, boyfriend pala ah.
*Flashback
"Tapos kana kumain?" Tanong niya.
"Yes" saka tumayo dahil anong oras na baka mapagalitan pa ako kapag umuwi ako ng gabi na.
"Gusto mo.... Punta muna tayo sa kwarto ko–i mean" inayos niya ang buhok niya at nilagay ito sa likod ng tenga niya. "Pupunta tayo dun kasi may sasbaihin ako" panlilinaw niya at tumango ako.
Sumunod lang ako sakanya hanggang sa masalubong namin Kuya ni Hannah at sakto namang lumabas si Hannah sa kwarto yata niya.
"Kaylangan kapa nakalabas?" Tanong niya kay Hannah.
"Kanina lang" napakunot ang noo niya ng mapunta ang tingin sakin. "Ginagawa mo dito?"
"Siya? Ahmmm bisita ko siya kaya huwag kang ano diyan" tumango lang si Hannah at umalis na.
Napatingin ako sakanya at nahihirapan padin siyang maglakad, may tungkod siya at mukhang napuruhan yata kahapon sa paghahampas sakanya o ano.
"Bakit niyo pinalabas 'yun Kuya, madaming na damage katawan niya!"
"Pinilit niya kaya walang choice sila Dad kundi ilabas pinsan mo, kilala mo naman si Hannah, ayaw niyang pumupunta sa hospital"
"Sabagay, Sige babye na" nagpaalam siya sa kuya ni Hannah at hinila ako papunta sa kwarto niya.
Bakit ba ang hilig nilang manghila.
Pagkapasok namin andun narin mga stuff toy na nakuha namin sa amusement park, umupo ako ng sofa dahil magbibihis lang daw siya, napatingin ako sa kama niya at puro unan liban sa stuff toy na mukhang familiar sakin, may kamukha siya pero baka kamukha lang.
Pagkatingin ko sa pinasukan si Camille nakapangbahay na siya, tumayo ako at lumapit naman siya.
"Kanino galing 'yun?" Turo ko sa stuff toy na sa kama niya.
"Ahh binigay lang 'yan ni Hannah sakin, premyo niya daw sa baril baril–basta ewan binigay niya lang sakin 'yan, Teka bakit mo nga pala natanong?"
"Nothing, it looks familiar lang" tumango naman ito ang ang bibig niya ay nakanganga, napangisi naman ako dahil pagkatapos niyang tumango tango ngumiti ito at lumubo ang pisngi niya.
Kahit hindi niya pakita ang ngipin niya kapag nakangiti ito ang ganda padin niya, hindi ko namamalayang napahawak na ako sa buhok niya at hinihimas himas ito, napayakap siya sakin at bulong.
"Sana huwag mo kong sasaktan ha"
"What?" Tumingin siya sakin at medyo naluluha na siya.
"Huwag mo kong sasaktan, ayokong mangyari 'yung dati"
*End of Flashback
Hindi niya pinatapos ang sinabi niya dahil ayaw niya na daw pagusapan at doon ako mabigyan ng isipin pero ang ganda padin niya. Napatayo ako at nagexecise para matanggal ang kilig sa katawan ko, huminto ako pero naisip ko ulit kaya tumakbo takbo maman ako sa sulok ng kwarto ko. Napatigil lang ako ng may bumato sa ulo ko.
"Da—" napatigil ako dahil nakita ko mga kaibigan Kong natatawang pinapanood ako. "What are you guys doing here?" Tanong ko pero tumawa lang sila at naghigh five pa si Andrei at Jake, then ang dalawa naman ganun din ang ginawa, tapos itong labas nakacross arm at tumatawa. Kinuha ko ang unan sa sofa ko at binato sakanila.
YOU ARE READING
Stuck With Each Other (Oneirataxia Series #2)
Roman d'amourSWEO: Camille Yvone Alcantara Ethan Tyler Villanueva Camille Alcantara, the woman who is pure beauty and kaartehan sa katawan, but when it's time of sadness she's there to help you, future by her two dreams, first is modeling and last being a lawyer...