(13) the deal

73 2 0
                                    

RHOAN'S POV

Ilang araw din kaming hindi nagpapansinan ni Kian, or should I say ako lang ang hindi pumapansin sa kanya? Nakakainis kasi eh, isang kondisyon lang naman ayaw pang pumayag. Napakama-pride talaga.

Friday ngayon, papunta ako sa principal's office. May hinala nako bakit ako pinapapunta dun. At dahil yon sa hindi ko pag-tutor kay Kian kaya kakausapin ako. Hindi pa kasi ako nakakapag-paalam na titigil na ako sa pagtu-tutor sa anak nyang may topak eh.

Pagdating ko sa tapat ng office nya nakita ko agad si Kian sa tabi ng pinto. Nakapamulsa ang kanang kamay nya sa pants nya at ang kaliwa naman ay nakahawak sa strap ng bag nya habang nakasandal sya sa pader at nakataas ang kanang paa. Ang cool pero dahil ma-pride sya kaya wala ng cool. Lalagpasan ko lang sana sya pero hinarang nya ako at kinorner sa pader bago pa ako makapasok sa pinto.

(O_o)

Juice colored ano pong balak sakin ng lalaking to. Dito pa sa pinto ng office ng daddy nya.

(>_ <)

"HEL-omp!!"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"sssshhhhhh" saway nya sabay tapat ng hintuturo nya sa labi nya. "Ano ka ba, hindi kita re-rape-in no. Choosy ako at di ko type ang mga tulad mo. Psh." dagdag pa nito.

"BAK-omp!" naputol nanaman ang sasabihin ko dahil sa pagtakip nya ng bibig ko.

"Isa pang hiyaw hindi na kamay ko tatakip sa maingay mong bibig sinasabi ko sayo."sabi nito sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.

ano ba nasa isip ng taong to, nasapian ata, ang lapit lapit na ng mukha nya. (>_<)

"Iwas ka kasi ng iwas, hindi mo ako pinapansin at ayaw mo akong kausapin. Humantong pa tuloy tayo sa ganito. Tsk. Napagalitan pako dahil sayo alam mo ba yon?Nakakairita pag pinapagalitan ako, tapos may epal pa sa bahay. Tsss. Bago ka pumasok may sasabihin lang ako." sabi nito habang nakalapit pa din ang mukha nya sa akin, gwapo in fairness.

"ahm.. pwede bang ilayo mo muna ng bagya yang pagmumukha mo? Baka masampal na kita dyan pag di mo pa nilayo yan." ma-awtoridad kong utos sa kanya. nakakilang kasi eh, di ako makapag-concentrate.

"Ano kasi, uhm.. yung tungkol sa deal na hinihingi mo. Papayag nako. Ano ba gusto mong deal ?" nakayukong sabi nito.

"Mamaya na natin pag-usapan yan pinapatawag ako ng papa mo magpapaalam na din ako sa kanya na hindi na ako magtu-tutor sayo." papalam ko sa kanya saka ko sya nilayasan. Pumasok na ako ng loob ng office di ako naka-katok dahil medyo nagmadali ako para hindi ako habulin ni Kian.

Pag pasok ko sa loob ay may inabutan akong babae sa loob ng office ni Mr.Tan. Maganda sya, parang barbie ang mukha kahit walang make up napakasimple ng porma pero malakas ang dating. Maputi at makinis ang kutis.

"Ahm excuse me po Mr.Tan pinatawag nyo daw po ako?"

Agad silang napalingon sa akin ng magsalita ako. Itinuro ni Mr.Tan ang upuan sa harap ng babae kaya lumapit ako doon.

"Ahm Ms.Vasquez, ito nga pala si Stacey Camille Tiu. Stacey, this is Ms. Rhoan Psyrin Vasquez."

"Please to meet you Ms.Vasquez." sabi ni Stacey sabay abot ng kamay nya sa akin.

"Please to meet you too" sabi ko naman sabay tanggap ng kamay nya para makipag-shake hands

"Ms.Vasquez kaya kita pinatawag ay para ipakilala sayo ang bagong tutor ni Kian. Nabanggit kasi sakin ng anak ko na hindi kayo magkasundo at sakto namang dumating si Ms.Stacey kaya sya na ang nagprisinta na pumalit sayo. Ok lang ba sayi yun Ms.Vasquez?" Diretsang sabi ni Mr.Tan.

"Ah ok lang po sir, actually magpapaalam nga po sana ako sa inyo nun pa hindi ko lang nagawa kasi nagkasakit po ako."sagot ko.

"Oh good. Magaling ka na ba nyan?"tanong muli nito.

"Ah opo. Thanks sir, sige po aalis na po ako. Thank you po ulit, sayo din po Ms.Tiu nice to meet you "paalam ko sa kanila.

"Nice to meet you too."ganti naman nito sakin.

Paglabas ko ay wala na si Kian sa labas.  Buti naman at makakauwi na ako ng tahimik ngayon.

Naglalakad na ako pauwi ng may biglang humarang sa daraanan ko. Guess who?

"Psh. Lumayas ka nga dyan Kian. Di mo pag-aari ang daan. Padaanin mo ako."

Opo tama kayo ang makulit na taong to lang naman. Kala ko magiging tahimik ang pag-uwi ko heto at nangungulit naman ting taong to.

"San ka ba kasi pupunta? Di ba itu-tutor mo pako? " pangungulit nito habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Hindi na nga ako ng tutor mo ang kulit mo naman Kian ee. Ilang beses ka ba iniri ng nanay mo at napaka kulit mo."iritang tanong ko sa kanya.

"Madaming beses. Bakit ka ba kasi nagquit??? Sino na magtuturo sakin nyan. Tsk lagot ako sa dragon pag di ako punasa sa special exam. Nakakatamad naman kasi. " reklamo nito.

"Susumbong sumbong ka kasing we're not in good terms tapos ngayon nagrereklamo kang pinalitan ako." Bulong ko naman.

"Ha? Sinumbong? Hindi kaya ako nagsusumbong. Nagtanong lang sya bakit di kana nagtu-tutor sakin sabi ko di tayo magkasundo ayon pinagalitan tuloy ako."

"Wag ka mag-alala. Maganda at mukha namang mabait ang papalit sakin."

"Pinalit sayo? Sino?" Gulat na tanong nya.

"Si Ms.Stacey. Mukha naman silang close ng daddy mo kaya wala ng problema." Sagot ko habang patuloy na naglalakad at hindi sya nilingon.

Nang malayo-layo nako ay napansin kong walang sumusunod sakin. Hindi rin sya sumagot sa huli kong sinabi kaya lumingon nako sa kanya. Nakita ko sya sa kinaroonan namin kanina nakatayo at nakatulala.

Mahipan sana ng hangin para tuluyan ng maging statwa dyan. Psh. Bulong ko lang sa isip ko syempre.

"Hoy! Forever ka na dyan? Uwi nako bye." Paalam ko sa kanya saka ako dumiretso ng uwi.

Pag uwi ko ng bahay ay ginawa ko na ang daily routine ko..
Pagtapos ko sa mga gawain at nakakain na din ako ng hapunan ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magreview at gumawa ng mga assignment.

Hanggang ngayon ay di pa rin mawala sa isip ko reaksyon ni Kian kanina sa sinabi kong may bago na syang tutor. Parang namutla pa eh.. Psh. Akala siguro makakapaglakwatsa pa sya eh may kapalit nako sa tutorial nya.

Hay nako napakatamad talaga mag aral ng taing yun. Siguro ngayon pinapahiraoan na nya bago nyang tutor hahaha.

Teka bakit ko ba sya iniisip. Hmp. Makapagfocus na nga lang dito sa ginagawa ko. Tsk.

A/N:

Naupload dn xD
Nagiging busy sa fb ee hahaha. Pavote and comment pls?? Thank you po!  :* salamat po sa nag aabang ng update ^_____^)v

#LoveYouMuch

My Accidentally BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon