ANNA'S POV"Bru bakit wala si Rhoan? Nagparamdam ba sayo?"tanong ko kay Maine habang andito kami sa kubo.
Lunch break namin at dito namin naisipang tumambay ni Maine. Kami lang ni Maine ngayon kasi absent si Rhoan. Nakakapagtaka kasi hindi naman ugali ni Rhoan na hindi pumasok pero bakit wala sya ngayon.
"Ewan. Wala naman text sakin eh."walang ganang sagot naman niya.
"Kamusta kaya tutor nun kahapon, haaay.. To think na yung tinuruan nya ay yung nakaaway nya... Bru tignan mo mamaya sa kanila bago ka umuwi ah?"request ko kay Maine sabay kagat sa french fries na hawak ko.
"Di ako pwede. Ikaw nalang."sabi ni Maine habang nilalabas ang drawing materials nya.
"Eh hindi pa nga ako pwede kung pwede lang ako kanina ko pa pinuntahan yun."reklamo ko sa kanya.
"Makikipagdate nalang kasi papahuli pa."dinig kong bulong ni Maine.
"Anong sabi mo?"tanong ko sa kanya. Kainis pinapaalala pa.
"Hi guys, kamusta? Sabi na nga ba dito ko kayo matatagpuan eh."
Bigla kaming napalingon sa pinto ng kubo dahil sa narinig naming pamilyar na boses. At di nga ako nagkamali ng hinala, sya ay walang iba kundi si Krissha. At take note ha... kasama nya grupo nila Kian, complete attendance pa ha. Di pa ako nakakapagsalita ay pumasok na agad sila sa kubo.
Dahil paikot ang upuan sa kubo ang naging ayos ng upuuan namin ay, si Maine,ako at si Steve sa left side, sila Kian,Krissha at Sid naman sa tapat namin which is the right side and si Kev at Vince naman sa gitna.
Wag na kayong magtaka bakit kilala ko sila lahat, matalas kaya memorya ko sa mga gwapo este sa mga nakaka away namin. ^o^
"Asan si Rhoan?"tanong ni Kian.
"Nilalagnat ngayon si Rhoan.. nakausap ko sya kaninang recess time, tinawagan ko nilalagnat daw."sagot naman ni Krissha.
"Huy amazona, ano dino-drawing mo?"baling naman ni Sid kay Maine.
"Mind your own business moron."sagot naman ni Maine.
"Tss supladang amazona to oh? Damot pa,"reklamo naman ni Sid.
"Krissha bakit daw nilalagnat si Rhoan?"singit ko namang tanong kay Krissha.
"Di nya nabanggit eh,"sagot naman nya sakin. "Tara puntahan nalang kaya natin sya?"dagdag pa nito.
"Eh di ako pwede, may curfew na ako eh, saka may pasok pa kaya." sagot ko naman sa kanya.
"Wala na, canceled ang lahat ng klase dahil sa emergency meeting ng mga faculty." cold na singit naman ni Kian."Di kasi marunong makinig sa mga announce."bulong pa nito.
"Pag sumama si Maine, sige join ako."sabi ko sabay tingin kay Maine ganun din si Krissha.
"May free ice cream at chocolates ba?"tanong naman ni Maine.
"Sige libre kitang isang galong ice cream at madaming chocolates basta sumama ka lang."singit ni Sid.
"Yown oh.Duma-the moves si totoy brown,hahaha!" kantyaw naman ni Kev.
"Lul. Mukha mo. Gusto ko lang gumalang may kasamang chicks." sagot naman nito.
Napansin kong masama ang tingin ni Maine kay Sid tapos maya-maya ay ngumisi ng nakakaloko. Ano nanaman kaya ang nasa isip ng babaeng ito, pag ganyan ang ngisi nyan may balak yan eh.. lagot ka Sid. (^^,)
"Sige sasama kami basta lahat ng chocolates na kukunin ko bibilhin mo. At ako ang masususnod. Maliwanag ba ?"
"Geh col." sagot naman ni Sid sabay abot ng kamay nito kay Maine kaya lang hindi nya ito pinansin.
BINABASA MO ANG
My Accidentally Boyfriend
Randomfirst time in wattpad ko to! kyaaah. haha wala akong idea ano dapat isulat dito, just a try ^___^ pocket books lang kasi alam ko isulat HAHAHA. Hope you like it!