(3) broken heart

135 5 2
                                    

RHOAN'S POV

"psy, tignan mo,ang cute ng kabibe oh. Look at this baby. " sabi ni dad habang hawak nya ang isang maliit na kabibe.

"Wow.. tay ang ganda naman nito, akin nalang po ah?" ~@^_^@~ magiliw na sabi ko habang kinukuha ang kabibe sa palad ko.

Pagkakuha ko ng kabibe ay syang unti-unting paglaho ng aking ama sa dagat..

"Tay.... Tay sandali po, san kayo pupunta Tay. Tay hintayin nyo po ako.!" Halos madapa ako sa paghabol sakanya sa tubig.

~~

"Rhoan, Rhoan gising"

Naramdaman kong may yumuyugyog sa braso ko kaya nagmulat ako ng aking mata.

"Bru magla-lunch pa tayo tara na," yaya sakin maine.

Sya pala ang gumising sa akin. Nakatog pala ako dito sa room nakakahiya naman.

"Dude, mukang puyat na,puyat ka ah. Ano pinagkaabalahan mo kagabi?" Usisa ni anna.

"Ah si nanay kasi inatake nanaman kaya binantayan ko. Nakikita ko nga medyo lumalala ata ung ubo wala naman kami pang pacheck up nya. " malungkot na kwento ko.

"bru kaylangan mo na siguro ng part time." Singit naman ni Maine.

"Speaking of part time. Alam nyo, si Mr.Tan inaalukan ako ng part time job. Kaya lang di ko pa tinatanggap eh." Sabi ko sakanila ng bigla kong naalala ang alok sakin ni mr.Tan

"oh bat di mo tanggapin? Anong klaseng part time ba yan?"tanong naman ni Anna.

"Kaylangan ko daw itutor ang anak nya .. 4months contact lang naman daw. Hanggang sa matapos ang special exam na gaganapin sa October.  Pero di ko alam kung tatanggapin ko."bothered na kwento ko sakanila.

"Bakit?"takang tanong naman ni Maine.

"Yung anak kasi ni Mr.Tan eh."

"oh anong problema mo sa anak nya? Ilang taon na ba?"usisa ni Anna.

"Remember the guy who says he's the son of Mr.Tan?"

"yeah?" Sabay na sagot ng dalawa.

"He's not kidding. He really is. And isa pa. Sya yung pinapaturuan sakin. Tsk. Badtrip."reklamo ko sakanila.

"Ignore mo nalang bru. Sayang part time." Maine suggested.

"Oo nga bru. Sayang." Singit naman ni Anna.

"Ewan....." tipid na sagot ko.

—-—-—

KIAN POV

"DAD NAMAN! BAKIT MO BA GUSTONG ITUTOR AKO NG BABAENG YUN?!"

Nandito ako ngayon sa office ni Dad at nagrereklamo. Sa lahat naman ng gagawin eto ayaw ko. Ipapatutor pa ako sa babaeng yun.

"What's the matter Kian? look. Your grade's fell since you and Cindy broke up. Wala na sayo ang pag aaral mo mula ng hiwalayan ka ng gold digger na babaeng yon!" Galit na bulyaw sakin ni dad.

"She's not a gold digger dad. Take it back."seryoso kong sabi sakanya.

Muka syang gold digger. Porket mayaman lang sya.

"I won't take it back Kian. Kaylangan mong pumasa sa special exam. Kapag bumagsak ka doon wala ka ng makukuhang mana sa akin at icoclose ko lahat ng atm mo. Wag mo akong subukan Kian Luke Tan. You know me." Banta nya sa akin.

Wala na akong magagawa. Kaylangan ko ng sundin ang gusto nya. Ayoko namang mamulubi. Tsk. Badtrip naman.

Sa sobrang inis ko ay umalis nalang ako sa office nya at padabog na sinara ang pinto.

A/N:

Di ko na alam haha. Maganda ba o panget? Aist. Parang ang boring ng kwento ko noh? XD

Btw . Thanks sa pagbabasa ^____^

LoveYouMuch xD

My Accidentally BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon