Visitor?
Nagkulitan lang kaming dalawa buong araw. Nakakamiss din kasi yung mga panahon na paglalaro lang yung iniisip namin. Ngayon pareho na kaming may responsibilidad kaya kailangan pa magset time para makapagbonding.
Pagkatapos ng matagalan naming kulitan ay sabay kaming kumain sa labas. Lumamig na din yung kapeng dala ko kanina kaya binigay ko nalang sa sekretarya niya.
Napagdesisyonan naming pumunta sa isang pizza house. Nag-order kami ng dalawang box ng Hawaiian pizza. Para tig-isa na din kami.
Plano namin na sa park jan lang sa tabi kumain para presko yung hangin.
Habang naghihintay ay napadako ang tingin ko sa labas. Kung titignan ay halos magagarang sasakyan ang naroon. Usok na galing sa mga sasakyan ngunit yung nakakuha ng atensyon ko ay yung mga batang pulubi na naglalakad sa tabi ng kalsada. Yung iilan ay nangangatok sa bintana ng mga kotse na tila bang nanghihingi ng barya. Punit-punit at madumi yung mga damit. Mayroon ding isang matanda na may dalang bata na sa tingin ko ay nasa isa o dalawang taong gulang pa lamang.
Napakahirap ng buhay. Siguro nga ay madami yung mga nakakaangat sa buhay pero hindi maitatanggi na mas madami pa din yung naghihirap.
Nang makarating yung order ay inaya ako ni kuya para umalis na.
"Kuya bili muna ulit tayo kahit 2 box lang", pagpigil ko sakanya
"Ang takaw neto, kulang pa ba sayo to", sagot nito sabay turo sa hawak na box ng pizza na tila ba'y nang-aasar
"Hindi ah kase ano, yung mga nasa labas. Mukhang gutom na sila eh", sabi ko sabay turo sa labas
Napalingon naman siya sa tinuro ko. Yung kaninang natatawa niyang expression ay biglang nalang nagbago.
Pagkatapos namin makuha ang panibagong order ay agad kaming lumabas para lapitan yung grupo ng mga pulubi na nasa labas.
"Ah hello po, para sa inyo", sabi ko sabay abot sa matandang pulubi na may hawak na paslit.
Nag-aalinlangan niya itong tinanggap.
"Ilang taon na po yang anak nyo", tanong ko rito
"Magdadalawang taon po", sagot nito
"Saan po kayo nakatira?"
"Jan lang sa ilalim ng tulay", turo nito
"Mga anak nyo po ba yung mga yun?", turo ko sa mga bata na nangangatok sa mga kotse
"Matagal n apo ba kayong paikot-ikot lang dito?"
"Mag-dadalawang taon na din po"
Paano nila nakaya yung ganitong pamumuhay? Ayon kay Nay Helen, iyong matanda kanina ay namatay na daw yung kaniyang asawa dahil na din sa malubhang sakit. Wala naman silang panggastos dahil na din sa kahirapan. Kahit pambili ng gamot at perang pang hospital ay wala sila.
"Para sainyo po, pangbili na din ng pagkain nyo at gatas para sa anak nyo", sabi ni kuya sabay abot ng limang libo
"Nako maraming salamat sainyo hija at hijo"
Pagkatapos ay nagpaalam kami para mauna na.
Habang papalayo ay natanaw kong tinawag nito ang kaniyang mga anak. Nakita kong pinaghatian nila yung pagkain na dala namin kanina kung kaya't hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit papaano ay nakatulong kami.
Agad kaming umupo sa bench sa ilalim ng puno ng narra. Sariwa kasi ang hangin. Agad naming kinain yung pagkain na dala namin. Dahil nakalimutan namin magdala ng inumin ay bumili nalang kami ng dirty ice cream. Buti nalang may nagtitinda.
Nahagip din ng mata ko yung mamang nagbebenta ng taho. Matagal na din nung huling kain ko nito kaya naisipan kong bumili.
"Manong isa po", sabi ko sabay abot ng bayad
Agad ko itong tinikman.
"Keep the change nalang manong, ang sarap po eh"
"Salamat ganda"
Sus si manong bolero. Pigilan nyoko baka bilhin ko lahat yan.
•••••
"Miss S may naghahanap po sainyo sa labas", tawag sa akin ni Cara
"Sino?", tanong ko
"Hindi po sinabi eh, pero sabi niya naman po kilala mo siya. Sa tingin ko naman po ay mabait, bumili pa nga po ng isang bouquet ng bulaklak eh"
"Cge susunod ako"
Pagkatapos ko maayos yung mga gamit ko ay agad din akong lumabas para tignan kung sino yung tinutukoy ni Cara.
"Asan siya", tanong ko kay Cara
"Ayon po siya", sagot nito sabay turo sa malapit sa pinto
Nakatalikod ito kaya hindi ko makita kung sino. Nilapitan ko ito at binati.
"Hi Mr, I'm Hershey Villarreal the owner of this shop. What can I do for you?", bati ko
Nagulat nalang ako ng lumingon ito.
"Wow serious ah, need ko din ba ng introduction? Ehem good day mylady, I'm August Montero you're handsome future husband.", he said. He even wink.
"Anong ginagawa mo dito? May pa future husband ka pa jan baka may makarinig ano pa isipin."
"Binilhan lang kita ng flowers. Take note dito ko mismo binili sa shop mo para di ka magtampo"
Hala sinersyoso niya talaga yung sinabi ko?
"Sa pagkakaalam ko office hours pa, bakit ka nandito Buwan?"
"Bakit parang sinasabi mo in indirect way na lumayas ako dito. Wala kang puso, nagtatampo na ako", paawa nitong sabi, kunware pa itong nagpupunas ng luha kahit wala naman.
"Che ang arte nito, so bakit ka nga andito?"
"Na-miss kita eh, ako ba hindi mo na-miss?", he even pout, cute.
Bigla akong nakarinig ng bulungan sa paligid. Lumingon ako para tignan ang mga empleyado, agad naman silang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may ginagawa. Yung iba ay nag-aayos ng bulaklak, mayroon din na kunware ay nagpupunas habang yung dalawa sa dulo ay parang abalang nag-uusap.
Kanina pa pala kami nakatayo. Inaya ko siyang umupo sa sofa para maipagpatuloy yung pag-uusap namin.
"Wala ka bang kinabubusyhan sa opisina kaya ako yung dinistorbo mo ngayon?"
"Ay nakadistorbo pala ako, sorry ha. Sayang naman yung pizza na dala ko paborito mo pa naman. Cge aalis nalang ako", aniya at akma na sanang tatayo ng bigla ko siyang pigilan
"Cge na nga akin na yung pizza, asan na"
"Nasa kotse naiwan ko, kukunin ko lang. I'll be back Tsokolate"
Agad namang nagningning yung mata ko ng makita ko yung pizza na dala niya. Nagutom ako bigla. Agad ko itong hinablot at binuksan para kainin.
"Wow ah thank you August, ang bait mo", sarkastiko nitong pagpaparinig.
Bahala siya jan ang sarap kase eh.
"Parang walang narinig ah, abah matakaw", dagdag pa nito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa huling sinabi niya.
"Edi thank you", sabi ko
"Napipilitan yan?"
"Thank you na nga eh", medyo inis kong sabi
"Abah matapang, binigyan na nga eh. Akala mo naman malaking nilalang hanggang balikat lang naman."
Hindi ko na pinansin yung kung anong panglalait at pang-aasar niya. Pagkatapos ko lantakin yung pizza ay nagpaalam din siya agad para bumalik sa kompanya niya.
"Woiii Ms. S sino yun?"
"Ang gwapo ah"
"Boyfriend mo po?"
"May kapatid ba yon o kahit kaibigan?"
Agad akong nidumog ng mga empleyado ng tanong. Natatawa ko silang linagpasan para dumiretso sa opisina ko.
BINABASA MO ANG
Install
RomanceEvery love story starts on different ways but this one is kind a unexpected. Who would think that in just one click of that install button, your journey will start? Started: April 13, 2022 Ended: July 07, 2022