CHAPTER 12

25 15 7
                                    

Flowers

Makalipas ang isang linggo, diretso akong pumasok sa aking opisina sa loob ng shop. Bumungad sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

Pinatawag ko si Cara para itanong kung para kanino o kanino ito galing. Imposible kasi na namisplace lang ito dito dahil halata naman na hindi ito galing sa shop namin.

"Ay hindi ko po alam, bigla lang po may nagdeliver kanina yung sabi para sayo daw po eh", sagot ni Cara

"Cge thank you"

Naging palaisipan sa akin kung kanino galing itong bulaklak.

Hindi naman sa ayaw ko pero nakakapanibago lang na may bigla nalang nagbigay tapos hindi ko pa kilala o hindi man lang nagpakilala.

Ganon pa din ang nasa isip ko hanggang sa marating ko ang condo ko. Bumalik ako dito kahapon dahil mas malapit ito sa shop ko at isa pa ay wala naman akong gagawin sa mansion. Kahit si kuya ay nagtatrabo na din sa kompaniya kaya walang maiiwan sa bahay.

Kinabukasan ay may natanggap nanaman akong bulaklak.

Kasalukuyan akong kumakain kasama ang mga kaibigan ko.

"Hoiii mga beh may tanong ako", pag-uumpisa ko

Tinignan nila ako na para bang nagsasabing ipagpatuloy ko.

"Kung may nagbibigay ng bulaklak sayo, anong mararamdaman mo?", tanong ko

"Syempre kikiligin diba", mabilis na sagot ni Grei

"Wala lang, buti naman sana kung pagkain", sagot ni Reisse. Matakaw talaga.

Tinignan namin si Scarlet.

"What?", sagot nito samin

"Ay shunga", sabay na komento naming tatlo

Naisipan kong ikwento sa kanila ang tungkol sa hindi ko kilalang nagpapadala ng bulaklak sa akin.

"Oh pak may admirer si bakla"

"Sa wakas may naglakas loob"

Hindi na namin pinansin si Scarlet na kanina pa lutang. Kain lang ito ng kain at parang may sariling mundo.

"Iba din siya ha, may pa anonymous pa", dagdag ni Grei na sinang-ayunan naman ni Reisse.

We parted ways after our lunch. Bumalik ako sa shop dahil maaga pa naman.

•••••

I was about to sleep when I receive a call from August.

"Hi did I disturb you?"

"No, actually kakatapos ko lang magdinner."

Isa kang malaking sinungaling Shey, sabi ko sa isip.

"Did you receive the flowers? Nagustuhan mo bah?"

Sakanya galing yon? Seryoso?

"Auh yes medyo"

"Bakit medyo lang?", I can imagine his furrowed eyebrows.

"Fake friend ka kase, alam mong may flower shop ako tapos sa ibang shop ka bumili ng binibigay mo sakin", kunware nagtatampo kong sabi kahit sa loob looban ko ay tawang tawa na talaga ako.

"Ay may ganon? Binigyan ka na nga eh, sige nexttime ako na mag-aadjust", naaasar na sagot niya

"Hoiii joke lang ano ka ba pero di mo naman ako kailangan bigyan"

"Pero seryoso Shey...I'm sorry I've been busy lately kaya hindi ako nakadalaw sa shop mo. Hindi din kita naaabutan sa condo mo dahil tulog ka pa ata tuwing umaalis ako."

"Ah ok lang, your company is your first priority. I understand."

"But still, promise if nagkaroon ako ng free time I'll visit you or pwede ka din pumunta sa company ko if you're bored. You're always welcome here."

"Guluhin ko office mo okay lang?", biro ko

"Ay wag beh, ipapakaladkad kita sa mga guards palabas.", aniya gamit ang nagbibirong tono.

Hindi ko na napigilan kaya napahalakhak ako.

I really like he's personality. Minsan seryoso, madalas makulit at mapang-asar.

"Nga pala muntanga ata us. Magkaharap lang yung room natin tapos sa call pa tayo nag-uusap"

"Katamad lumabas beh"

Sabagay may point naman siya.

"Hindi ka pa matutulog?", tanong niya

I check the time, malapit na pala mag 12 am.

"Siguro maya-maya pa. Hindi pa ako inaantok eh.", sagot ko

"Kantahan nalang kita"

I nod kahit hindi niya naman nakikita.

He begin singing.

Remember the first day when I saw your face?
Remember the first day when you smiled at me?
You stepped to me and then you said to me
I was the woman you dreamed about

He's really a great singer

Remember the first day when you called my house?
Remember the first day when you took me out?
We had butterflies, although we tried to hide
And we both had a beautiful night

I love the way he simply sing the song

The way we held each other's hand
The way we talked, the way we laughed
It felt so good to find true love
I knew right then and there you were the one

Parang simple lang ang paraan niya ng pagkanta pero talagang masarap sa tenga

I know that he loves me 'cause he told me so
I know that he loves me 'cause his feelings show
When he stares at me, you see he cares for me
You see how he is so deep in love

He has a wonderful voice. Hindi ko namalayang bigla nalang ako nilamon ng antok.

•••••

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko. Himala't narinig ko ito ngayon, dati kase kahit ano pa ito kalakas ay dedma lang lalo na't lagi akong inaantok.

Napakasarap ng tulog ko, mula pagkagising ay hindi ko maalis yung ngiti sa aking labi.

Maaga akong pumunta sa shop para manghingi ng update. Wala namang akong balak pumasok doon sa ngayon. Uutusan ko lang si Cara na siya nalang muna yung bahala kase pupuntahan ko si kuya sa kompanya. Noong nakaraan pa yung huling pagkikita namin dahil busy siya kaya naisipan ko na ako nalang yung dadalaw sakanya.

Dumaan ako sa isang cafe para bumili ng coffee at blueberry cake.

Nakangiti kong binati ang mga empleyado nang nakapasok ako sa kompanya. Agad akong dumiretso sa top floor kung saan yung opisina niya.

Sinalubong naman ako ng secretary niya. Tinanong ko ito kung nasa loob ba si kuya.

"Opo, pasok nalang po kayo", sagot nito sa akin.

Nang makapasok ako ay bumungad sa akin si kuya na seryosong nakatingin sa kaniyang laptop. Para itong sobrang busy.

Bigla nalang akong may naisip na kalokohan. Dahan dahan kong nilapag sa sofa yung mga dala ko sabay paunti-unting lumapit sa kaniya.

"Kyahhh kuya may sunoggg", matinis na sigaw ko sa mismong malapit sa tenga niya

"Asan, asan!", natataranta nitong tanong

Napatawa pa ako dahil napatayo pa ito at muntikan ng lumabas sa opisina.

"Joke lang kuya hahahahaha"

"Sheyyy"

"Ikaw kasi kuya masyado kang busy. Hindi mo man lang naramdaman na andito ako", nakanguso kong sagot

"Mukha kang bakla kanina kuya hahahaha", dagdag ko pa

"Bakla pala ah"

Laking gulat ko ng bigla niya akong hilahin para kilitiin. Napapaluha pa ako sa kakatawa.

•••••
Song used: Brown Eyes by Destiny's Child

InstallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon