(10) fear

136 4 3
                                    


KIAN'S POV

Sh*t. sh*t. sh*t. What have I've done?! Di ko alam na di pala sya marunong lumangoy. Akala ko nagbibiro lang sya nung lumubog sya.

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ko, dito ko dinala sa kwarto ko si Rhoan pagkatapos ko syang bigyan ng CPR. Naibuga naman nya ang mga tubig pero di ko maintindihan wala pa rin syang malay pero humihinga naman na. Kanina ko pa tinawagan ang tropa ko alam kong maya maya ay nandito na ang mga yun.

"F*ck lagot ako kay dad." I mumbled to my self.

Lakad lang ako ng lakad sa labas ng kwarto, inaasikaso na ng maid si Rhoan sa loob upag palitan ng tuyong damit.

"Ser okey na po, nabehesan ko na po." sabi ni manang fe. Isa sa mga maid dito.

"Ah sige po salamat po." pagkasabi ko nuon ay pumasok agad ako sa loob ng kwarto ko upang icheck si Rhoan.

Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha, napaka amo nitong tignan. Nakita kong may ilang buhok na nakatabing sa mukha nya kaya yumuko ako at tinanggal ko ito.

"Hey bro, anong nangyari?"

Bigla akong napadiretso ng tayo sa biglang pagpasok ni Sid.

"Woah, sorry for disturbance bro, hahaha."singit naman ni Kev.

"Mga g*go tulungan nyo naman ako, wala pa din syang malay hanggang ngayon eh, ano gagawin ko dito, di sya pwedeng abutan ni papa na ganyan. Papagalitan ako nun for sure."

"Gag* ka kasi eh, tama lang sayo mapagalitan." sagot naman ni Sid.

Tinitigan ko lang sya ng masama. Alam ko namang kasalanan ko eh pagduduldulan pa ng gag*ng to.

"Tay….!"

Napatalon kami sa gulat ng sumigaw si Rhoan sabay nun ay napaupo sya mula sa pagkakahiga nya. Pawis na pawis sya at hinahabol ang kanyang paghinga. Bigla syang tumayo ng mahimasmasan na sya at napansin nyang iba ang damit nya kaya tumingin sya sakin.

"Uy hindi ako ang nagbihis sayo… si Manang Fe pinagbihis ko sayo." dipensa ko naman sa kanya.

Walang salita na umalis sya ng bahay pagkakuha ng gamit nya, iniwan kaming nakanganga..

"Hala ka pare galit sya." basag ni Kev sa katahimikan.

"Malamang magagalit yun, muntik na kaya syang mamatay sa ginawa ni Kian."sabi naman ni Sid.

Lumabas sya ng walang paalam, hindi rin marunong magpasalamat sa ginawa ko sa kanya. Ako kaya nagligtas sa kanya. Pinapalitan ko pa damit nya para lang hindi na basa damit nya tapos ako pa pagwo-walk out-an? Lakas naman ng tama ng babaeng yun.

Yan ang nasa isip ko ngayon. Nakakainis.

Lumabas nalang ako ng kwarto at pumunta sa garden.

"Uwe nalang muna kami pre!" rinig kong hiyaw ni Sid.

----

RHOAN'S POV

That dumb a-ss! Muntik nakong mamatay sa ginawa nya! Hinding hindi ko sya mapapatawad! He's a d-amn son of a b-itch. How stupid! How insane!

Habang naglalakad ako pauwi ay panay ang labas ng cursed words sa utak ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Muntik na ....

Dahil lakad takbo ang ginawa ko ay mabilis akong nakalabas sa subdivision nila. Naghintay ako ng jeep para makauwi na.

'Bukas na bukas kakausapin ko si Mr. Tan na hindi na ako magtu-tutor sa anak nyang may sayad.' bulong ko sa isip ko.

Maya maya ay may huminto ng jeep sa harap ko. Sumakay ako at umupo malapit sa driver. May ilan pang lalaki na sumakay sa jeep. Sa tabi ko pa umupo yung isang lalaki.

"Bayad po." sabi ng katabi ko sabay abot ng bayad sa driver. Ako naman ay napasandal dahil malapit sa mukha ko yung braso ng lalaki.

Pati yung ibang pasahero ay nagbayad na din. Ako nalang siguro yung hindi pa nagbabayad. Well pagmalapit na kasi ako dun lang ako nagbabayad. Pero di ako nagwa-1.2.3. ah, ganun lang talaga ako.

"Ilan tong isang daan?"tanong ni manong driver hanang nagmamaneho.

"Dalawa po kasasakay lang."sagot naman ng katabi ko.

"Pasensya ka na pala kay Kian ha, ganun lang talaga ugali nun. Pero mabait talaga sya." rinig kong sabi ng katabi ko.

Teka sino ba kausap ng lalaking to? Dahil curious ako tumingin ako sa katabi ko. And to my surprise. Its Sid, ang cousin ni Krissha na barkada nila Kian.

What the he-ll sinusundan ba ako nito?

"Alam mo, ga-go lang talaga yang barkada mong isa't kalahating baliw." sagot ko nalang sa kanya at humarap ako sa likod ng driver.

"Pilyo lang talaga sya, sana pagpasensyahan mo nalang. Alam ko namang di nya gusto ang nangyari kanina.."

"Whatever."tipid na sagot ko naman.

"Kilala ko si Kian. Matagal na kaming magkaybigan kaya alam kong di nya intensyong gawin yun sayo. Ako na humihingi ng tawad para sa kanya, please lang wag mo nalang ito sasabihin sa daddy nya. Kalimutan nalang natin ang nangyari please?"

This time napalingon na ako sa kanya. Nakita kong seryoso ang expression ng mukha nya. "Don't worry, di ko sasabihin kay Mr. Tan ang nangyari. Pero ito na ang una't huli kong pagtuturo sa kanya." seryoso ko na sagot sakanya.

"Please give Kian another chance? Kaylangan ka nya as his tutor, he needs to passed the exam."

"Teka nga bakit ba ikaw nakikiusap sakin? Ano mo ba si Kian? Di ba barkada mo lang yon?"

"He's more than a friend for me. Simula bata magkakaybigan na kami." he said on a low tone.

"I don't care ok." pagsusuplada ko sabay tingin sa labas. Buti nalang malapit na sa kanto namin. "Manong para po."

Hindi na ako nagpaalam sa kanya at bumaba nalang ako agad. Hindi nya alam anong takot ang binuhay nya sa puso ko, hindi nya alam ano naramdaman ko ng mga oras na yun.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, at pabagsak na humiga sa papag ko.

Kinuha ko ang isang picture frame sa tabi ng higaan ko at tinitigan at inakap ko ito.

"Tatay…" bulong ko habang akap ko ang picture ni tatay. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata na kanina pa nakakaramdam ng pagod.

I

----
A/N :

Yeay! Kamusta guys xD nakapag update din hohoho.

Hirap talaga ng walang wifi :D

Pasensya na po natagalan, marami dn kasi ako pinagdadaanan :D may footbridge, overpass, underpass, eskinita.  xD de joke lang hahaha

Salamat sa pagsubaybay! Voments pls? :D

#Loveyoumuch.

My Accidentally BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon