(8) unexpected date

146 4 0
                                    


STEVE'S POV

"Hi miss. Ikaw ba si Marie?" tanong ko sakanya.

Halatang nagulat sya sa expression ng muka nya. Ang cute talaga.

"I-ikaw?!" gulat na sabi nya sabay duro sa akin ng tanggalin ko ang shades ko.

"The one and only" sabi ko naman sabay hawak sa chin ko.

"Ok nice meeting you. Bye."

Pagkasabi nya non ay agad syang tumayo at kinuha ang purse nya sa lamesa.

"Hey wait, wait, wait," sabi ko habang nakahawak sa braso nya.

Ang bilis naman magtampo nito. Lalayasan agad ako? Ang gwapong nilalang na ito?  Ang taray talaga.

"Ano ba ?! Let go of me nga!" mataray na sabi nito.

"Hey ano ba, wag ka namang mag eskandalo dito. Nakakahiya oh." mariing bulong ko sa kanya.

Mukhang nakahalata  naman sya at napatingin sa paligid namin. Medyo namula pa sya ng mapansin nyang samin nakatingin ang mga tao sa loob ng coffee house.

"Ok. Ano ba kaylangan mo? Alam mo bang ako ang katext mo? Pinagtitripan mo ba ako?! Ha! Sumagot ka!!" sigaw na pabulong nyang sabi sa akin.

Hyper naman tong babaeng to. Pano kong sasagot eh dire-diretso sya sa tanong nya. Pero in fairness, ang cute nya magalit ^____^

"Gusto mo ba sagutin ko ang tanong mo sakin?" pacool na tanong ko sa kanya.

"Malamang. Kaya nga tinatanong kita di ba?" pagtataray pa nito sabay halukipkip ng braso nya.

"Ok if that's what you want, sumama ka nalang muna sakin para sagutin ko tanong mo."

"Hah?! Bat kaylangan pang kasama ako? B-baka ano."

"Baka ano?" tanong ko habang naka smirk sa kanya.

"B-baka hanapin ako sa bahay, saka a-ano…" sagot naman nito habang nakayuko.

"To clear up your mind, wala akong balak na anuman sayo. Gusto ko lang ng kasama ngayon. Busy barkada ko at naiinip ako. Now. Can you come with me then?" kalmado kong paliwanag sa kanya.

Natigilan sya at halatang napaisip. Sana naman sumama sya nakakaboring kase mag-isa.

Nakita ko syang tumingin sa wrist watch nya saka ngumiti.

"Nagugutom nako. Papakainin mo ba ako?" nakangisi nyang tanong habang nakahawak sa tyan nya.

Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Ibang klaseng babae to.

Nilapitan ko nalang sya at inakbayan. Nilapit ko ang labi ko sa tenga nya at saka bumulong.

"Sure babe, ano ba gusto mo kainin?" I said with my husky tone.

Napansin kong namula sya pati ang punung tenga nya. Parang cherry ang pagkapula ng mukha nya. Hahaha.

Naglakad na ako palabas ng coffee house at iniwan syang tulala.

"Hey ano lang hinihintay mo dyan? Tara na." tawag ko sa kanya ng mapansin kong di sya umalis sa kinatatayuan nya.

---

ANNA'S POV

Sobrang gulat ko ng makita ang isang napakagwapong nilalang na nakashades ang lumapit sa akin at nagtanung kung ako si Marie. Ngunit sobrang dismaya din ang naramdaman ko ng makitang ito ay ang taong naka away namin sa kubo.

Aalis na sana ko pero pinigilan nya ako. Curiosity kills nga naman. At dahil din sa pagkapilya ko kaya napag pasyahan kong sumama sa kanya. Nagugutom kasi ako at balak kong ubusin ang kayamanan nyang dala :D

My Accidentally BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon