CHAPTER 24

18 10 1
                                    

Jollibee

Sunod na araw ay binisita ako ni Reisse sa shop.

"Ang ganda ng ngiti natin ah. Parang hindi lasing na nag-emote noong nakaraan", bungad niya

Napanguso ako. Oo nga pala hindi ko pa nakwento sakanila kung anong nangyare.

"May kasalanan pa kayong tatlo. Akala nyo ba nakalimutan ko ng tumba kayong lahat noong nakaraan. Ako pa yung namroblema, nakakahiya kay Genesis pa ako humingi ng tulong", reklamo ko

"Hoyyy hala sino pala naghatid sa akin? Pagkagising ko nasa bahay na ako, sa mismong kwarto pa.", naguguluhang tanong niya

"Baka si Genesis", pang-aasar ko. It's payback time. Siya naman yung aasarin natin ngayon.

Napansin kong namula ito. Mukhang may something ah. "Hindi ka naman sigurado", Akala mo lang hindi pero I'm definitely sure. Kung si August yung naghatid sa akin, malamang si Genesis yung naghatid sa kanilang tatlo kasi siya yung hiningian ko ng tulong.

"Baka siya din yung nagbuhat sayo papasok sa bahay nyo, alangan naman yung maids nyo diba. Ang sweet naman", nakangisi kong sabi. Sarap talaga gumanti ng asar.

"Huwag mo nga ibahin yung usapan, sino yung naghatid sayo?"

"Si August", I confidently answered

"Marupok ka", sabi niya habang tinutusok-tusok ang bewang ko. "Naglasing ka tapos magkakabati din pala kayo, hindi man lang umabot ng one week."

Ako naman yung napanguso. Napagdesisyunan kong ikwento sakaniya yung buong pangyayare kasama yung usapan namin ni Vanessa. Yung gaga tinawanan ako. Malay ko bang magpinsan pala yon. Hindi ko naman alam.

"Ayan nabiktima ka ng maling akala.", she laughed

"Kasalanan ko bang may trust issue ako."

"Pero seryoso, ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kahapon. Hindi na ata ako uulit", pagsusumbong ko

"Sige maglasing ka pa pero infairness girl. Ikaw yung huling bumagsak. Para sa babaeng minsan lang uminom, bilib ko sa alcohol tolerance mo", sabi niya

"Alam mo ba mukha kang bata kapag lasing. Nikwento mo nga samin yung tungkol sa pinsan ni August na napagkamalan mong girlfriend niya. Para kang batang nagsusumbong dahil inagawan ng candy", kwento niya

Talaga? Seryoso? Nakakahiya, nadadagdagan nanaman yung dahilan ko para hindi na umulit.

Muling bumalik sa alala ko yung paghahanap ko ng mghahatid sa ami noong gabi na yon.

Buti hindi ko natawagan si kuya, paniguradong sermon yung matatanggap ko. Mas malala pa naman yun kaysa sa parents namin. Minsan nga nagtataka ako kung kuya ko ba talaga siya o siya talaga yung tatay ko.

"Ano palang nangyare sa dalawa?", tanong ko

"Kwento nila sa akin nasa bahay na din daw sila nagising. Siguro magkakasama kaming tatlo na hinatid. Grounded si Scarlet, kotse pala ng kuya niya yung gamit ng gaga. Dahil nga naiwan sa bar kaya napagtripan ayon nasermonan din", kaa pala hindi nagparamdam yung babaita. Yung bading kaya nasaan.

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. "Si Grei naman as usual kasama yung bagong boyfriend niya. Alam mo naman maharot yon"

"Tapos uutuin nanaman siya then mag-aaya papuntang para para maglasing"

"Oo parang ikaw", sinamaan ko siya ng tingin

Pinapaalala pa eh, kinakalimutan ko na nga. Parang di umiyak noong niloko siya ng ex niya.

"So, any plan for today?", she asked

"Wala naman pero I'm planning to fetch Basty and Cassy. Na-miss ko yung dalawang yon". Magkatabi lang kami ng unit pero hindi kami nakakapagbonding.

InstallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon