Unexpected
Back then, I can't see my self being in a relationship. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng special someone gaya ng iba. Kontento na ako na ako lang mag-isa, may supportive parents at kapatid.
Hindi ko ini-expect na mararanasan kong kiligin. Diring diri pa ako sa mga ganyan dati. I'm not watching romance movies din. I'm not that bitter pero gusto ko talaga maging single habang buhay.
Not until I met him, kung naiinis ako kay Reisse dati dahil sa pag-install niya ng app na yon ngayon naman ay parang gusto ko siyang pasalamatan ng sobra.
August and I has been inrelationship for more than 1 year. Ang bilis ng panahon, andito pa din sakin yung saya. Naranasan kong ngumiti araw-araw and he's one of the reason.
He makes me feel special, kung gaano siya kasweet at clingy dati ay mas lalo naman ngayon.
I miss him. He's currently out of town because of business matters. We are having a video call everynight pero nagtataka ako kung bakit hindi siya nagparamdam this past 2 days. Kahit text ay wala akong natanggap mula sakaniya. Next week pa ang uwi niya kaya it's impossible na nasa byahe siya.
I'm totally bored, pabalik balik lang sa unit at sa shop yung ginagawa ko everyday. Talagang walang pinagbago. I'm happy na mas lumago yung business ko, may ibang branches na yung shop namin in different places.
Kasalukuyan akong nakatambay dito sa unit ko. Kakagising ko lang ilang oras lang ang nakalipas. Trip ko lang magmukmok ngayon, katamad gumalaw.
Napabalikwas ako ng may pumasok sa kwarto.
"Anong ginagawa nyo dito? Paano kayo nakapasok?", gulat na tanong ko sa dalawa
"Kase hawak namin yung susi", sagot ni Scarlet
"Binuksan namin yung pinto", sarkastikong sagot ni Grei
Nasaan yung isa, bakit wala ata si Reisse.
Nakakapagtaka, ano bang meron? Pareho silang nakasuot ng formal. Scarlet is wearing a peach colored dress while Grei is wearing a tuxedo.
May party ba silang pupuntahan?
"Saang party naman kayo pupunta?', takang tanong ko sa dalawa
"Tanga, kasal ni Reisse at Genesis ngayon. Hindi ka informed?", daldal ni Scarlet
"Sasabihan ko si Reisse mamaya f.o agad kayo", Grei
Mapapamura ata ako seryoso? Bakit hindi ko alam? Yes naging sila months after maging kami ni August. Pero ikakasal na sila at bakit ngayon lang nila sinabi.
"Mukha ba kaming nagbibiro? Maligo ka na doon", tulak nila sa akin
Tulala ako habang naliligo. Sila? Ikakasal?
"Shey ang tagal mo mahuhuli tayo nito eh", muntik na ako mapatalon sa gulat dahil sa sigaw mula sa labas. Ang tinis talaga ng boses ni Scarlet kahit kailan.
Dahil nagmamadali sila ay binilisan ko na din yung paggalaw ko.
Kasalanan ko bang hindi nila sinabi ng mas maaga. Seriously on the spot?
Nang makalabas ako ay agad nila ulit akong hinila. Mabuti nalang at nakatube na ako at nakasuot ng mga damit panloob. Paano nalang kung nakatwalya lang edi nakita yung hindi dapat makita. Nakakainis naman.
Maya maya pa ay may pumasok na dalawang lalaki, well not sure mukhang pusong babae din 'tong mga to eh. May dala silang kit at box. Nang buksan nila ito ay halos lumuwa ang mata ko ng isang make-up kit at white long dress ang laman non.
"Hoiii mga beh ano ba ang theme ng wedding bakit white yung sa akin tapos yung sainyo peach?", tanong ko sa dalawang kaibigan ko
"Favoritism kase beh, mas mahal ka kahit makakalimutin ka", Scarlet
Sinimulan nilang ayusan ako. I suggested na gawing light lang, ayaw ko naman na magmukhang sinampal mamaya.
Inabot ata kami ng halos isang oras dahil panay yung reklamo at paalala ko sa dalawang nag-aayos sa akin. Kung hindi lang siguro sila binabayaran baka nahampas na nila ako dahil sa inis.
Napalingon ako sa dalawa na prenteng nakaupo sa kama ko. Parang kanina lang minamadali nila ako kesyo late na daw kami pero ngayon parang wala silang hinahabol na oras.
Parang tuwang tuwa pa sila na nataranta ako kanina.
Sinuot ko ang white dress kanina. Parang customize yung designs nito. Maganda yung silk na gamit, hindi makati sa katawan. Kahit yung size ay saktong sakto lang sa akin.
Lumapit ako sa salamin to see what I look like. Hindi sa pagmamayabang pero bumagay ito sa akin, nagustuhan ko din yung outcome ng ginawa ng dalawang make-up artist sa pagmumukha ko.
Tinawag ko ang dalawa para itanong kung anong oras mag-uumpisa ang kasal.
"Hali ka na, tayo nalang daw yung hinihintay.", Scarlet
I said thank you sa dalawa before I bid my goodbye. Sumunod ako sa mga kaibigan ko na naunang naglalakad.
Pansin ko yung tinginan ng mga tao ng makarating kami sa lobby. Sino ba naman yung hindi magtataka kung ganito yung suot naming tatlo.
Nang makalabas ay isang wedding car ang sumundo sa amin. Nauna na akong sumakay dahil yung dalawa ay parang busy pa sa kausap nila sa call. Mukhang hinihintay na talaga kami sa simbahan.
Pagkarating namin sa mismong simbahan ay sinalubong kami ng isang hindi ko kilalang babae. Parang may inuutos pa ito sa mga kasama kaya I assumed na isa siya sa wedding organizers.
Nakalinya na yung mga abay, flower girl at ring bearer dito sa labas. Kahit anong oras ay ready na sila.
Sa dulo ay natagpuan namin si Reisse, she's wearing a long dress gaya ng suot ni Scarlet. I thought siya yung bride? Bakit pareho sila ng suot?
Nakakasakit ng ulo mag-isip nevermind na nga lang.
Nang mag-umpisa na ang ceremony ay dahan dahan na silang pumasok sa loob. Susunod na sana ako pero pinigilan ako ng mga organizers.
"Congrats", sabi ng tatlo kong kaibigan saka naglakad na din papasok
Naguguluhan na talaga ako, ang weird nila ngayon.
Mas nagulat ako ng nilagyan nila ako ng belo at inabutan ng bulaklak.
I was about to complain. Hindi ako yung ikakasal.
Napalingon ako sa magkabilang side ko ng may humawak sa kamay ko bilang alalay. It's my parents.
Kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto ng simbahan.
They signaled us to enter. Hindi pa klaro sa akin ang mga pangyayari.
But when I looked at the person waiting for me at the aisle, all of my questions suddenly faded away.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko. My man is there standing while waiting for me. God, Lord I'm so happy.
I look at my friends, they are smiling while waving their hands at me. I mouthed "thank you"
I walk towards him while smiling widely. I can see some tears falling from his eyes. My handsome baby is crying and so I am.
"Some unexpected things gives unforgettable memories."
BINABASA MO ANG
Install
RomanceEvery love story starts on different ways but this one is kind a unexpected. Who would think that in just one click of that install button, your journey will start? Started: April 13, 2022 Ended: July 07, 2022