After ng kasal na naganap sa Paris wala kaming ginawa kundi ang magtrabaho, si Camille sa firm at ako naman sa hospital.
"Diba 'yun nga plano! Kulit naman neto!" Sigaw ni Lance kay Jake.
"Baka nakakalimutan mong engineer ako" sabay turo sa sarili.
Napasapo nalang ako ng noo dahil hindi ko alam kung bakit ko pa sila dinala dito.
"Ano give up kana sakanila?" Bulong sakin ni Anthony.
"I don't know.... Maybe" pabalik kong bulong t narinig ko siyang tumawa.
Fuck this two shit.
"Kung punitin niyo nalang kaya 'yan! Pinagagagawa niyo pa!" Sigaw ni Katelyn.
Thank God dahil andito siya, hindi ko alma sa sarili ko pero simula ng nagkaasawa ako at may anak naninipis na ang pasensya ko, buti nalang hindi napupunta pati sa trabaho ko.
"Kung ako sayo Dre, pagawa ka ng mansion, 'yung malaki para kung magaway kami ni Danica pwede akong makitulog sainyo tutal malapit lang naman bahay niyo at na sa iisang village tayo"
"Shut up!" Sigaw ko sakanya.
"Kalmahan mo lang, baka madagdagan pa pasyente mo" pagbabanta naman nitong Anthony.
Naging busy na kaming dalawa sa trabaho namin pero magkakaroon naman kami ng time para sa baby namin, kada umaalis kami kay Hannah namin iniiwan ito or pwede din naman sa ibang kaibigan namin.
Akala ko madaling magkaroon ng anak pero mahirap pala dahil oras-oras mo siyang iniisip kung kumain naba or nakatulog ng maayos, Ilang araw or Minsan sumasakit pa ang dalawang linggo bago ako nakakauwi.
Ngayon pilit akong pinapabasa ng anak ko, sobrang late na at around 12 o'clock na. May pupuntahan pa kami at alam kong hindi siya magising sa exact time pero wala akong magawa kundi basahan siya ng story.
"And their happily ever after, sleep now baby, maaga pa tayo bukas, remember bibisitahin narin sila Kuya Ciel" hinahaplos ko ang noo niya at tumango padin ito kahit inaantok na.
Halos Ilang hikab ang ginawa ko para hindi siya matulugan pero gising pa mga mata niya.
Bakit ko ba ka siya pinatulog ng hapon, ayaw na tuloy matulog.
"Pero Daddy gusto ko pa po ng story, pleaseeee" nagpuppy eyes pa.
"No baby, bukas nalang dahil si Tito Lance naman ang magbabasa for you" kangiti kong sabi habang hinahaplos ang noo niya.
"Pero Daddy sayo ko po gusto—"
"Baby, hindi pwede, next time nalang dahil anong oras na oh" tumango nalang siya at pumikit.
Nang makatulog ang anak ko hinalikan ko nalang siya sa noo at kinumutan ng maayos, lumabas ako ng dahan dahan sa kwarto niya para makatulog na ng maaga. Habang naglalakad ako ng hallway bigla namang tumawag itong Jake.
"Hello?"
[Hello Dre, good news!]
"What's is it?" Bored kong tanong.
[Hannah's pregnant again, tibay talaga ni Lance nakadalawa na] malokong boses na sabi niya.
"And so? Pupunta kami bukas dun"
[Ay shit, baka sasabihin din nila sainyo, ay oo nga pala bago ko pa makalimutan huwag mo munang sabihin kay Cy, tayo palang mga boys ang nakakaalam]
"Okay, noted" then pinatay ko na ang cellphone ko.
Wala na akong iniisip kundi pamilya at trabaho nalang, bukod sa gastusin sa bahay ang umuubos ng pera ko, ginagamit din minsan ni Cy ang card ko.
Hindi ko alam, may card din naman siya pero sakin hinihiram pero seyempre wala naman akong reklamo dahil asawa ko nga.
YOU ARE READING
Stuck With Each Other (Oneirataxia Series #2)
RomanceSWEO: Camille Yvone Alcantara Ethan Tyler Villanueva Camille Alcantara, the woman who is pure beauty and kaartehan sa katawan, but when it's time of sadness she's there to help you, future by her two dreams, first is modeling and last being a lawyer...