CHAPTER 17

21 15 3
                                    

Guilt

Gaya ng napagplanohan ay ni-enroll ko si Basty at Cassy. Medyo late na din kami ng konti kase nag-uumpisa na yung class last 2 weeks. Inasikaso pa kase namin yung mga documents na need nila para sa enrollment. Madaming hahabuling lessons yung dalawa. Kakausapin ko nalang siguro yung head ng school para makahingi ng notes.

Cassy is a grade 1 student while Basty is incoming grade 7. I enrolled them here in "Santiago Academy" para hindi na sila magkalayo. May konting gap lang kase yung elementary at highschool building dito kaya hindi na sila mahihirapan. Pwede pa din silang magkasamang kumain during break time kase pwede naman pumunta sa magkabilang cafeteria yung mga studyante.

Pagkatapos nga namin silang ma-enroll ay dumiretso kami ulit sa mall para bumili ng school supplies. Sa sobrang dami ng pinamili namin noong nakaraan ay yung pinaka-importante pa yung nakalimutan namin.

"Pumili na kayo", I told them nang makarating kami sa national book store.

Nay Helen is not with us. Binabantayan niya kase yung bunsong anak niya, bigla nalang nilagnat. Nanibago siguro sa temperature ng unit nila.

While waiting for the two ay nag-ikot na den ako sa book section. Naalala ko pa, dito kami nagkita ni August before. Inis na inis pa ako non.

Napalingon ako ng may kumalabit sa akin.

"Oh tapos na ba kayo?", bungad ko sa pag-aakalang isa sa dalawa yung kumalabit sakin.

"Ah ikaw pala, anong ginagawa mo dito?", I ask

"Kumakain ng libro, masarap nga eh"

I rolled my eyes. Kahit kailan talaga.

"Nagtataray ka nanaman, anong ginagawa mo dito, sinong kasama mo?", tanong nito

"Kumakain ng libro, gusto mo den?", gaya ko sa sinabi niya

"Tsokolate naman eh", he even pout

"Tigilan mo yan, mukha kang bibe"

"Diba cute ako?", sasagot na sana ako ng napansin kong yung sales lady pala yung tinatanong niya.

"Yes sir", sagot naman nito sakanya. Namumula pa yung pisngi nito, sa tingin ko ay kinikilig. Ang haharot.

"Sabi sayo cute ako eh, pano ba yan", pagmamayabang nito"

"May ginagawa ako dito, wag moko distorbohin Buwan."

Kumuha ako ng tatlong librong natipuhan ko bago bumalik sa pwesto ko kanina para hintayin yung dalawang bata.

"Sino ba kaseng kasama mo dito?", pangungulit niya

May nakikita ka bang kasama ko dito? Gusto kong isagot toh sakanya pero mas pinili kong tumahimik para tigilan niya na yung pangungulit niya sakin.

"Ate Ganda", napalingon ako sa tumawag sakin. Si Cassy lang pala, sa tingin ko ay tapos na sila.

"Sino ka naman?", bungad na tanong ni Basty.

Kung si Cassy ay masayang nakangiti, si Basty naman ay madilim yung tingin kay August.

"Sino ba tong mga bulilit na toh", bulong sa akin ng katabi ko

"Bubulong ka pa jan, naririnig ko naman", sagot ni Basty

Natawa pa ako dahil biglang nagsalubong ang kilay nito. Ang cute niya, parang gusto ko pisilin yung malalaking pisngi niya.

"Aishh nanganak ka ba bigla? Bakit parang kaugali mo tong isa?", sabi ni August.

Hinayaan ko sila magbangayan, inaya ko si Cassy para magbayad na sa counter.

"Tinawag mo siyang tsokolate, ang weird mo naman"

"Malamang Hershey yung pangalan niya, ano ba yun? Edi tsokolate"

"Kahit na hindi kita gustong lumapit kay ate ganda, ang panget mo. Hindi kayo bagay."

"Eh sino yung bagay sakaniya? Ikaw?"

"Syempre naman. Maganda siya tapos gwapo ako. Bagay kami", pagmamalaki ni Basty

"Tignan mo nga height nyo, maliit ka pa para sakaniya. Dapat mas matangkad yung lalaki kesa sa babae. Mas bagay kami."

"At isa pa, tuli ka na ba? Hindi pa ata eh"

Rinig kong bangayan nila. Ilang minuto pa ay napansin ko yung pagkatahimik ng dalawa.

Nang mapalingon ako ay nakita ko si Basty na parang naiiyak na. Tamang tama tapos na kami sa pagbabayad. Nilapitan ko si Basty para kausapin. Nang malaman ko kung sino yung dahilan ay sinamaan ko ng tingin si August.

"Mamaya ka sakin", bulong ko sakaniya gamit ang nagbabantang tono.

Pasaway pati bata pinatulan pa.

•••••

Nang makarating sa condo ay hinatid ko sila Basty at Cassy. Nagtaka pa si Nay Helen kung bakit namumula yung mata ni Basty. Ipapaliwanag ko sana ng bigla nalang tumakbo si Basty papunta sa Nanay niya. Nakita kong dumaldal ito, sa tingin ko ay nagsumbong. Napatawa pa si Nay Helen sa pagsusumbong niya.

Nang makalabas ay bumungad sa akin si August na nakayuko habang nakasandal. Lumapit ako dito at piningot ang kaniyang tenga.

"Aray naman, palagi mo nalang ako sinasaktan", reklamo niya

"Pati ba naman bata pinatulan mo. Oh anong gagawin natin don ngayon. Kanina pa umiiyak", sermon ko sakaniya

"Binibiro ko lang naman, hindi ko naman alam na mapipikon yon.", depensa niya

"Kahit na, mas matanda ka kaya dapat ikaw yung umiintindi"

"Sorry, hindi mo kase ako pinansin kanina. Hindi lang ako sanay na ayaw moko kausap. Kagaya ng kanina nung nilapitan ka nung batang yon, bigla ka nalang sumaya. Sa akin naman kanina nagsusungit ka.", pahina ng pahina yung boses niya.

Ayaw ko isipin na nagseselos siya sa bata pero bakit parang ganon yung dating?

"Nagseselos ka ba sa bata?", pinipigilan ko pang matawa

Hindi ako nito sinagot. Nagsorry pa ito ulit bago pumasok sa unit niya. Kita ko pa yung pilit ngiti niya.

Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakaharap sa pinto niya mula kanina.

Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Hindi ko na naisip pang kumain dahil bumabagabag sakin yung reaksiyon ni August kanina. Ngayon lang siya naging ganon. Kadalasan ay makulit siya, ngayon naman ay sobrang opposite sa nakasanayan ko.

Nakailang ikot ako habang nakahiga. Napaupo ako ng may biglang ideyang pumasok sa isip ko. Naguiguilty ba ako?

Kinuha ko yung cellphone ko para itext siya

To Buwan:
Sorry... sa mga sinabi ko kanina, hindi ko sinasadya.

Aish di ko na alam. Binura ko ito para magcompose ulit ng message. Napasabunot ako sa sariling buhok.

Napatayo ako. Tama, pupuntahan ko nalang siya sa unit niya. Pero paano kapag hindi niya buksan? Bahala na nga

Ilang minuto pa bago ko maisipang kumatok. Nagdadalawang isip pa ako. Paano kung galit siya?

"Kasalanan mo to Shey, panindigan mo. Magsosorry ka lang naman. Kaya mo yan", pagpapalakas ko sa loob ko

InstallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon