CHAPTER 20

19 12 3
                                    

Game

Bigla nalang may sunod-sunod na notification na dumating sa twitter ko.

Mr. Montero and an anonymous lady caught in camera hugging? Are they couple?

@krix_ei
Yasss I see them earlier, they're so sweet

@lshs_yeh
They're both cute, the famous Mr. Montero even pouts earlier

Ano nanaman to? Lumabas ang litrato namin, ito yung nagbackhug si August kanina. Ang bilis naman nila. Ganon ba kabilis yung mga alagad nitong lalaking to? And what did they say, famous? Aside from being a CEO, ano ka ba talaga August. Nakakapag-overthink naman.

I'm expecting this reunion to be boring pero mukhang nagkamali ata ako. They prepared random games and they even hosted a short program.

Kasalukuyan nila akong kinukulit na sumali sa "apple eating" activity and of course it's by pair. Some of my batchmates are with August, inaaya din nila ito.

"I'll join if Shey will join too. I want her to be my partner, not that random girls.", he said

"Sheyyy sige na, pair kayo ni August. Sige ka kapag hindi ka sumali ibang babae magiging partner niyan", pamimilit ni Reisse

As if I'll allow them.

"Fine I'll join", I give up

"So are you all ready?", the host energetically ask. We all answered yes.

Pinapwesto nila kami sa gitna. Kaniya-kaniyang pair ay may apple na kakainin, nakasabit pa ito. According to the mechanics, the pair has one apple. It means share kami sa isang apple hanggang maubos namin yon and yes paunahan, yung mauuna sila yung mananalo.

Need din daw nasa likod yung kamay namin dahil bawal hawakan ang apple.

The host signal us to start.

Agad naman akong kumagat sa mansanas. Take note sabay talaga kaming dalawa. Mabuti nalang it's my favorite fruit. Hindi na ako nahihirapan.

Kagaya ko ay parang desidido din si August na manalo. Mabilis ang paggalaw naming dalawa.

Isang kagat nalang sana nang bigla nalang nalaglag ang mansanas na natira. Parang biglang nagslowmo ang paligid. Napalaki ang mata ko, ganoon din ang sa kaniya. Sa hindi inaasahan ay biglang naglapat ang aming mga labi.

"And we have a winner", nabalik kami sa diwa dahil sa host

"Sorry", sabay naming sambit "No, hindi naman sadya", I smiled at him.

Sabay kaming bumalik sa cottage namin na para bang walang nangyari.

"Navideo ko yon, omg", bungad ni Reisse sa amin. Pahina pa ng pahina ang boses niya habang sinasabi yon. Mukhang hinde pa siya nabalik sa tamang wisyo dahil sa nakita kanina.

"Hindi ko nakita kanina, patingin ako", pagmamaktol ni Scarlet sabay agaw sa cellphone na hawak ni Reisse.

Habang nag-aagawan ang dalawa ay nakangisi namang nakatingin sa amin si Grei. Minsan nagtataka talaga ako kung bading to eh, parang lalaki kase umasta. Well nevermind kapag lalaki yung usapan kase active talaga to.

Nilagpasan ko sila sabay upo sa pwesto ko. Ang dami ng nakahain sa mesa, halatang pinaghandaan talaga. Almost all of it are sea foods. Una kong kinuha ang lobster, mukha kaseng masarap tignan.

Nakikita ko yung iba na nag-iihaw ng isda na sa tingin ko ay dito lang din nahuli. Fresh from the sea nga ika nila.

Patuloy pa din ang pagpapalaro nila, hindi na ako sumali. Buti nalang at hindi na sila namilit. I look at August who's smiling while watching them. Nilapitan ko siya.

InstallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon