09

118 2 0
                                    

Mask ball...

ETHAN POV

Ilang araw ang nakalipas at nagfocus nalang ako sa mga acads ko, wala naman silang pinapagawa saaming mga assignment pero nagbabasa padin ako.

"Anak be prepared, mali-late kana niyan" bungad sakin ni Mom.

Bumuntong hininga nalang ako at nag-ayos na ako para sa mask ball, nagpaalam na ako sakanila pagkatapos at ay pumunta na ako kay Lance, nagdoor bell ako sa main door nila at pinagbukasan naman ako ni Ate Louise.

"Si Lance nasa taas pa, pasukin mo nalang" utos niya pero hindi ko ginawa.

Naghintay nalang ako dito sa sofa kasama si Ate Louise, may ginagawa siya kaya hindi ko kayang istorbohin ito, Maya-maya pa ay bumababa narin si Lance kasama si Liam.

Nagusap muna kami saglit at pumunta na, kumanan si Lance dahil susunduin pa niya si Stella, pagkarating namin sa Campus may mga ilaw at music narin, si Katelyn at si Liam ang nagasikaso nito kasama nila ang mga ibang ssg officer, napatingin kami ng tawagin kami ni Anthony.

Naka-mask narin siya pero tinggal niya lang ito ng makalapit saamin, Wala padin kaming mask kaya sure na makikilala niya kami, kadadating rin ni Katelyn kasama si Jake, pumasok na kami sa loob at umupo narin kami, nakarating narin si Lance kasama si Stella kaya nasiupo narin kami, napatingin ako sa entrance ng may biglang pumasok.

Naka-off shoulder blue dress ito at nakalugay ang buhok, may mask narin ito at hindi ko mamukhaan, hindi ko nalang ito pinansin at magtingin tingin nalang kung saan mapupunta ang mata ko, nagsimula ang event at nakaupo lang ako.

May mga nagsasayaw narin sa gitna ng sumunod na music dahil romantic din naman ito, may pinakilala pang visitor at maghahanap daw ito ng kapartner niya, hindi ako interesado kaya lumabas nalang ako, pagkalabas ko biglang may bumungo na naman sakin.

Hanggang kaylan ba ako tatantanan sa kakabunggo sakin.

Kunot noo akong tumingin sakanya at nakatingin lang din ito sakin, hindi ko mahalata ang mukha niya pero nakadress lang din ito.

"Hey titignan mo lang ba ako?" Tanong niya.

"No" supladong sagot ko.

"Well Ikaw lang naman ang una kong nakitang naka-suit, pwede naman sigurong Ikaw nalang maging partner ko" kangisi nitong sabi.

Wala rin naman sigurong mawawala sakin kapag pumayag ako.

"Fine"

Pumasok na kami at hinintay lang namin na matapos ang kanta saka kami pumagitna, sumayaw sayaw lang kami at nakatingin lang din ako sakanya.

"You know what, magsmile ka kaya, gwapo mo kaya kahit may takip around ng mata mo, tapos nakabusangot ka"

"Can you please stop complementing my face, iiwan kita dito sa gitna" seryosong sabi ko.

"Sungit mo naman, but that's my type" nakangising sabi niya at hinawakan pa ang baba ko.

Napairap nalang ako at tinapos ang sayaw namin, hinatid ko siya sa stage dahil doon daw siya uupo, bumalik ako sa pwesto namin at napansin kong wala si Lance dito, Sabi naman ni Jake umalis daw titignan lang 'yung buwan.

Iba rin trip ng isang 'yun.

Natapos ang speech nung babaeng nakasayaw ko at nagdesisyon kaming hanapin si Lance, pagkalabas namin nakita pa namin sila Katelyn kasama 'yung tatlo, bago nilang kaibigan si Rye tapos si Hannah.

"Hoy ano na, malilintikan sakin 'yung babaeng 'yun!" Dinig kong sigaw ni Rye.

"Hoy anyari sainyo?" Tanong ni Andrei.

Stuck With Each Other (Oneirataxia Series #2)Where stories live. Discover now