(16) typhoon

37 3 0
                                    


RHOAN'S POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Dinilat ko ang mata ko, kaya lang wala pako ganung maaninag dahil madilim pa. Dinig na dinig pa din ang malalakas na patak ng ulan sa bubong. Bibiling sana ko para kapain ang cellphone kong tunog ng tunog ng bigla kong maramdaman na may nakapalupot sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ito kaya kinapa ko ang nakapalupot sa bewang ko.

Teka bakit nasa kama ako? Sa sahig ako natulog kagabi ah? At bakit nakaakap sakin ang gagong to?!

"AAAAAAHHHHHH!!!"hiyaw ko sabay tayo habang habol habol ko ang aking hininga at inakap ang kumot ng mabilis.

Sa gulat naman ni Kian at dahil na din sa pagkakahatak ko ng kumot ay nalaglag sya sa kama.

**blaaaggg!!!**

Mabilis na sumulpot sila nanay sa pinto ng kwarto ko na may dalang flashlight, halong gulat at pag aalala ang nasa mukha.

"Anak bakit ka humiyaw? Anong nangyari sayo?"agad na tanong nito. Pagkatapos ay bumaling naman ang tingin kay Kian na ngayon ay patayo na habang hawak ang balikat nya. "Hijo dyan ka ba natulog sa sahig? Nanakit ba ang likod mo?"

"Ah hindi ho-"
"May ipis nay! M-may ipis po!"putol ko sa sasabihin ni Kian. Baka magsumbong nanaman tong lokong to na tabi kami natulog makakagalitan ako.... >____<

"Jusko naman Rhoan, ipis lang nambulabog kapa ng kasama mo. Asan na ang ipis?"mahinahong sagot ni nanay.

"Ah w-wala na po. S-sorry po."nakayukong sagot ko naman.

"Hay nako kang bata ka. Matulog ka pa kung gusto mo pang matulog, kanselado ang mga klase ngayon at malakas pa din ang ulan. Ikaw naman hijo, hindi ka pa maaaring umuwe at delikado pa sa daan may mga poste ding nabuwal. Tumawag ka sa magulang mo at sabihin mo dito ka muna."

Pesteng lalaking to magtatagal pa ata dito.. >_< ayoko na sya makasama huhuhu... (Y_Y)

"Ayoko na po matulog,hindi na po ako inaantok." malamyang sagot ko.

"Oh sige, lumabas nalang kayo pag gusto nyo. May lugaw sa labas nagluto ako."paalam ni nanay bago ito umalis.

"Pangalawa na yun ah,isa pa bibinggo ka na."banta nya habang nakalukot ang mukha.

"Bat kasi bumabagyo pa. Kairita tong kasama ko sarap itapon sa baha."bulong ko naman pero mukhang narinig nya kaya nanlilisik ang mata nyang nakatitig sa akin.

Okay pwede mag-sorry? Parang manlalamon ng buhay 'tong lalaking ito eh.

"Alam mo kung ayaw mong nandito ako, mas lalong ayaw kong nandito ako. Walang malambot at malaking kama, walang aircon, walang computer or laptop man lang, tapos wala pang TV. Hindi ako makakatagal sa ganito."walang emosyon nyang sabi sabay alis sa kwarto ko.

Ilang saglit din akong natulala sa sinabi nya. Oo alam kong RK sya pero kaylangan ba talagang mang insulto?! Nakakainis sya! Sobra! I hate him! Sana kumidlat ng malakas tapos tamaan sya!

Mas pinili ko nalang na hindi lumabas ng kwarto ng umagang yon. Malakas pa din ang ulan at hindi pa tumitila.

*kruuuuuu....*

Kumukulo na tyan ko sa gutom kaya napatingin ako ng oras sa cp ko. Nanlaki ang dalawa kong mata ng makitang mag-a-alas dos na ng tanghali. Dahil sa ako'y gutom kaya lalabas ako kahit ayoko.

Tahimik lang sa loob ng sala. At nakapagtataka, pag kasi walang pasok alam ko nagsisipaglaro ang mga kapatid ko sa loob ng bahay. Dahan dahan akong pumunta sa sala para silipin ang mga kapatid ko kung andun.

My Accidentally BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon