Basty and Cassy
"Oh ayan na yung pinapakuha mo", sabay abot ko sakaniya bago tumayo para umalis na
"Thank you, saan ka pupunta?", alanganin nitong tanong
"Malamang sa trabaho? Dinaan ko lang yan pero umabot pa ako ng halos isang oras dahil sa tagal mo"
"Ayaw mo magstay muna? Kain ka muna", alok niya
"No thanks, hinihintay na ako sa shop", I decline
"Kahit pizza?"
"Sabi ko nga stay muna ako dito. Bilis mag-order ka na." Kung pizza ba naman, willing ako magpauto. Sana cheese or hawaiian.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang sekretarya niya habang dala ang ilang box ng pizza. Parang kumislap ang mata ko dahil sa tuwa na nararamdaman ko.
"Akin na." sabi ko sabay kuha sa isang box.
"Gusto mo?", alok ko sa kaniya
"Ah wag na, kulang pa ata yan sayo", pagtanggi niya. May binulong pa ito sa huli.
Patuloy lang ako sa pagkain nang maramdaman ko ang pares ng mata niya na nakatingin sa akin. Tinaas ko ang tingin ko para makipagsukatan ng tingin sakaniya.
Hindi ko namalayan kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon.
"Hoiii pare I have to tell you some---thing"
Sabay kaming napalingon sa bagong dumating. Nakatulala ito at halos malaglag na ang panga habang nakatingin sa amin.
"What are you doing here Genesis?", August break the silence.
"Pasensya na po sir. Sinabihan ko na po siyang may bisita kayo pero ayaw po magpapigil eh", pagpapaliwanag ng sekretarya
"I thought it's one of the boys kaya akala ko hindi big deal. I'm sorry to ruin your lovey-dovey, I'm not informed.", sagot ni Genesis na kakabalik lang ata sa katinuan.
"Babalik nalang ako, you can continue. Just call me on the company's cafeteria if you're already done hehe", he added
"No, no need. Mauna na ako. Dinaan ko lang talaga tong envelope", I bid my goodbye to the both of them.
I smiled at his secretary before going outside.
Since it's already late para pumunta pa sa shop, I just texted Cara to take in charge.
I'm planning to go to kuya again. But I end up having a chitchat with Nay Helen. If you remember her, siya yung tinulungan namin ni kuya lasttime. Inaya ko silang pumunta sa malapit na park.
Madaming street foods sa paligid kaya sinama ko sila para bumili. We buy fishballs, kikiam, siomai, kwek-kwek at madami pang iba. We drink palamig din instead of softdrinks, mas masarap kase yon for me.
Nagulat pa sila kase hindi daw nila expect na kumakain ako sa ganon. Mukha ba talaga akong mayaman? Well my parents are pero me? Hindi naman.
I'm enjoying their company. Masaya talaga kapag may kasamang bata. Nakaupo lang ako habang nakamasid sa mga anak ni Nay Helen na sila Basty at Cassy. Masaya silang nagtatakbuhan. Pansin ko din na hindi na sila sobrang dungis gaya noong huli namin silang nakita.
"Nag-aaral po ba sila?", tanong ko kay Nay Helen
"Alam mo naman, mahirap ang buhay kaya hindi ko sila mapa-aral. Gustong gusto sana nila pero wala naman kaming panggastos kung sakali", sagot nito sa akin.
Bakit kung sino pa yung gusto mag-aral, sila pa yung inaayawan ng tadhana?
"Kung papaaralin ko po ba sila, papayag kayo?"
"Nako hindi na, malaking tulong na yung pagbibigay mo ng pagkain sa amin"
"No po, I insist. Nakikita kong pursigido sila, nararamdaman kong magiging successful sila in the future", nakangiti kong usal.
Inaya ko din silang tumira kasama ko. Balak kong sa tabi nalang sila ng unit ko para hindi na masyadong malayo. Noong una ay tumanggi pa siya pero noong pinaliwanag ko sakaniya kung bakit ay pumayag din ito.
Tumawag ako sa landline ng condo kung saan ako nakatira. I informed them para ireserve yung unit na katabi ng akin.
Dahil malapit na din maghapon ay dumaan kami sa isang maliit na karenderya. Ayaw kase nila sumama kung sa restaurant. Dito nalang daw para mas mura at makatipid din kami.
Pagkatapos ay dumiretso kami sa mall para mamili ng gamit para sa kanila gaya ng damit at pagkain.
Hinayaan kong pumili ng damit ang dalawang bata. Nakikita ko ang tuwa sa mga mata nila habang dala ang mga napili nila.
"Masyado na atang madami", sabi ni Nay Helen. Papatigilin niya na sana ang dalawa ng pigilan ko siya. Sinabihan ko ito na hayaan lang ang dalawa. Minsan lang naman toh, lilipat sila kaya kailangan nila ng madaming gamit.
Iniwan ko sila doon para mag-ikot ikot. Napadaan ako sa damitan ng mga babies. Naalala ko ang bunsong anak ni Nay Helen. Naisipan kong bilhan rin ito.
"Ah para sa anak nyo po?", tanong ng sales lady. Nahihiyang umiiling ako.
"Ahm for a friend's daughter. Do you have dresses for a 1 year old?"
"This way ma'am", she lead me the way
Bumungad sa akin ang iba't-ibang kulay ng dress for babies. I smiled while scanning it, these are so cute.
Pumili ako ng sampo bago bayaran.
Nang bumalik ako doon ay nakita ko silang nakaupo habang hinihintay ako. Sabay kaming pumunta sa cashier para magbayad.
Bago umuwi ay dumaan kami sa grocery to buy some foods. Bumili din ako ng milk and diapers for the baby.
Nang makarating sa condo ay dumiretso ako sa front desk para kunin ang susi para sa unit na kinuha ko for Nay Helen. When we reach the top floor ay agad naming tinungo ang unit na para sa kanila.
"Dito po kayo, nasa kabilang unit lang ako. Just knock there if you need something. Here's the key of your room po. Mauna na po ako, kaya nyo na po ba mag-ayos or you need some help?"
"Hindi na kailangan, salamat dito", Nay Helen replied
"Salamat po ate Ganda", sabay na sambit ni Basty at Cassy. I smiled at them.
Nang makapasok ako sa unit ko ay agad kong tinawagan si kuya. I'm sure he'll be happy sa ibabalita ko.
"Kuyaaa", unang bungad ko
"Guess what?", dagdag ko
"Yeah?", he said na parang nalilito pa
"Remember Nay Helen?"
"Uh yes, what about her?"
"She's living next to my unit. I'm planning to let her children go school. Isn't great?", I excitedly informed him
"That's nice, great job baby girl. I'll pay visit some other time okay?"
"Okay", I said before ending the call
I lay down my bed. Helping other people is such a great idea. Right?
BINABASA MO ANG
Install
RomanceEvery love story starts on different ways but this one is kind a unexpected. Who would think that in just one click of that install button, your journey will start? Started: April 13, 2022 Ended: July 07, 2022