CHAPTER 11

27 16 8
                                    

Lunch

Gaya ng gusto naming mangyari ay nag-enjoy kami hanggang sa huling araw namin sa resort. Sumali kami sa iba't-ibang activities. Naikot din namin ang buong lugar. At syempre hindi makakalimutan ang souvenirs.

Bago kami umuwi ay dumaan kami sa isang pamilihan ng souvenir. May nakita akong bracelet na kumuha ng atensyon ko. Simple lang ito pero gawa sa shells na sigurado akong dito din sa tabing-dagat galing.

Halos lahat ng nabili namin ay mga gamit na gawa sa bato o ano mang galing sa dagat.

Nagkasabay din kami nila August sa pamimili. Ayon sa kanya ay kahapon pa sana sila uuwi kaso dahil nagkita kami dito ay napagdesisyonan nalang nilang mag-extend na din para magkasabay nalang kami.

Kasalukuyan kaming nagbabyahe, nakasunod lang yung sasakyan nilang magkakaibigan sa akin.

From Buwan:
Let's have a lunch tomorrow?

Yes we exchange number, mas madali daw kasi kung sa ganitong paraan kami mag-uusap kesa sa app kung saan kami nagkakilala

"Sure", I replied

Dahil mahaba pa naman ang byahe at dahil na din sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayang nakatulog ako.

•••••

Nagising ako dahil sa isang tapik. Inaantok kong inikot ang aking paningin. Kasalukuyan pala kaming nasa gitna ng traffic. Napansin ko din na hindi na si Dad yung nagmamaneho. Siguro ay napagod na ito kaya si kuya naman ang pumalit.

Nagsuot lang ako ng earphones para makinig ng kung anong music habang nakatingin sa aming dinaraanan nang umusad ang traffic.

Una naming nihatid ay ang tatlo kong kaibigan na himala ay kanina pa tahimik.

Nang makarating sa mansion ay agad akong nahiga sa kwarto ko para matulog ulit dahil inaantok pa din ako hanggang ngayon. Napagdesisyonan kong dito na muna tumira kahit ilang araw lang.

Nagising ako dahil sa katok na aking narinig.

"Babygirl kakain na", I heard. Si kuya lang pala.

I check kung anong oras na. Alas-siete na pala ng gabi , siguradong nakahanda na talaga yung hapunan. Naghilamos at nagsuklay lang ako bago lumabas para magmukha naman ako presentable kaysa sa mukha ko kaninang kakagising pa, may mga muta at dugyot pa tignan.

Natagpuan ko sila mom na naghahanda ng mga pagkain kasama ang ibang kasambahay.

I greeted them "good evening" and they respond too.

We prayed before having a dinner.

Pagkatapos kumain ay agad akong nagpaalam na umakyat sa kwarto.

From Buwan:
Hindi ka umuwi sa condo?

I check the time kung anong oras dumating yung message na iyon. 5pm, siguro ay napansin niyang wala pa din ako doon.

I replied "No sa mansion ako dumiretso, baka dito muna ako magstay for a week I think."

Kinabukasan ay nasa mood akong pumasok sa shop. Hindi mawala yung ngito ko.

Energy ko silang binati ng good morning.

I smiled as I welcome our first customer.

According to him ay balak daw nitong magpropose sa kaniyang kasintahan.

"We have a red and white rose here sir. It's all fresh, kakadeliver lang. I'm sure magugustuhan toh ng girlfriend nyo", I said

"Okay give a bouquet of that, pwede ba icombined yang dalawang kulay?"

"Yes sir, wait I'll be back aayusin ko lang", paalam ko

Pagkatapos ay inabot ko ito sakanya. Nagpasalamat ako nang binigyan niya kami ng konting tip.

"Hoping that she will say yes sir. Goodluck po."

Ngumiti lamang ito bago umalis.

"Miss S may tumatawag po", sabi ni Cara sabay abot ng cellphone ko. I smiled and mouthed thank you.

I check if who's the caller, it's August. Bakit kaya?

"Hey Tsokolate don't forget our lunch later"

"Lunch?"

"Yes lunch, we talk about it yesterday remember?"

"Yeah right, sorry masyado akong naoccupied sa work kanina kaya medyo nakalimutan ko. Saan tayo magkikita?"

"Susunduin nalang kita mamaya"

"Pero"

"No more buts, gonna end this bye", he said before ending the call.

Paano niya ako masusundo kung hindi niya alam kung nasaan itong shop ko? Bahala siya jan.

Nakaupo lang ako dito sa loob ng opisina para magpahinga ng konti ng may marinig akong katok.

"Come in"

"Miss S may naghahanap po sainyo sa labas*, Cara said

"Sino?", nalilito kong tanong

"Hindi po sinabi eh"

Pinaexplain ko sakaniya kung ano ang mukha ng tinutukoy niya.

"Matangkad po na moreno tapos berde po yung mata ma'am, manliligaw nyo po ata?"

Bigla naman akong napailing. Sinabihan ko siyang mauna sa labas at susunod nalang ako.

Based sa paglalarawan niya, malinaw na si August yung tinutukoy niya. Oo nga pala may lunch kami, hindi ko namalayan yung oras. Nag-ayos lang ako ng konti bago lumabas.

He's wearing a simple polo and pants. Mukhang galing din ito sa opisina.

Napagpasyahan namin na gamitin nalang ang sasakyan niya.

Dinala niya ako sa isang simpleng kainan. I'm expecting him to bring me to an expensive restaurant.

"Bakit dito?", tanong ko sakanya

"Ayaw mo ba? Cge lipat nalang tayo", nag-aalinlangan niyang sabi.

"No gusto ko, hindi ko lang expect na kumakain ka pala sa ganitong kainan."

"Actually I don't know if anong gusto mo kaya I ask your kuya. According to him mahilig ka sa simple Filipino food then ayaw mo daw sa restaurant kase masyadong maarte yung mga kumakain kaya naisip ko ditp nalang", nahihiya nitong paliwag habang yung kamay niya ay nasa kaniyang batok na ani moy nahihiya. Kahit moreno ito ay napansin ko pa din ang pamumula ng tenga nito.

Nag-order kami ng iba't-ibang potahe gaya ng sinigang at adobo na pareho pala naming paburito.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Hindi alintana ang mga tingin ng iba. Ngayon lang siguro sila nakakita ng negosyanteng sa ganitong lugar kumakain. Kahit ako din naman. Kung titignan si August ay mukha talaga siyang mayaman kahit sobrang simple lang ng suot niya. Kahit basahan ata yung suotin niya ay maganda pa din tignan sakaniya.

Pagkatapos ay pumunta kami sa park na palagi kong pinupuntahan. Gaya ng dati ay madami pa din yung tao sa buong lugar.

Inaya ko siya bumili ng ice cream saka umupo sa isang bakanteng bench.

Nang napalingon ako sakanya ay hindi ko mapigilang matawa. Ang kalat niya kumain.

"Oh bat ka natatawa?"

Nginuso ko yung mukha niya.

"Gusto mo ng kiss? Ikaw ah"

Inabot ko yung mukha niya para punasan. Ramdam ko din yung paninigas niya dahil sa hindi inaasahan ang ginagawa ko.

"Hoiii halika na", sabi ko sabay tapik sakanya

InstallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon