ANNA'S POVShemay naman oh! Late nanaman ako nakakainis. Bakit ba kase ang aga umalis ni kuya, wala tuloy gumising sakin kaninang maga.
Kasalukuyan ako ngayong nasa hallway. Lakad takbo na ang ginagawa ko. 5mins nalang nasa second floor pa ang room ko! Kainis naman oh.
Sa sobrang pagmamadali ko ay may bigla akong nakabangga. Dahilan para tumilapon ang mga bitbit kong libro at mapaupo ako sa semento.
"Aray, ang balakang ko" >_< bulong ko habang hinihimas ko ang nasaldak kong balakang. Nakita ko naman syang pinupulot ang mga libro kong nalaglag.
"Sorry miss nagmamadali kasi ako may hinahabol lang pasensya na talaga." sabi ng lalaking nakabunggo ko.
"Sorry?! Ano pa magagawa ng sorry mo! WLa na! Late na ko sa first subject ko! Masakit pa balakang ko." bulyaw ko sa kanya sabay hablot ng gamit ko sa kamay nya at lumakad na ako.
"Suplada talaga di naman maganda." rinig kong bulong nya.
Teka pamilyar muka nya ah. Nilingon ko sya sa likod pero pagtingin ko ay malayo na sya. Ang bilis naman nya maglakad.
Hay nako kahit anong gawin ko late na talaga ako. Nagdiretso nalang ako sa paglakad papunta sa Second floor. Hihintayin ko nalang sila maglabasan.
Pagdating ko sa hagdan may nakita akong babaeng nakatapat sa room namin. Nakasilip sya sa bintana. Kaya nilapitan ko sya.
*poke poke*
"Miss, ano tinitignan mo dyan?" takang tanong ko sa babae.
"Ah-eh transfer lang kase ako, tapos late ako ngayon. Dito daw first subject ko eh. Ikaw?" sagot naman nya.
"Talaga?! Classmate pala kita hehe. Late din ako eh. Tara upo muna tayo dun sa waiting area." yaya ko sa kanya. At sumunod naman sya sakin. "Ako nga pala si Shanna Marie Querubin. Ikaw ano name mo?"
"Ah ako pala si Krissha Jane Choy. Bagong transfer lang ako dito galing kasi kami sa Korea."
Sagot naman nya, at ayon nakapalagayang loob ko naman agad sya. Ang bait nga nya eh, super jolly pa. Tapos straight naman sya magtagalog pero iba yung accent nya hehe ang cute nya! Grabe lang talaga! Papakilala ko sya kila Rhoan at Maine sigudo matutuwa yon.
"Ah Krissha if you won't mind tutal wala ka pa naman masyado kilala dito samin ka nalang muna sumama ha?"
"Sure, its my pleasure Anna. Actually I was about to request it eh"nahihiyang sabi nya.
-----
RHOAN'S POV
"Bru nagreply na ba sayo si Anna? Papasok ba yun?" tanong ko kay Maine.
Bakit ba kasi hindi nagrereply si Anna eh. Napano kaya yun.
"Ewan wala naman text sakin eh." -_-
"Ok class dismiss. You may go to your next subject now." - our prof announced while fixing his papers on the table.
Kanya-kanya ng tayuan ang mga kaklase ko. Karamihan sa mga babae ay nagsipag ayos at nagpolbo ang mga lalaki naman ang nangungunang nagsilabasan habang kami ni Maine ay nakaupo pa rin. Naghihintay na maubos ang mga kaklase namin.
Pagkalabas ng mga kaklase namin saka lang kami lumabas ni Maine.
"BULAGA!!" gulat samin ni Anna.
"Ha-ha. Funny. Tss." cold na sabi ni Maine.
Ako naman ay nagulat at natulala sa nakita ko.
"K-krissha?!" sa gulat ko ay napahiyaw ako. Nyemas magkakilala pala sila ni Anna? Nakakahiya naman >\\\\
-----
A/N :
Mwahahaha. pinilit ko gumana imagination ko ngayong maghapon kahit busy xD
Wala kasi wi-fi pag saturday at sunday eh :D
Salamat sa pagbasa kahit alam kong boring xD
LoveYouMuch!! ^_____^)v
BINABASA MO ANG
My Accidentally Boyfriend
Randomfirst time in wattpad ko to! kyaaah. haha wala akong idea ano dapat isulat dito, just a try ^___^ pocket books lang kasi alam ko isulat HAHAHA. Hope you like it!